Chapter 48

944 19 0
                                    


Nakauwi na kami sa bahay ni Drake. Hindi siya umuwi, maghapon siya dun sa Office ni Raphael nung naglunch ay sabay sabay kami nila Lily, Janine, Raphael, Drake at ako. Hindi naguusap si Janine at Raphael. Pero sobrang ingay naman ni Lily, minsan nag iingay din si Janine pero kapag sumasali si Raphael ay nananahimik siya.

Okay na kaming dalawa ni Drake ngayon. Si Rhian ay wala na akong balita sakanya. At si Anna naman ay hindi kona din siya nakikita, wala nakong balita sakanilang dalawa.

Ang gusto ko lang naman ay sana wala ng manira sa pamilya ko.

Nasa kwarto kami ngayon ni Drake. Naglalambing siya sakin samantalang ako ay puro pabalang ang sagot ko sakanya.

"Love..wala ka bang gustong gawin ngayon?" Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakangisi sakin.

"Wala naman, ikaw kung may gusto kang gawin, edi gawin mona hindi yung iniistorbo mo ako." Umirap ako samantalang siya ay padabog na umupo sa kama namin.

Nagkibit balikat lang ako at patuloy sa pakikipagtext kay Janine. Hiwalay na daw kasi sila.

Janine:
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya, nakikipagkita nanaman siya dun sa kasayaw niya.

Ako:

Sino ba kasing nakipaghiwalay?! Saka ba't siya nakikipagkita? Para saan?

Mabilis naman siyang nagreply

Janine:

Ako yung nakipaghiwalay, ayokong umabot sa puntong alam na pala ng lahat na niloloko niya ako pero ako lang ang hindi nakakaalam!

Me:

Pinakinggan moba yung explanation niya?

"Sino ba yang katext mo?!" Nakakunot noo na si Drake ngayon na para bang iritado na siya?

"Si Janine, break na nga daw sila ni Raphael e." Malungkot na sabi ko sakanya. Tumabi naman siya sakin at niyakap niya ako.

"Wag ka ngang sumimangot diyan! Baka pumangit yung baby natin niyan sige ka" Bumitaw ako sa yakap at tinignan ko lang siya ng masama.

"Manahimik ka!"

"Gusto mo bang gawin nating kambal yung anak natin?" Tinignan ko siya at kinurot sa tagiliran.

Tinignan ko ulit yung cellphone ko.

Janine:

Hindi! Ayokong marinig yung boses niya! Sana sinabi niya na lang sakin nung una pa lang! Ano bang nakita niya dun sa babae na yun? Mas maganda at sexy naman ako dun ah?

Napairap na lang ako sa nabasa ko.

Me:

Wow! Kapal ng Face natin ah? Haha! Ano bang itsura nung babae? Papasok kapa ba bukas sa trabaho?

Janine:

Nagsasabi lang ako ng totoo! Papakita kona lang sainyong dalawa ni Lily! Hindi nako papasok sa trabaho! Ayoko siyang makita.

Me:

Mapag hahalataan kang bitter niyan! Sige ka!

Janine:

Tsk! Oo na magtatrabaho nako!

Humagalpak ako sa tawa dahil sa reply niya tinignan ko si Drake habang pinupunasan ko yung luha ko. Napaluha ako sa kakatawa. Si Drake naman ay nakakunot yung noo na para bang nagtataka kung bakit ako tumatawa.

"Ba't ka tumatawa?" Pinakita ko sakanya yung text ni Lily tumingin siya sakin gamit ang seryosong ekspresyon.

"Anong nakakatawa dun?" Natigil ako sa pagtawa dahil sa tanong niya.

Humiga na lang ako at tumalikod sakanya.

"Love? Sorry na." Niyakap ako ni Drake.

Humarap naman ako sakanya.

"Ikaw kaya! Panira ka e!" Imbis na sumagot ay hinalikan niya na lang ako. Napangiti ako at sinuklian yung halik niya.






Opppps! Sorry kung bitin! Hehe

Don't forget to vote and comment! Thankyouuu!❤️

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon