Chapter 34

1.2K 23 0
                                    



Nagising ako ng maaga dahil ihahatid kopa si Ase sa mansyon.

Naligo ako at sakto naman ay gising na si Ase pagkatapos kong magbihis kaya hinilamusan ko siya at binihisan. Bata pa siya at masyado pang maaga para paliguan siya.

At nang matapos ay kinuha kona yung bag kung saan nakalagay yung mga gamit ni Ase kinuha kona din yung bag ko.

Sumakay na kami sa elevator si Ase naman ay tahimik lang habang karga ko siya.

At nang bumukas yung lift ay lumabas nako at pumunta kung saan nakapark yung kotse ko.

---MANSYON---

"Ma, dito muna si Ase, aalis kasi kami mamaya nila Lily pagkatapos ng trabaho baka hindi ko siya masundo okay lang po ba?"

"Saan ba kayo pupunta?"

"Sa bar my, matagal na daw po kasi kaming hindi nagbabonding kaya ayun"

"Okay sige, basta mag ingat ka. Nag breakfast kana ba?"

"Opo my, eto po yung gamit ni Ase. Alis na po ako ah?" Paalam ko at hinalikan sa noo si Ase.

"Mag ingat ka" paalala ni mama.

Sumakay nako sa kotse ko, sinuot ko muna yung seat belt bago pinaandar yung kotse ko.

Hindi naman traffic kaya tuloy tuloy lang yung byahe ko. Nang nakarating ako ay bumaba nako sa kotse ko at naglakad papasok.

Nakasakay ako sa elevator at kung minamalas nga naman. Kasabay ko pa tong Drake na to.

Nag ring yung cellphone ko kaya sinagot ko.

"Hello? Lily napatawag ka?"

"Uh wala naman, gusto ko lang ipaalala sayo na pupunta tayong bar mamaya" napairap na lang ako.

"I know! Hindi mo na kailangan sabihin sakin yan!" Sabi ko pinatay niya yung tawag kaya napailing na lang ako.

Tumikhim si Drake.

"Ba't hindi mo sinabi?" Tumingin ako sakanya habang nakakunot yung noo ko.

"Alin?"

"Na hindi naman pala kayo kasal nung Jacob na yun"

"Wala naman kasi akong sinabi na kasal kami. Ikaw nagsabi nun"

"Pero pinaniwala moko!" Iritadong sabi niya.

Hindi kona lang siya kinausap sakto naman tumunog yung elevator kaya lumabas nako.

Pumunta nako sa cubicle ko at binuksan yung computer ko. Si Drake naman ayun pumunta sa Office ni Raphael.

"Yan yung susuotin mo mamaya?" Napakunot yung noo ko dahil sa tanong ni Janine.

"No, babalik ako sa condo ko"

"Ha?! Ba't ka pa babalik?!" Tanong ni Lily.

"Hindi ito yung isusuot ko mamaya!"

"Hatid ka na namin"

"May kotse ako kaya wag na" sabi ko kay Janine.

"Edi gamitin mo yung kotse mo! Pagkatapos mong magbihis diretsyo na tayo sa bar nun! Wag mo ng dalhin iyong kotse mo" napairap na lang ako. Akala ba nila tatakas ako? Tss.

Nag umpisa na kaming magtrabaho medyo marami yung ginagawa naming designs ngayon at kailangan namin mapasa ito pagkatapos ng lunch.

Napahikab ako. Nag ring yung phone ko at tinignan ko kung sino yung tumatawag at nang makita kong si kuya Gino ay sinagot ko ito.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon