Chapter 26

1.1K 24 0
                                    

--FIVE MONTHS AGO--

Seven months na si Ase. Marunong na syang gumapang, pero hindi pa sya marunong lumakad.

Uuwi na kami bukas sa Pilipinas.

Sila Lily hindi na nagpaparamdam sakin simula lastweek, hindi man lang sila nagtetext or call.

Ano kayang problema nung mga yun?

Nakasakay sa stroller si Ase.

Nasa living room kami ngayon. Kaming dalawa lang ni Ase. Sila kuya ewan ko kung nasaan. Si mama at papa naman ay nauna ng umuwi, may aasikasuhin daw.

Pag uwi namin sa Pilipinas sa condo na niregalo sakin nila mama na kami titira, kaming dalawa lang ni Ase. Nung una hindi pumayag sila kuya, pero nagpumilit ako.

Sabi ko sakanila na kailangan ko ng mamuhay ng kaming dalawa lang. Magtatrabaho ako pagdating namin sa Pilipinas.

Nakaupo lang ako ngayon habang nanonood ng TV, kumakain akong popcorn.

Pumunta sakin si Ase at nagpapabuhat, kaya binuhat ko sya.

Hinalikan ko yung buong mukha nya, kaya natawa sya, natawa rin ako sa inasta nya.

"Baby, do you hungry?" Malambing na tanong ko. Nagpout naman sya at umiling kaya tumawa ako at kinurot ko yung dalawang pisngi nya, mahina lang naman.

Tinignan ko yung wristwatch ko at nakita kong 8:30 na ng gabi. Saan ba sila pumunta?

Pinakain ko rin naman si Ase kaya dirediretso na nyan yung pahinga nya.

Kinuha ko yung cellphone ko na nasa ibabaw ng table at dinial ko yung number ni kuya Gino.

Naka limang ring bago nya sinagot.

"Nasan na kayo?"

"Pauwi na, why?"

"Bat ang tagal nyo? Saan ba kayo pumunta?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Namasyal lang kami, Sige na mamaya na lang nagdadrive pa ako" Sabi nya at pinatay na ang tawag, napairap na lang ako.

Pagkatingin ko kay Ase na nakahiga sa hita ko ay natawa na lang ako, tulog na kasi sya.

Binuhat ko sya at umakyat sa taas.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay hiniga kona sya sa tabi ko.

Nilagyan ko ng unan ang magkabilang gilid nya.

Pumunta akong CR para magbanlaw saglit.

Pagkatapos ko ay nagbihis nako ng pantulog at humiga sa tabi ni Ase. Inalis ko yung isang unan na nilagay ko sa tabi nya.

Hinalikan ko sya sa noo, at umayos na ng higa. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Nakatulog agad ako dahil sa pagod.

--KINABUKASAN--

Nagising ako dahil may humahalik sa mukha ko kaya minulat ko yung dalawang mata ko. At ang unang nakita ko ay ang anak kong nakangiti. Napangiti tuloy ako. Bumangon ako sa pagkakahiga.

"Baby maghihilamos lang si mama ah? Wag kang malikot dyan okay?" Paalala ko sakanya, matalino naman ang anak ko, Syempre kanino paba magmamana? Edi sakin.

Pumasok nako sa loob ng CR para maghilamos, pagkatapos ay kinuha ko yung bimpo at binasa saka ko sinabunan. Bumalik nako sa kama kung nasaan si Ase para sya naman ang hilamusan ko.

Bumaba na kami pagkatapos at naabutan namin doon sila kuya.

"Bat hindi kapa naliligo?" Nakakunot na noo na tanong sakin ni kuya Nikko.

"Mag-iinit muna ako ng tubig para kay Ase" 9:30 kasi yung flight namin, e 7:26 na.

Tumango na lang sya.

Pumasok nako sa kusina habang buhat ko si Ase. Pinaupo ko sya sa babysitter. Pinakain ko muna sya para hindi sya gutumin mamaya. Nagpainit nako ng tubig, pagkatapos nun umakyat ulit kami sa kwarto ko para maligo.

Pinaliguan at binihisan kona si Ase. Nilagay ko muna sya sa crib nya para hindi sya maglikot.

"Mommy will take a shower just wait me here okay?" Hindi nya ako pinansin dahil busy sya sa paglaro.

Pumunta nakong CR at naligo.

---Fast forward---

Nakasakay na kaming eroplano ngayon, nakakandong sakin si Ase at natutulog.

Malapit na kami, at mag uumaga na.

Bumagal na ang eroplano hudyat na nakarating na kami. Susunduin kami nila mama at papa.

Bumaba na kami sila kuya ang may hawak ng gamit namin , si Ase naman ay kakagising lang kaya medyo sinusumpong.

Kumaway sila mommy samin.

Pagkasakay namin sa sasakyan kinuha ko yung tinimpla ko kanina nung nasa eroplano kami. Nasa bag ko yun.

Pinadede ko si Ase.

Nang makarating kami ay tahimik lang ang bahay.

Pagkapasok ko ay......

"WELCOME BACK!" Sigaw nila,Lily, Janine, Jacob, Dexter, Raphael, ate Nally, kasama din si manang at yaya Linda pati si Mang Mario.

May hawak si Janine na cake.

"Bat hindi man lang kayo tumatawag sakin ha?!" Inis na sumbat ko.

"Sorry na! Busy lang kami sa paghahanda ng surprise para sa inyo" nakangising paliwanag ni Lily.

"Oo na! Salamat" Nakangiting sabi ko.









++Don't forget to vote, comment and share thankyouuu!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon