Pagkatapos kong nalaman ang resulta ay natulala na lang ako.Ngayon mas kailangan kong magingat at lumayo sa mga nakakasama sa akin kasi hindi lang ako ang maaapektuhan pati ang anak ko.
Yeah buntis ako.
Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa bahay.
Bumaba nako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Sinalubong naman ako ni mama at papa.
"Anak? Anong nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ni mama.
"Anak? Anong nangyari sayo?" Tanong naman ni papa.
Tumingin ako sakanila habang maluha luha.
"Ma pa sorry po" Sabi ko at napahikbi na lang ako.
Si mama at papa naman ay nataranta at pinaupo Nila ako sa sala. Nandoon din si manang na mukhang nagaalala.
"Anak anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?" Tanong ni mama habang hinahagod ang likod ko.
"Scarlet?" Tanong ni papa.
"Ma..pa...b-buntis p-po a-ako" Sabi ko at humikbi nanaman ako.
Napatulala sila mama at papa pero nakabawi din agad sila.
"Ohmygod!! W-wag k-ka ng umiyak kung ganon! Makakasama yan sa baby mo" Sabi ni mama na hindi alam ang gagawin kung papaupuin ba ako o papahigain.
"Ma h-hindi nyo lang po ba a-ako sasampalin?" Sabi ko.
Umiling lang si mama.
"Si Drake ba?" Tanong ni papa kahit na hindi n'ya dinugtungan ay alam ko ang ibig n'yang sabihin.
"O-opo p-pero hindi n-n'ya alam" sabi ko habang umiiyak.
Nagkatinginan na lang si mama at papa.
"Sasabihin mo ba sakanya?" Tanong ni mama.
"Hindi ko po alam" sagot ko.
Tumango na lang silang dalawa ni papa.
"Iha kailangan pagisipan mong mabuti iyan, hindi ka puwedeng magpadalos dalos" sabat naman ni manang.
Tumango na lang ako.
"Kumain ka muna anak bago ka magpahinga okay? Wag mong papabayaan ang sarili mo at wag kang magpapaka stress" Sabi ni mama.
Nginitian ko sya at tumango ngumiti din si mama sakin at inalalayan nya ako patungong kusina.
Naguusap si mama at papa tungkol sa trabaho nila habang ako ay tahimik lang na kumakain.
Nang natapos ako ay tumayo nako kaya napunta sakin ang atensyon nila.
"Ma magpapahinga napo ako" sabi ko.
"Oh sige,magpahinga kana ha? Wag ka ng mag isip ng kung ano ano 'kay?" Sabi ni mama habang nakangiti kaya nginitian ko din s'ya at tumango.
Naglakad nako papunta sa kwarto ko.
Agad akong nagtungo sa CR para magbanlaw.
Pagkatapos kong magbanlaw ay nagbihis nako ng manipis na sando na kulay puti at pants.
Humiga nako sa kama ko pagtapos kong mag ayos.
Baby wag kang mag alala mamahalin kita sa abot ng makakaya ko.
Kahit na niloko ako ni Anna hindi ko parin s'ya kayang pagsalitaan ng masama.
Magiging masaya na kaya silang dalawa ngayon?
Kamusta na kaya sya ngayon?
Ano kaba naman Scarlet! Wag mona nga syang iniisip! Mai-stress ka lang!
Wala akong magawa ano bayan!
At dahil nga wala akong ginagawa ay tuluyan nakong hinila ng antok.
++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?