Want it
Napatigil ako sa pag iisip ng makita ko sa aking harapan ang nakaunipormeng lalaki. Kumunot ang noo ko ng tuluyan ng makalapit ang lalaki.
"Ma'am, ako po ang pinadala na magsusundo sa inyo." Sabi nito. Tuluyan ng kumunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko wala namang susundo sa akin dito. Dahil walang nakakaalam na ngayon ang pagpunta ko."I did not asked for any one's help." Malamig kong sinabi. Maglalakad na sana ako ng hinarang nya ako.
"Eh pero Ma'am yun po kasi ang sabi ni boss." Boss? Sino naman kaya yun? Tumayo ako ng tuwid at walang emosyon na tumingin sa lalaking nasa harapan ko.
"Who sent you here? Who is your boss?" Tanong ko. Walang pag aalinlangan syang sumagot.
"Mr. Matthew Kier Aguas po." Sabi nya.Dinagundong ng kaba ang dibdib ko. Bakit nya ako pinapasundo? Paano nya nalaman na ngayon ang dating ko? Why is he doing this? Ano bang plano nya?
"Ma'am?" Pinukaw ng lalaking ito ang aking pag iisip, dahan dahan akong tumango.
"Alright. I'm coming." Sabi ko. Tumigil kami sa isang itim na van. Pinagbuksan nito ako ng pintuan syaka ako pumasok. Nang umandar na ang sasakyan ay nagsalita ako.
"Ibaba mo na lang ako sa Queen's Hotel." Tukoy ko sa hotel na paglalagian ko dito sa Manila. Hindi ito umimik. Nakapikit ako buong oras ng byahe, blangko ang aking isipan at may halong kaba ang aking dibdib."Nandito na po tayo." Nagmulat ako ng mata at laking gulat ko na lamang ng nasa tapat na kami ng Aguas Hotel! Why am I here?! Masama kong pinukol ng tingin ang driver na ngayon ay nasa harapan ko na at kinukuha ang maleta ko.
"I told you I want Queen's Hotel! Why am I here?!" Galit kong tanong. Hindi ako makakapayag na pati sa hotel ay kokontrolin nya ako at papasunudin sa lahat ng gusto nya. Ang kaba sa aking dibdib ay napapaltan ng galit. Dahil sa hindi ko maintindihan ang mga ginagawa nya."Ma'am, nautusan lang po ako." Huminga ako ng malalim. Tama. Ginagawa nya lang ang trabaho nya. At bakit ba ako magagalit. Wala kong karapatan right?
Lumabas ako ng van at bumungad sa akin ang magarbo nitong entrance. Igting na rin ang sikat ng araw kaya naman nararamdaman ko na ang init. Taas noo akong naglakad papasok. Yung lalaking kasama ko ang nagbuhat ng maleta ko at kumuha ng susi ng room na gagamitin ko. Ramdam ko ang pagsunod ng mata sa akin ng mga tao sa paligid ko. But I don't mind. Pumasok ako ng elevator ganun din ang lalaking kasama ko.
"What is my room number?" Tanong ko.
"512 po" hindi ako umimik at inintay na lamang ang pagbukas ng lift sa tamang floor.Ano ba tong nangyayari? Halos limang taon na rin ang lumipas, kaya naman kagulat gulat ang bigla nyang pagpaparamdam. Is it about veangence? His wrath? Alam kong masakit ang ginawa ko noon na pag iwan sa kanya. Pero-wait hindi kaya ako lang ang nag iisip na may ibang meaning ang lahat ng ito? What if it's just all about business? Ako lang ba ang nag iisip na may ibang dahilan ng lahat ng ito? He's move on. And I'm not, I'm just trying to be one.
Napailing ako sa sarili ko. It's just business, and nothing more. Tama lang na bumalik ako dito sa Pilipinas, gusto ko ring makita si Papa. Napatigil ako sa pag iisip ng bumukas ang elevator at nang makarating ako sa room ay agad akong pumasok at nagpasalamat sa lalaking nagsundo sa akin. Pinagmasdan ko ang kwarto. Elegance is all over this room. Mula sa kurtina, sahig, chandelier at kama ay mukhang nagkakahalaga ng malaki. Umupo ako sa malambot na kama at napatulala ng saglit.
Okay, Messeah....just meet Papa and do your work and it will be over. Pumasok ako sa bathroom at doon naligo. Nang matapos ay nagsuot lang ako ng pajama at tshirt na puti my usual attire when I'm in my house. Binuksan ko ang tv at nanuod na lamang. Ginugol ko dun ang buong araw ko. Imbis na mag isip ng kung ano ano, nanuod na lamang ako. May nagdadala naman ng pagkain dito sa room ko. Hindi ako umoorder pero may feeling ako na si Matthew ang kumukuha nito para sa akin. Napabuntong hininga ako. Paano pala kung hindi sya? Umaasa na naman ba ako? Am I assuming too much?
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomansaMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...