Chapter 2

1.6K 35 1
                                        





Nakarating na kaming dalawa ni Drake sa eskwelahan. Magkaholding hands kami habang naglalakad papunta sa room namin.

Oo magkaklase kami, pero sa isang subject lang. Si Anna naman sa dalawang subject lang.

Habang naglalakad kami ay biglang sumulpot ang kaibigan kong si Anna.

"Hiiii bessyyyy! Good morningggg!!" Bati niyang sobrang energetic.

"Good morning din bessy! Namiss kita!" Sabi ko.

Kung itatanong niyo kung matagal na kaming magkaibigan mahigit isang taon na kaming magkaibigan.

"Hi Drake! Namiss din kita!" Sabi niya pero hindi siya nakatingin sakin kundi kay Drake.

Tinignan ko si Drake at nakita kong nagkatinginan silang dalawa ni Anna.

Naabutan ako ni Drake na nakatingin sakanya kaya nagiwas siya ng tingin kay Anna.

"Bessy?" Sabi ko na patanong.

"Yes?" Tanong niya habang nakataas ang kilay kay Drake habang nakangiti.

Tinignan ko ulit si Drake at naabutan ko ulit siyang nakatingin kay Anna.

Suminghap na lang ako at pumikit ng mariin.

Nag iwas na lang ako ng tingin.

"Bessy?" Sabi ko at dun pa lang siya tumingin sakin habang nakangiti.

"Ang ganda ata ng mood mo ngayon ah?" Tanong ko sakanya.

"Oo e! Nakita ko kasi yung crush ko!" Sabi niya at tumingin ulit siya kay Drake.

Tiningnan ko ulit si Drake pero tulala lang siya.

"Ah ganun ba?sino ba kasi yun? Ang daya mo naman kasi e! Ba't ba ayaw mong sabihin sakin?" Tanong ko. Kahit na nakakahalata nako.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino?" Tanong niya.

"Oo naman!magkaibigan tayo diba?kaya dapat walang nagtatago ng sikreto sating dalawa" sabi ko sakanya saka ako ngumiti.

"Oh sige sasabihin ko mamaya papakita ko siya sayo" Sabi niya at ngumiti ng parang wala ng bukas.

"Ah bessy pasok na tayo nila Drake ha? Baka kasi malate pa tayo" sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Sige ba" sabi niya.

"Love?okay ka lang?" Tanong ko.

"Uh yeah, let's go" sabi niya at halatang balisa siya.

Pero hindi kona pinansin yon.

Pumasok na kami sa room namin katabi ko si Drake. Pinagigitnaan namin siyang dalawa ni Anna,ewan koba kung bakit hindi siya tumabi sakin.

Dumating na yong professor namin.

"Goodmorning!" Sigaw niya kahit na Hindi naman kailangang sumigaw.

"Goodmorning sir" bati naming lahat.

Umupo na kami at nagsimula siyang magsalita sa harapan namin.

At sa pagkakatulala ko Hindi ko namalayan na natapos na pala namin yung first subject namin.

"Love? Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" Tanong sakin ni Drake.

"Ayos lang ako" Sabi ko at ngumiti ng pilit.

Magsasalita pa sana siya ng magsalita si Anna.

"Awww!ang sweet naman!sana ganyan ka rin sakin" Sabi niya pero Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.

"Ahh hehe, Oo bessy ganyan talaga si love". Sabi ko.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon