Kasalukuyan akong nagtatrabaho ngayon pero yung dalawa kong kaibigan naka upo sila sa harap ko habang nakikiusap na sumama sa lakad nila."Ayoko nga sabi! Ngayon kung gusto nyong sumama kila Raphael then go! Makakasama naman kayo ng wala ako" nakatutok pa rin yung paningin ko sa computer.
"Scarlet naman! Sige na! Pleaseeee?" Si Lily.
"Sa Friday na lang okay?! Kung gusto nyong pumunta sa bar sige papayag ako! Pero wag ngayon!"
"Friday? Are you sure? Wag kang paasa scarlet!" Tumingin ako kay Janine at naabutan ko syang nakanguso.
"Anong nginunguso nguso mo dyan?! Wag ka ngang gumanyan! Nagmumukha kang bibe!" Natatawang sabi ko natawa din si Lily. Si Janine naman ay napasimangot.
"Whatever! Basta sa Friday ah?!" Nakangising sabi ni Janine.
"Oo na! Kaya magtrabaho na kayo at wag nyo na akong guluhin okay?!" Sabi ko at tumingin ulit sa computer ipinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko, sila naman ay bumalik na sa pagtatrabaho.
---
Tinignan ko yung wristwatch ko nakita kong 4:30 na, tinignan ko sila Janine at nakita kong nagliligpit na sila. Tatapusin kona yung trabaho ko para bukas konti na lang yung gagawin ko at makauwi ako ng maaga bukas, ayokong mawalan ng time sa anak ko.
Si Drake naman ay maghapon sya dito, at iyon ang dahilan kung bakit ayokong sumama sakanila.
Bumukas yung office ni Raphael at lumabas dun ay silang dalawa ni Drake.
"Are you sure na hindi ka talaga sasama?" Tanong ulit ni Janine, pang ilang tanong na nga ba nya yan? Ewan koba diko na mabilang.
"Oo kaya pwede ba? Wag mo muna akong guluhin para matapos ko na tong trabaho ko?" Sabi ko at tumingin ulit sa computer.
"Pwede mo naman ituloy bukas yan" sabat ni Raphael na naka akbay kay Janine.
"Mas gusto kong matapos kona to ngayon"
"Pero scarlet, sumama kana kasi!" Si Lily.
"Wag na kayo na lang, Sige na" nginitian ko sila.
"Okay, basta sa Friday ah?" Paalala ni Janine kaya tumango na lang ako kaya naglakad na sila papuntang elevator.
Napahikab ako, tinignan ko ulit yung orasan sa wristwatch ko at nakita kong 5:18 na.
Niligpit kona yung mga gamit ko at binitbit ko yung bag ko at naglakad papasok sa elevator.
Kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong may mensahe doon yung mga kaibigan ko at si mama.
Una kong binasa ay yung kay mama.
Mommy:
Anak? Where are you? Bat ang tagal mo?
Are you okay?
Scarlet nasaan kana?
Nireplyan ko si mama.
Me:
My, pauwi pa lang po ako ngayon, madami po kasi akong ginawa at tinapos kona yung iba para makauwi ako ng maaga bukas, I'm fine my.
Nagreply agad sya.
Mommy:
Buti naman! Malapit kana ba?
Me:
Nope, Nakasakay pa lang po ako sa elevator.
Mommy:

BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
Любовные романыSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?