Chapter 33

1.1K 21 0
                                    


Palabas nako ngayon ng Alonzo company.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay pinaandar ko agad ito. 4:25 na nakakahiya kay ate Nally, baka may lakad siya pero hindi niya lang sinasabi sakin.

Pinark kong mabuti yung sasakyan ko at lumabas na.

"Good afternoon ma'am" bati nung guard.

"Good afternoon" bati ko rin sakanya.

Pumasok nako sa elevator.

Napahikab na lang ako. Nang bumukas ang lift ay lumabas nako. Kumatok muna ako sa pintuan bago binuksan.

"Ate Nally"

"Scarlet kumain kana ba? Kung hindi pa, nagluto nako kumain kana"

"Uh ate Nally, sigurado ka bang wala kang lakad?" Tanong ko.

"Wala naman"

"May sasabihin ako sayo ate"

"Okay, Ano yun?"

"Si Drake kasi, sabi niya daw kasal nako"

Tumawa siya ng tumawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun?

"Oh my god! Totoo? Ang alam ko lang kasi si Anna lang yung lagi niyang kausap"

"Si Anna? E sino yung babaeng kahalikan niya dun sa office ni Raphael?"

"Baka ka fling niya lang yon" nagkibit balikat siya.

"A-ate Nally, k-kasi si Drake" nauutal ako hindi ko masabi ng maayos.

"Si Drake? Bakit?"

"Uh diba k-kasi niyaya ako nila Lily sa coffee shop mo? T-then nung pauwi na b-bago ako h-hinatid n-ni Drake a-ano k-kasi--" pinutol ni ate Nally yung sasabihin ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" Natatawang tanong ni ate Nally.

"H-hinalikan niya a-ako" napatakip ako sa tainga ko nung tumili siya.

"Oh my god! Oh my god! Saan? Sa lips ba?!"

"Ate Nally! W-wag ka nga!"

"Saan muna? Saan?!" Pangungulit niya sakin, kaya hinawakan ko yung labi ko. Na gets naman ata niya kaya pinaghahampas niya ako.

"Ate Nally! Ano ba?! N-nasasaktan ako! Aray!" Napahinto naman siya sa paghahampas sakin.

"Sorry, kinilig lang talaga ako, anong nangyari pagkatapos ka niyang halikan?"

"W-wala na. Then kanina tumawag siya, s-sabi n-niya, I want you back. Sira ulo ba siya? Nakikipag halikan siya sa ibang babae tapos sasabihin niya sakin yun?!" Inis na sabi ko sakanya, tinignan ko si ate Nally at nakita kong nakangisi siya sakin.

"Nagseselos kaba?"

"Ako? Magseselos? Hahaha! Wag ka ngang magpatawa diyan!" Ako magseselos? No way!

"Okay sabi mo e" tumawa pa siya huminto lang siya nung biglang may tumawag sakanya.

"Hello? Oh? Kailangan mo Drake?" Ni loudspeaker niya yung phone niya.

"Ate where are you?"

Tumingin sakin si ate Nally at ngumisi.

"Kasama ko si Camille why?" Napatingin ako sakanya.

"Nasaan siya? Sabihin mo sakanya hindi ako nakapunta kanina kasi busy ako sa trabaho" napataas yung isa kong kilay dahil sa sinabi niya si ate Nally naman ay humalakhak siya.

"Pumunta ka man o hindi wala akong pakielam!" Hindi ko na napigilan na sumabat.

"Ang harsh mo naman sakin" natatawang sabi niya napairap na lang ako.

Tinignan ko si Ase na nasa mat naglalaro.

Nagulat ako nung bigla siyang umiyak, nanlaki yung mata ko kaya pinuntahan ko agad siya at tinakpan yung bibig.

"Ate? Who's that? Sino yung umiyak?"

Nagkatinginan kami ni ate Nally.

"Uh, ano k-kasi nanonood kami ng cartoons! Oo tama!" Buti na lang naka isip ng palusot si ate Nally.

Tinignan ko si Ase tinanggal kona yung kamay ko sa bibig niya.

"Why? Gutom kana ba?" Hinalikan ko siya.

"Oh? Okay"

"Sige bye na"

"Ate wait l--" pinatay na ni ate Nally yung tawag.

"Muntikan na!" Natatawang sabi niya.

"Yeah, kinabahan ako dun" sabi ko.

"Me too, osya bye na ah?"

"Sige bye ate Nally! Thankyou! Take care!"

At nung tinignan ko si Ase ay natawa na lang ako, natutulog siya habang nakahiga sa hita ko.

Kinarga ko siya. At dinala sa kwarto ko, tatabihan ko muna siya. Ayokong mawalan ng oras sa anak ko. Hiniga ko siya sa kama ko. Ako naman ay nagbihis ng pantulog. Humiga ako sa tabi ni Ase at niyakap siya.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon