Chapter 4

1.3K 24 0
                                    





Ilang araw na rin simula nung naghiwalay kami ni Drake at nagpapabalik balik sa aking isipan kung paano sila maghalikan.

Umiiyak na naman ako hindi kona alam yung gagawin ko.

Nakarinig ako ng katok galing sa pintuan ng kwarto ko kaya pinunasan ko yung luha ko.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Anak?kumain kana, ilang araw ka ng hindi lumalabas sa kwarto mo. May problema ba?" Tanong ni mama.

Kaya naghilamos muna ako bago ko buksan ang pinto.

"May problema ba anak?" Tanong sakin ni mama.

"Wala po ma" Sabi ko.

"Hindi kana man siguro magkukulong sa kwarto mo kung wala  kang problema diba? Kaya sabihin mona kay mama kung ano man yung problema mo" Sabi sakin ni mama habang nakangiti pero kita parin sa mga mata niya ang pagaalala.

"Ma...wala napo kami ni Drake" Sabi ko sakanya at nagsimula nanaman akong umiyak kaya niyakap ako ni mama.

"Shh anak tahan na, nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan" Sabi ni mama habang yakap yakap parin ako.

"Ma...minahal ko naman po siya e....saan ba ako nagkulang?.....Ma ang sakit sakit....." Sabi ko habang umiiyak.

"Hindi ko man alam kung bakit kayo naghiwalay pero hindi parin tama na saktan ka nya ng ganito, tahan na anak nandito lang si mama okay?" Sabi ni mama saka ako hinalikan sa noo.

"Thank you po ma" sabi ko saka ko s'ya nginitian

"Mas maganda ka kapag nakangiti ka kaya wag ka ng umiyak okay? Tara na baba na tayo para makakain kana" sabi ni mama, saka kami bumaba ng hagdan.

Pagkarating namin sa kusina ay naabutan ko si papa doon na nakaupo.

Tahimik lang kami habang kumakain, hindi ako sanay na ganito kami. Kung tutuusin kasalanan ko pati tuloy sila mama at papa naaapektuhan.

Pagkatapos namin kumain ay tinulungan kona si manang na magligpit pero sinuway niya ako.

"Naku!Scarlet magpahinga kana lang!kaya kona to!sige na" sabi sakin ni manang kaya pumunta na lang ako sa sala namin at nanood ng TV . Si mama at papa aalis pupuntang party.

"Anak sigurado ka bang ayaw mong sumama?" Tanong sakin ni mama. Pangatlong tanong na niya sakin yan.

"Kayo na lang po ma, magpapahinga na lang po ako dito" sabi ko nang hindi siya tinitignan.

Magsasalita pa sana si mama pero biglang May tumawag sa phone ko kaya sinagot ko tsaka ako tumayo at pumunta sa garden namin.

"Hello?" Sabi ko na patanong.

"Scarlet.." Sagot niya kaya napatahimik ako.

"Anong kailangan mo?" Tamad na sagot ko.

"Magkita tayo sa coffee Shop ni ate Nally please?" Sabi ni Drake, yeah si Drake nga.

"Okay, kailan?" Tanong ko.

"Ngayon na sana pero pwede nama--" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Okay sige, bihis lang ako" sabi ko saka ko pinatay yung tawag.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon