Kabanata 22

1.1K 36 0
                                    

To Stay

"Huy! Miss! Gising na!" Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Manang Rosie na naglalagay ng mga damit sa closet.
"Manang anong oras na?" Tanong ko habang kinukusot ang mata.
"Alas nueve na kaya bumangon ka na at mag almusal sa baba" sabi nito.
"Si Matthew po?" Hindi ko mapigilan ang pagtatanong.
"Ay naku! Kausap nya ngayon yung pinsan nya" tumango ako. Tahimik akong pumunta sa banyo at nag ayos. Nagsuot ako ng simpleng puting dress pagkatapos bumaba na ako.

Bakit kaya napadaan dito ang isa sa mga pinsan nya? Siguradong sa side ito ni tita Kristine dahil walang kapatid si tito Mateo. Habang papuntang dining may mga naririnig akong boses.

Ng makapasok ako sa dining nakita ko si Matthew na seryosong nakikipag usap sa isang amerikanong lalaki. Matangkad, maputi at kitang kita ang kanyang asul na mga mata. Tama nga ako, isa itong Walter. Dumapo agad sa akin ang tingin ni Matthew, ngumiti lamang ako sa kanya habang siya ay seryoso.

Ngumiti agad sa akin ang lalaki ng makita nya ako. Lumapit ako sa kanila at agad tumayo ang lalaki para makipag kamay sa akin.

"I'm architect Hendrick Walter, you are Messeah Benosa?" He said.
"Ah yes" i said. Tinanggap ko ang kanyang kamay ng makarinig ako ng isang tikhim na galing kay Matthew ay agad akong humiwalay at umupo.
"Eat Messeah" Matthew commanded. Tumango lamang ako at sinimulan ng kumain.
"Now, when is the start of the renovation of your hotel?" Asked Hendrick. Ano naman kayang hotel ang ipaparenovate? Sa dami ba namang five star hotel na pag aari ng mga Aguas ay hindi ko na alam kung alin dun.

"Maybe tomorrow" maikling tugon ni Matthew.
"Okay, by the way..." lumipat ang tingin sa akin ni Hendrick.
"How's your father, Miss Benosa?" grabe yung accent nya talagang malalaman mo agad kung anong lahi nya.
"I think he's fine" sagot ko. Ngumiti ako.
"I did not expect that it will happened to him, he's company is on the top when it comes to jewelry but unfortunately everything happened" he said.
"It's okay, we can handle it" biglang sabat ni Matthew sa mariin na boses. Napatingin ako sa kanya at seryosong mukha ang bumungad sa akin at talagang nakatingin sya sa akin?

"Yeah I know-" natigil sya sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone nya.
"Excuse me, I just answer it" tumango ako dahil sa akin sya nakatingin kasunod nun ang pagtayo nya.

"Do you like him?" Halos mapatalon ako sa tanong ni Matthew. Lumingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko.
"What?!" Naguguluhan kong tanong. Tumalim ang titig nya. Ano na naman kaya ang problema nito ni Matthew?
"You seem so fond of him, so I'm asking you do you like him?" Seryoso nyang tanong. Kunot noo ako sa kanyang nakatingin.
"Of course not! Bakit naman ako mag kakagusto sa kanya?" Tanong ko.

"Tss" uminom sya ng juice at tumingin muli sa akin. Nakita kong may sasabihin pa sana sya kaso biglang dumating si Hendrick sa dining.
"Uhm Matthew I need to go" narinig kong sabi nya mula sa likod ko. Tumayo si Matthew para magkalapit sila ganun din ako pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Okay, just wait my calls" Matthew seriously said. Nakapamulsa si Matthew habang nakaharap kami kay Hendrick bale magkatabi kami ni Matthew. Lumapit si Hendrick sa akin. Nanglaki ang mata ko ng kuhain nya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. What the hell!? Nag init ang pisngi ko sa ginawa nya.
"Nice to meet you Miss Benosa." He said. Habang ginagawa nya yun ramdam ko rin ang mga matatalim na titig sa tabi ko.
"U-Uhm you're too formal, you can call me Messeah instead" i said. Ngumisi si Hendrick. Lalo na ng magsalita si Matthew.
"I think you should go now cause if you don't I will kick your ass out of here" malamig ang bawat bigkas ni Matthew. Nanigas ako sa sinabi nya. Tiningnan ko si Hendrick pero nakangisi lang sya habang nakatingin kay Matthew.

"Okay. Okay. You don't need to do that. Bye" nginisihan nya pa ng pang huling beses si Matthew bago umalis ng mansyon. Tahimik kami parehas ni Matthew ng makaalis na ni Hendrick.

"Matt-" hindi ko natuloy sa sasabihin ko ng magtama ang mga mata namin, geez his eyes is so intense.
"First name basis huh?" Alam kong galit sya. Pero bakit?
"Hindi kasi ako sanay na tawagin sa apelyi-" pinutol nya ako sa sasabihin ko.
"You like him" hindi yun tanong dahil siguradong sigurado sya sa sinasabi nya. Kumunot ang noo ko.
"What? Ano bang pinag sasabi mo?" Naiinis kong tanong.
"Tsss" tumalikod sya at naglakad paalis. Seriously anong problema nun? Kinausap lang naman ako ni Hendrick, hinayaan kong tawagin nya ako sa pangalan ko, hinalikan nya ang aking kam- OH MY GOD? Nagseselos ba sya?!  Napailing ako. No, Messeah! Don't assume too much!

Hinabol ko sya at naabutan ko syang naglalakad papuntang dalampasigan at namangha ako sa kalangitan dahil sobrang kapal ng mga ulap! Mukhang uulan ng malakas ah?

"Matthew!" Tawag ko. Pumunta ako kung nasan sya nakatayo, tumabi ako sa kanya at hinarap ko sya.
"Are you mad?" Tanong ko.
"I might get lie if I answer your question" he said in a very serious tone. Nangilabot ako.
"Then answer it honestly" i said. Hindi sya umimik.
"Ano bang kinagagalit mo?" Tanong ko.
"Because it was too easy for you to entertain another guy but when it comes to me it was very hard for you" he said. Hindi ko alam kung bakit kumalabog lalo ng husto ang puso ko. Nanatili syang nakatingin sa dagat.
"Because you are different" sabi ko. Nanatili akong nakatingala dahil ang tangkad nya at ito ang paraan para makita ko ang gwapo nyang mukha. Lumingon sya sa akin na nagbigay sa akin ng sobra sobrang kaba.
"Yeah different. You were so mad at me that I didn't know the reason" he said. Napatungo ako. Alangan naman na sabihin ko sa kanya. E di nalaman nyang patay na patay ako sa kanya, simula noon? Napailing ako.

"Nalilito talaga ako sayo! Why are you so mad?" Iwas ko sa sinabi nya.
"I'm jealous" bigla nyang sabi. Napatigil ako at halos napatulala.
"You. What?" Gulantang kong tanong. Shit!
"I don't want to repeat it twice" he said. Tumingin ako sa mga mata nya. And he's serious.
"W-Why?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ba ako nabingi ng sabihin nya yun?
"I don't know. I Just don't like the way you look at him, and promise me that you will not doing it again" he said.
"Wala naman akong ginagawa ah" depensa ko.
"Tsss. Promise me Messeah" he said. Bumuntong hininga ako.
"P-Promise" sabi ko. Maya maya lang may sumisilip na nangisi sa kanyang mga labi.

Hanggang sa pumasok kaming mansyon ay kumakalabog pa rin ng husto ang puso ko lalo na at magkahawak pa ang aming kamay. Hindi ko talaga mapigilan. Even if I'm young hinding hindi ko pag sisihan ang mahulog sa kanya, sana lang ay hindi ako masaktan pero alam ko naman na malaki ang posibilidad nito. I just hope so.

"Kamusta na nga pala sina tito Mateo sa Manila?" Tanong ko habang nanunuod kami ng tv dito sa living room. Halos isang buwan na ang nakalipas at wala pa akong balita sa kanila.
"They doin' okay" he said in a lazy tone. Pinatong nya ang kanyang paa sa center table at naramdaman ko ang braso nya sa likod ko.
"Miss ko na ang Manila" bulong ko kasabay ng buntong hininga. Kamusta na kaya ang kompanya namin? Alam kong nasa bingit ito ng pagbagsak dahil wala si papa pero nakakapanghinayang pa rin. Pinag laanan ito ng oras at pagod ni papa.

"Don't be." Maikli nyang tugon. Narinig nya pala. Sumandal ako sa likod ng sofa at nararamdaman ko na ang pagbagsak ng mga mata ko halos 11 o'clock na ng gabi eh.
"Sa tingin mo. Kailan mahuhuli si tita Lorna?" Mahina kong tanong. Naramdaman ko ang paghila nya sa akin, nakahilig ako ngayon sa matitigas nyang dibdib. Hindi ko alam kung bakit lalo akong inantok dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. Naramdaman ko rin ang pag dampi ng kanyang mga kamay sa aking buhok at para akong hinehele sa ginagawa nya.

"Don't think too much. I can handle that. All you need to do is... to stay with me" he said. And that moment I unconsciously fell asleep.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now