Strength
Lutang ang isip ko habang naglalakad sa hallway ng school. Hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni papa sa akin kahapon. I dont get it until now. Naramdaman ko na lang na may sumasabay na sa aking maglakad.
"Mukang ang lalim ng iniisip natin ngayon ah" lumingon ako sa kanya. Si Tristan pala. Hindi ko alam kung bakit lapit sya sa akin ng lapit. Simula noong Grade 8 ako ay feeling close na sya sa akin.
"It's nothing" tipid kong sagot. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa paglalakad. Ngunit ramdam ko na patuloy nya pa rin akong sinasabayan sa paglalakad."That's the line you always said when I am asking you." He said. Kumunot ang noo ko.
"Because there's nothing to say Tristan" i coldly said. I heard him chuckled.
"How cold. Para kang yung CEO ng Aguas group of companies. You know the Billionaires family" he said. Marinig ko lang ang apelyedong yun kumakalampag na ang puso ko. Ng makarating na ako sa tapat ng room ko ay huminto ako, hindi kami classmate kaya titigil na sya dito.
"Don't mention that name again" malamig kong usal bago lampasan sya.Hanggang sa matapos ang klase ay tunganga ako. At isa pa halos alam ko na ang itinuturo ng teacher so there's nothing to worry about.
Nakahinga ako ng maluwag ng walang Tristan ang nagpakita, pumunta agad ako sa parking lot para intayin ang sundo ko. Pero lumipas ang kalahating oras ay wala pa rin ito. Iritado kong kinuha ang cellphone ko at nagtext dito. Pagkatapos ko itong itext may nakita akong cafe sa pagtawid. Pero bago ako humakbang may nakita akong nakapark na itim na kotse. Mariin kong tinitigan pero wala akong makitang tao sa loob sobra ang pag katinted nito.Huminga ako ng malalim bago humakbang para makatawid. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may nakita akong humaharurot na motor papalapit sa akin, sa sobrang bilis nito hindi ako makapag isip ng maayos. Akala ko ay mababangga na ako ngunit may naramdaman akong mabigat na kamay sa aking braso at hinigit ako sa tabi ng kalsada. What the hell?!
"You need to be careful sometimes" i heard a baritone cold voice, ngunit sobrang pamilyar nito sa akin, parang narinig ko na ang boses na ito dati. Tumalikod ako para makita ang lalaking nagligtas sa akin. Pero likod na nito ang nakita ko. Papalayo na ito sa akin at papunta sa itim na kotse na kanina lamang ay nakita ko. Naka hood ang lalaki at sobrang tangkad nito, wari ko'y hanggang dibdib lamang ako nito. Lumunok ako.
"Who are you?" Sigaw ko upang marinig nya. Hindi sya lumingon pero timigil sya sa paglalakad.
"Soon. Messeah. Soon" malamig nyang usal. Halos mangilabot ako ng banggitin nya ang pangalan ko. He know me? Natulala ako, namalayan ko na lamang na nandito na ang sundo ko, pumasok ako sa kotse, napansin ko kaagad ang malungkot na mukha ni Manong Albert. At hindi sya sa akin makatingin ng diretso."What is it, Manong?" Tanong ko.
"M-ma'am sa h-hospital po tayo pupunta" sabi nya. Kumunot ang noo ko.
"Bakit sa hospital?" Nagtataka kong tanong.
"S-sir, Jairus po nasa hospital" mahina nitong tugon. Dinagundong ang puso ko sa sobrang kaba. What the hell?!
"W-what? Anong nangyari?" Halos pasigaw kong tanong.
"Nabaril po" lalong humina ang boses nito. Lalong nanglaki ang mata ko, nangingilig ako sa sobrang kaba.
"Shit! Go Manong! I want to go to the hospital!" I shouted. Pumikit ako ng mariin. Kinuha ko ang cellphone ko at may mga missed call si papa. Nang makarating sa hospital lumabas agad ako ng hospital. Sabi ni Manong nasa emergency room pa si papa. Patakbo akong pumunta dito, humina ang pagtakbo ko ng makita ko si tito Mateo sa labas ng emergency room."Tito....." tawag ko. Tumingin sya sa akin. Bakit sya nandito? Malungkot syang tumingin sa akin. Lumapit sya sa akin.
"Messeah." Tawag nya.
"What happened?" Tanong kong kinakabahan, nilalabanan ko ang mga luhang gustong pumatak. I am brave. Be brave Messeah.
"He was shot by a gun" tito Mateo said.
"Who?. Wala syang kaaway tito! At alam ko yun! He's a good businessman! And....he dont deserve this." Halos manginig ang boses ko.
"Pina iimbestigahan ko na ito sa pulis Messeah. You dont have to worry" he said.
"No. tito Mateo. Thank you for being here now. Pero ako na ang bahala dito. Labas ka dito tito Mateo. Its our problem" i said. Nag aalala nya akong tiningnan. Yan ang pinaka ayaw ko sa lahat. I dont want a pity from them. Sabi ni papa, you need to be independent in all times. And that time is now.
"Halos kapatid na rin ang turing ko kay Jairus. Kaya hayaan mo akong tulungan kayo. Kakauwi lang ni Matthew galing New york, papapuntahi-" pinutol ko sya.
"No! Tito! Im okay with you.. dont bring him here" kinakabahan kong sabi. Binigyan nya ako ng nagtatakang titig.Biglang lumabas ang isang doctor mula sa emergency room. Humarap ako dito.
"How is he?" Tanong ko. Bumaling sa aking ang doctor.
"He's in coma. Maraming nawalang dugo pero wag kayong mag alala dahil nasalinan na sya dahil madaling mahanap ang blood type nya. But we dont know kung kailan sya gigising. His brain is not responding. I'll make some test to figure it out. But for now we need to wait. Im sorry. I'll go now" napaupo ako sa sinabi ng doctor. I wish this is only my dreams but i know that is impossible.
"He will be okay." Sabi ni tito Mateo sa tabi ko. Sobrang bigat ng damdamin ko, mahal na mahal ko si papa, ramdam ko rin ang pagmamahal nya sa akin. At alam ko lalaban sya para sa akin. Tumayo ako na parang wala lang ang lahat kahit isang patak ng luha ay walang lumabas kahit na nasa bingit na ito ng pagpatak."Tito Mateo. I'll go home muna. Then I'll come back after I change my clothes. But you can go now tito. Pwede naman na ang magbantay ay si Manong Albert." Nag aalala syang tumingin sa akin. Ayaw ko na kinakaka awaan ako. I dont like to see or to know what others opinion about me pero ang ayaw ko sa lahat ay hinuhusgahan ang pamilya ko. At alam ko sa panahon ngayon, marami ang maaawa sa amin. O sa akin.
"No. Hija. I will help you. Ako na ang magbabantay sa papa mo" tumango sa sinabi nya. Gumaan din ang pakiramdam ko. Atleast there's a people who still concerned.
Tatalikod na sana ako ng tinawag ako ni tito Mateo.
"You need bodyguards Messeah. I will bring them with you" tumango ako at humakbang na palayo.This is so hard. Ang mawala si papa sa aking tabi ay pagbagsak ko na rin. Pero alam kong lalaban sya. Hindi nya ako iiwanan. And for me. I need to be brave. My weakness is my beloved person and also my strength.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...