Chapter 27

1.2K 25 0
                                    



Nagtatrabaho si Lily kung saan nagtatrabaho si Janine, at napag alaman ko din na boss nila si Raphael na boyfriend ni Janine. Kaya naisipan kong mag apply, para magkakasama na rin kami.

Lumipat na kaming dalawa ng anak ko sa condo ko, minsan bumibisita sila mama. Pati sila Lily bumibisita din, nags-sleep over sila minsan dito.

Kulay white and red yung pader. Well that is my favorite color.

May tatlong guest room ako dito. Habang nasa ibang bansa ako ay pina renovate nila mama yung isang kwarto para kay Ase. Kulay blue lahat ng gamit nya. Sa taas yung kwarto at sa baba naman yung kitchen at living room. Hanggang second floor kasi to.

Nasa mat si Ase naglalaro lang.

Bukas pa lang ako magsisimula sa trabaho.

Humikab na si Ase kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo para buhatin sya.

Umakyat nako habang buhat buhat ang anak ko. Hiniga ko si Ase sa kama nya at naglagay ng unan sa magkabilang gilid nya. Hinalikan ko sya sa noo nya at kinumutan kona sya. Tinignan ko yung orasan sa kwarto ni Ase at nakita kong 9:55 na.

Naglakad nako palabas ng kwarto nya para makapunta nako sa kwarto ko. Katabi lang naman ng kwarto ko ang kwarto ni Ase.

Nagbanlaw muna ako pagkatapos nun ay humiga nako sa kama ko at natulog.

--KINABUKASAN--

Maaga akong nagising at naligo. Pagtapos kong maligo ay pumunta nako sa kwarto ni Ase para ayusan sya, ihahatid ko lang sya sa bahay namin hindi kona man sya kasi pwedeng isama sa trabaho at hindi ko rin sya pwedeng iwanan dito mag isa.

Pag tapos ko syang bihisan ay nilagay ko sa isang bag lahat ng gamit nya.

Kinuha ko yung bag na yun pati ang bag ko, kinarga kona rin sya para makaalis kami. Nilock ko ang pintuan pagkalabas ko. Tahimik lang si Ase na nakatingin sakin. Nginitian ko sya kaya ngumiti din sya sakin. Hinalikan ko sya sa magkabilang pisngi. Pagkasakay namin ng elevator ay pinindot kona yung panghuling palapag. Sa sampung palapag pa kasi yung condo ko.

"You're staying in your grandma baby okay? Magtatrabaho lang si mama saglit kaya be goodboy okay?" Nakangiting sabi ko.

Hinalikan naman nya ako sa buong mukha ko habang tumatawa sya kaya natawa din ako. Tumunog na yung elevator hudyat na nakarating na kami sa baba kaya naglakad nako palabas ng elevator.

Sumakay nako ng kotse at binuksan ang makina. Nasa likod si Ase. Kinabit ko yung seat belt nya bago ang akin.

Pinaandar kona ang sasakyan ko, si Ase naman ay tahimik lang may hawak syang laruan.

Nag red yung  traffic light kaya huminto ako.

At nang mag green na ay agad kong pinaandar ang sasakyan ko hindi ko naman kasi pwedeng bilisan.

Mabilis lang ang naging byahe namin dahil hindi naman kalayuan ang mansion namin.

Bumaba ako ng sasakyan at binuksan ko yung likod para buhatin ko si Ase kinuha ko din yung gamit nya, hindi kona pinasok ang sasakyan ko dahil aalis din naman ako.  Binati ako ni Mang Mario.

"Magandang umaga scarlet" Sabi nya habang nililinisan ang sasakyan.

"Goodmorning po"

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon