Simula nung nalaman nila mama na buntis ako ay hindi na sila masyadong umaalis ng bahay.Nalaman din nila kuya na buntis ako kaya umuwi sila galing Paris.
Toktoktok
"Scar bumangon kana" sabi ni kuya Gio.
Matutulog ulit sana ako pero bigla akong naduwal kaya pumunta ako sa CR at doon ako sumuka.
Ackkkk
Ackkkk
AckkkkNung matigil ako sa pagsuka ay nagtooth brush nako at naligo na.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng white off shoulder dress.
Bumaba nako ng hagdan para kumain para kapag pumunta akong mall ay hindi ako gutumin.
"Saan ka pupunta scar?" Tanong ni mama ng makitang naka bihis ako.
"Pupunta po akong mall ngayon ma" sabi ko at umupo na para kumain.
"Sinong kasama mo?" Tanong ni kuya Nik na nakaupo habang kumakain.
Actually kumpleto kami ngayon.
"Kapag ba magmo-mall kailangan may kasama?" Tanong ko kay kuya Nik.
"Gusto mo anak samahan kita?" Tanong ni mama habang nakangiti.
"Sama ako" sabi ni kuya Gio.
"Me too" sabi naman ni kuya Nik.
"Sama din ako" sabi naman din ni papa.
Natawa ako sakanila.
"Naku ma! Wag na po, kaya ko naman pong mag isa." Sabi ko sakanila.
"Alam mo kasi anak lagi kaming busy ng papa at ngayon lang tayo magkakasama sama ng kumpleto diba? Kaya sige na mga KUYA bilisan n'yo na para makaligo na kayo at makapagbihis" sabi naman ni mama at natawa ako kasi pinagdiinan n'ya talaga yung kuya.
Nang matapos sila kuya na kumain ay naligo na sila at nagbihis.
At ng nakabihis na sila ay sumakay na kami sa kotse si papa na yung nagdrive kasi hindi kami kasya, may van naman kami pero sabi ko magkotse na lang kami.
Habang nagdadrive si papa ay napakaingay nila kuya.
Nagbibiruan sila minsan sinasali nila ako kapag napapansin nilang tahimik ako.
At sawakas ay nakarating na kami pinark muna ni papa yung sasakyan namin bago kami bumaba.
At nang nakababa kami ay agad hinawakan ni mama ang kamay ko.
"Kain muna tayo?" Tanong ni mama sakin.
"Kayo po ba?busog pa po kasi ako" sabi ko.
"Busog pa din naman kami" sagot ni kuya Gio.
"Okay so anong gusto mong gawin natin ngayon Baby Scarlet?" Tanong ni kuya Nik.
"Nood tayo ng sine?" Request ko.
"Sige ba" sabi n'ya.
Kaya ayun nakapila kami sa sinehan pero si kuya Nik ay bumili ng makakain namin.
Nakaupo na kami ngayon at nagsisimula na ang palabas.
Si mama ang pumili ng papanoorin namin kaya ang pinapanood namin ngayon ay ang romance movie.
Gusto ko man tumanggi pero diko magawa Baka mamaya sabihan pa akong bitter nitong si kuya Nik e. Tss.
---MANSION---
Kakauwi lang namin sa bahay, aaminin ko nag enjoy ako, ang dami kasi naming ginawa nagshopping kami tsaka kumain marami pa kaming ginawa.
"Nag enjoy kaba scar?" Tanong ni kuya Nik.
"Oo naman! Thank you kuya!" Sabi ko saka ko sya niyakap.
Niyakap Nya rin ako pabalik.
"Anong thank you? May kapalit yon uy!" Sabi nya kaya kumalas ako sa yakap at hinarap sya.
"Kuya naman e!" Sabi ko.
"Biro lang!" Sabi nya at tumawa ng tumawa.
Sira ulo!
"Tatawa naba ako?" Tanong ko sakanya at pinagtaasan ko sya ng kilay.
Sumimangot naman si kuya Nik kaya natawa ako.
"Sige na bukas na lang, inaantok nako e" Sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
"Kumain ka muna bago ka matulog" Sabi nya.
"Busog pa ako, ang dami kong nakain kanina" Sabi ko at tumayo na.
Tumango na lang sya kaya umakyat nako sa kwarto ko.
Nilock ko yung pintuan ng kwarto ko.
Nagbanlaw muna ako bago ako humiga sa Kama.
Hayyy...
Baby bilisan mong lumaki ah? Madami nang naghihintay sayo.
Atsaka teka nga, bakit ko pa kailangang umalis kung malapit din naman ako grumaduate?
Collage na kasi ako. Si kuya Gio kakagraduate n'ya lang, si kuya Nik ay grumaduate na rin s'ya last last year. Ako na lang yung nag aaral sa aming tatlo.
Matutulog nako, bukas kona lang sasabihin sakanila yung desisyon ko.
++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?