Monday na ngayon kaya maaga akong nagising dahil ayokong malate sa klase ko.Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta nakong kusina.
Naabutan ko si mama na nag aayos sa hapag kasama si yaya Linda at manang.
Yan ang gusto ko kay mama e, yung kahit na may kaya kami sa buhay hindi s'ya marunong manghusga.
"Gising kana pala, halika kumain kana" sabi ni manang ng mapansin n'ya ako, kaya napunta sakin ang atensyon nila mama.
"Kain kana anak" sabi ni mama kaya umupo nako at nagsimulang kumain. Ngumiti naman si yaya Linda.
"Papasundo kaba kay manong Mario mamaya?" Tanong ni mama.
"Opo bakit po? May lakad po ba kayo mamaya? Ayos lang po kung magcocomute n--" pinutol ni mama ang sasabihin ko.
"Wala akong lakad mamaya, kung ayos lang sana e kami na lang dalawa ng papa mo ang susundo sayo" sabi ni mama.
"Uh sige po" sabi ko at tumayo na dahil tapos nakong kumain.
"Ma alis na po ako. Bye yaya Linda!manang!" Paalam ko sakanila. Hinalikan ko sa pisngi si mama. Ngumiti at tumango sakin si yaya at manang kaya lumabas nako ng bahay.
Pagkalabas ko nandoon na si mang Mario sa tapat ng sasakyan kaya sumakay nako.
Pagkasakay ni manong ay pinaandar na n'ya ang sasakyan.
Hindi na s'ya nagtanong pa siguro sinabi na ni mama na papasok ako ngayon.
Hindi naman masyadong malayo ang eskwelahan sa bahay namin.
"Scarlet nandito na tayo" sabi ni manong kaya bumaba nako at bitbit ang bag ko.
Pagpasok ko sa room namin ay naabutan ko si Anna at Drake na naguusap hindi pa nila ako napapansin kasi busy sila. Tss.
Hindi kona lang sila pinansin at umupo nako sa tabi ni Drake, wala na kasing ibang bakanteng upuan kaya sa tabi n'ya na lang ako umupo.
Ngayon pa lang ata nila ako napansin, kita ko kasi sa gilid ng mga mata ko na nakatingin silang dalawa saakin.
Dumating na ang professor namin at nang napansin nya ako ay napahinto sya sa pagsasalita.
"Nagkasakit ka raw?" Tanong ni sir Alfonso.
"Uhm opo" Sabi ko, nasa akin na ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko.
"Bibigyan na lang kita ng handouts mamaya, pumunta ka sa faculty" Sabi nya kaya tumango na lang ako.
Nagpatuloy na sya sa pagsasalita sa harapan at nakinig naman ako.
Habang nakikinig ako ay naramdaman kong kinakalabit ako ng katabi ko, sino pa ba? Edi si Drake.
Hinarap ko sya habang salubong ang kilay ko.
"What?!" Inis na bulong ko dahil baka kapag sinigawan ko sya e mapalabas pa ako.
"Kita tayo mamaya sa garden" bulong n'ya habang nakangiti. ANG KAPAL NG MUKHA!
Pagkatapos n'ya akong lokohin?!
Inirapan kona lang s'ya. Pero sadyang makulit talaga tong epal na to.
"Please????" Sabi n'ya.
"Marami pa akong gagawin, kaya pwede ba?!tantanan mona ako!" Galit na bulong ko sakanya. Buti na lang hindi kami napapansin ni sir kundi lagot talaga kami.

BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?