Chapter 20

1.2K 22 0
                                    



Ilang linggo na nung pumunta ako kila Drake, at yun yung huli kong punta doon.

Bukas na yung graduation namin at kinabukasan ay aalis na kami, nung una hindi pumayag sila mama sa desisyon ko, pero sadyang makulit ako kaya pumayag na sila.

"Anak tapos kana bang mag impake? Wala kana bang nakalimutan? Basta wag kang magpapakapagod doon and don't stress yourself alright?" Paalala nya na akala mo ay ngayon nako aalis, pero sa isang araw pa lang naman. Tss.

"Ma, maraming beses nyo na pong sinabi sakin yan" nakabusangot na sabi ko.

Tinignan lang ako ng masama ni mama.

"Basta wag kan--" pinutol kona yung sasabihin ni mama.

"Wag akong magpapa stress at magpahinga lang ako, see? Kabisado kona lahat ng sinabi mo, saka sa isang araw pa naman ako aalis hindi naman ngayon diba?" Nakakunot na noo na sabi ko.

Natawa na lang sila kuya Gino(Giovanni)

"Whatever" Sabi ni mama sabay irap kila papa na tumatawa

"Are you hungry?" Tanong ni mama.

"Hindi po" Sabi ko.

"Matulog kana Scarlet, maaga ka dapat gumising bukas" Sabi ni mama.

"Sige po, goodnight" Sabi ko at umakyat nako sa kwarto ko.

At hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako.

------

Papunta na kami sa school nila mama, kumpleto kami ngayon, yung mga Tita at Tito ko naman sa side ni mama ay nasa bahay nagluluto para mamaya, nandito din yung mga Tita at Tito ko sa side ni papa. Nasa bahay din sila, pero yung ibang pinsan ko sumama dito samin yung iba nagpapahinga.

Kakarating lang daw nila kaninang madaling araw Sabi ni mama sakin.

Nang nasa school na kami ay inalalayan ako ni ate shanelle, pinsan ko sya sa side ni mama.

Alam na rin ng buong pamilya ko na buntis ako.

Alam din nila kung pano ako niloko nila Drake at Anna.

"Mygod Camille! Ang ganda mo! Hindi ka lang talaga marunong mag ayos!" Sabi ni ate Ayesha, sya yung nagmake up sakin. Tinuruan ako ni Lily at Janine na mag ayos pero konti lang yung natutunan ko. Tinuruan din ako ng mga pinsan ko habang minemake up-an ako ni ate Ayesha.

"Oo nga!" Pagsang-ayon ni Adrian.

"Tara na! Manahimik na lang kayo pwede?!" Inis na sabi ko.

Naglakad na kami papasok sa school, marami ng tao.

"Ma punta nako dun ah?" Sabi ko.

"Sige" Sabi ni mama.

Kaya naglakad nako papunta doon sa mga kaklase ko.

Naguumpisa ng magsalita ang teacher pero Wala akong ibang nararamdaman kundi kaba.

Nakita ko sila ate Nally, si Angel, si tita Jane at Tito Gillbert.

Nakita ko din si Tita Jannah at Tito Aldrin.

Alam na kaya nila yung ginawa ni Anna?

Ewan?

Tinignan ko si Drake na naka upo. Magkakahiwalay kasi kaming babae sa mga lalake.

Pagka tingin ko kay Drake ay naabutan kong nakatingin s'ya sakin, kaya nagiwas ako ng tingin.

Tinignan ko si Lily at Janine na nakaupo habang nakatingin lang sila sa harap.

Umupo na lang ako ng maayos, at hindi ko namalayan na tapos na.

"Congratulations graduates!"

Ganun ba talaga kalalim yung iniisip ko kanina?

Nagpalakpakan kami at hinagis namin yung toga namin.

"Scarlet picture tayo!" Nakangiting sabi ni Janine, sabay hila sakin

Nasa gitna ako habang nasa magkabilang gilid ko si Janine at Lily. Nag wacky pa kami.

"Sali kami!" Sabi ni Jacob at inakbayan ako, sanay nako sakanya.

Kasama nya si Dexter.

Pagkatapos namin mag picture ay, nilapitan kami nila Tita jane.

"Congrats sa inyo!" Sabi ni Tita at Tito.

"Salamat po" Sabi ko sabay ngiti.

"Congrats ate!/ Congrats Camille!" Sabay na Sabi ni ate Camille at Angel, si Angel ay buhat buhat sya ni ate Nally.

"Thankyou ate Nally! Thankyou Angel!" Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi. Kasama nila si Drake.

"Uh alis nako Lily Janine, mag cecelebrate pa kasi kami nila mama, nasa bahay din kasi yung mga Tito at Tita ko, pati mga pinsan ko" Sabi ko.

"Tita, Tito, ate Nally, Angel alis nako ah?" Sabi ko at ngumiti sakanila, hindi kona tinignan si Drake at dumiretso na lang ako kung nasaan sila mama.

"Scarlet wait!" Sabi ni Drake sabay hawak sa braso ko kaya napahinto ako.

"Ano ba?!" Inis na tanong ko sakanya, ano pa ba ang kailangan n'ya?!

"Congrats" nakangiting sabi n'ya kaya inirapan ko s'ya.

"Wala kana bang ibang sasabihin? Kasi kung wala na siguro naman pwede nakong umalis?" Tanong ko at pinagtaasan ko s'ya ng kilay.

"Hindi pa rin pala nababago yung pagiging madaldal mo, isa lang naman yung nagbago sayo e, naging mataray kana" sabi n'ya kaya natigilan ako pero nakabawi din agad ako.

"Ano bang pakialam mo?! Pwede ba? Wag mo nga akong kausapin!" Galit na sabi ko, at inalis ko yung pagkakahawak n'ya sa braso ko.

Magsasalita pa sana s'ya pero may nakauna na sakanya.

"Tigilan mona nga yung kapatid ko!" Galit na sabi ni kuya Nikko.

"Nik gusto ko lang naman syang makausap okay? Wala naman akong ginagawang masama" nakakunot na noo na sabi ni Drake.

"Wala kaba talagang ginagawang masama? E anong tawag mo dun sa pambababae mo? At wag mo ng kakausapin yung kapatid ko baka magalit pa yung KABIT mo" mayabang na sabi ni kuya Gino.

"Gio--" hindi na natapos yung sasabihin ni Drake dahil bigla na lang akong hinila ni kuya Nikko.







Don't forget to vote, and comment thankyou!❤️

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon