Chapter 31

1.1K 20 0
                                    


Naabutan ko si kuya Nikko na nakaupo sa sofa pero hindi ko siya pinansin. Nagdire-diretsyo lang ako. Umakyat ako at nakasalubong ko si mama na pababa ng hagdan.

"Nandyan kana pala, natutulog si Ase dun sa kwarto mo. Ang aga mo atang umuwi ngayon? Magpahinga kana alam ko naman na pagod ko sa trabaho" nakangiting sabi ni mama kaya nginitian ko din siya.

"Opo my, thankyou po" umakyat nako ng tuluyan

Naabutan ko si Ase na nakahiga sa kama ko at may unang sa magkabilang gilid niya.

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa noo.

Inalis ko yung unan sa tabi niya at humiga ako sa tabi niya.

Hindi parin kami naguusap ni kuya, hindi niya ako pinapansin kaya hindi kona lang din siya pinapansin. Galit ako sakanya. Yun yung kauna-unahan na nasampal niya ako, hindi ko matanggap na nagawa niya akong saktan ng ganun.

Humikab ako kaya pinikit kona lang yung mata ko.

Nagising ako ng may maramdaman akong yumakap sakin ng mahigpit kaya minulat ko yung mata ko at kinusot.

Si Ase pala yung yumakap sakin kaya yinakap ko din siya.

"I Miss you Ase, Don't worry babawi si mama sayo okay? Mamamasyal tayong dalawa sa Saturday" nakangiting sabi ko at hinalikan ko siya sa noo ngumiti naman siya sakin.

"Wait me here baby, punta lang akong CR ha?"

Nag toothbrush ako at nang matapos ako ay lumabas nako at CR at kinarga ang anak ko para makakain na.

Nasa sala sila kuya Nikko, kuya Gino, at si mama at papa.

"Gising na pala kayo, gutom kana ba? Tara kain na tayo" nakangiting sabi ni mama kaya sabay sabay kaming pumunta sa kusina.

Pinaupo ko si Ase sa high chair na pambata. Pinakain ko muna siya at nang matapos siya ay saka pa lang ako kumain. Sila mama at papa ay naguusap, minsan nakikisali si kuya Gino.

Nang matapos akong kumain ay nanatili muna akong nakaupo hindi pa kasi sila tapos kumain, ayokong maging bastos.

At nang matapos sila ay pumunta nako agad sa sala.

"Scarlet" tawag sakin ni kuya Nikko pero diko siya pinansin tinuon ko lang yung atensyon ko sa TV.

"Scarlet sorry na, hindi ko naman sinasadya e" hindi ko parin siya pinapansin. Tumayo nako para makapagpaalam kila mama at sakto naman ay papunta sila dito.

"Ma, pa alis na po ako ah? Bye po!" Hinalikan ko sila sa pisngi.

-----

Nasa condo na kami nasa sahig kami ni Ase, naglalaro may mat naman kaya okay lang na umupo sa sahig.

Nang humikab si Ase ay tumayo ako at kinarga siya. Babalikan kona lang yung mga laruan niya. Hiniga ko siya sa kama niya, pagkatapos nun ay bumaba ulit ako para ligpitin yung mga laruan ni Ase.

Nilagay ko lahat ng mga laruan sa basket at tinago.

Pagkatapos nun ay umakyat nako sa taas. Humiga ako sa kama ko at tinignan ko yung cellphone ko. May iilang text yung mga kaibigan ko.

Janine:

Scarlet may problema ba?

Are you okay?

Nasaan ka?

Me:

"Wala naman, ayos lang ako, nandito lang ako sa condo ko.

Sunod na binasa ko naman ay yung kay Lily.

Lily:

Are you okay?

How are you? Where are you? Wag kang magpakastress okay? Just tell me if you need something.

Me:

I'm okay, no need to worry. Thanks.

Natulog nako pagkatapos ko silang replyan.

----KINABUKASAN----

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Sino ba kasi yung tumatawag ng ganitong oras?

Tinignan ko yung wall clock sa kwarto ko. 4:25 pa lang naman ah? Sinagot ko parin yung tawag.

"Hello? Who's this?"

"Nagising ba kita? Sorry" siya nanaman?

"Ano pa bang kailangan mo sakin Drake ha?!!" Inis na inis na talaga ako sakanya!

"Sorry, i-i want you back" nagulat ako sa sinabi niya at nung matauhan ako hindi ko mapigilan na tumawa.

"Siraulo kaba?! Makikipag halikan ka sa ibang babae tapos sasabihin mo sakin I want you back?! Sinong babaeng tanga ang papayag diyan?!" Iritadong sabi ko sakanya.

"S-scarlet hindi ko s-siya hinalikan okay?! Siya y-yung humalik sakin!" Wow! What a good liar!

"Alam mo? Kung wala kang mapagtripan pwes wag ako! Wag na wag mo na akong guguluhin!" Sigaw ko at pinatay na yung tawag niya. Kainis!

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon