Chapter 53

838 18 0
                                    

Niref muna namin yung cake na ginawa ko, kakainin namin mamaya iyon. Uuwi sila Mom and dad. Tapos sila mama at papa naman ay pupunta dito pati sila kuya. Icecelebrate namin yung pagten months ni Ase ganun din yung ginawa namin nung nag nine months siya. Habang lumalaki siya mas lalo niyang nagiging kamukha si Drake.

Nagbebreakfast kami ngayon nila Drake. Kaming tatlo lang. Sinusubuan ni Drake si Ase ng baby food.

"Scarlet dahan dahan ka sa pagsubo, hindi kaba kumain kagabi?" Nakakunot noo na sabi ni Drake.

"Manahimik kana lang diyan." Sabi ko sakanya at kumain ulit ng hotdog saka yung pinaluto kong gulay sa kasambahay.

Yummmyyyyyy!

Nang matapos ako ay uminom ako ng tubig at tinignan si Drake na nakatulala sakin.

"Drake?" Pero hindi parin siya umiimik.

"Drake!" Napatalon siya sa gulat dahil sa pangalawang tawag ko sakanya.

"Why?" Tanong niya.

"Anong why ka diyan? Ba't ka nakatulala?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ang takaw mo kasi." Sabi niya kaya mas lalong tumaas yung kilay ko.

"Anong sabi mo?!" Iritadong sabi ko sakanya.

"Wala." Ngumisi siya saakin pero umismid lang ako at tumayo. Kinuha ko si Ase na nakaupo sa high chair.

Pumunta akong sala. Nilaro laro ko si Ase si Drake naman ay umupo sa tabi ko at niyakap ako.

"Galit kana niyan?" Natatawang sabi niya.

"Ba't ka tumatawa diyan?!" Inis na tanong ko.

"Nakakatawa ka kasi kapag nagagalit." Humalakhak pa siya.

"Bwisit ka! Umalis ka sa tabi ko!" Iritadong sabi ko sakanya at inalis yung kamay niyang nakayakap sakin.

"To naman hindi mabiro!" Natatawang sabi niya.

"Manahimik ka kung ayaw mong bigwasan kita!" Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sakin at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"Ang langgam!" Napatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si ate Nally. Kasama niya si kuya Cason.

"Ate Nally! Nandiyan na pala kayo hehe, ang bilis niyo naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Bumili lang kasi kami ng regalo namin kay Ase, tsaka nag shopping lang din kami." Sabi ni ate Nally at kinuha sakin si Ase.

"Scarlet one month ka pa lang buntis diba?" Tanong sakin ni ate Nally.

"Uh oo ate Nally, bakit?" Sabi ko.

"Kada month ka bang nagpapacheck-up?" Tanong niya.

"Uh oo, sabi nung doctor sakin na kahit tatlong buwan ako magpacheck up pero mas gusto kong kada buwan para malaman ko kung heathy yung baby namin ni Drake." Hinawakan ko yung kamay ni Drake na nasa hita ko. Ngumiti siya sakin, ngumiti din siya sakin.

"Nga naman! Sana kambal no?" Humalakhak si ate Nally, si kuya Cason at Drake naman ay natawa.

"Sana." Nagkibit balikat si Drake.

"Bro kayo? Wala paba?" Nakangising tanong ni Drake.

"Malapit na." Sagot ni kuya Cason habang tumatawa. Kinurot naman ni ate Nally si kuya Cason sa tagiliran habang tumatawa din.

"Malapit ka diyan!" Namula yung pisngi ni ate Nally. So it means totoo nga? Hihi ^_^

"Ate Nally, basta ninang ako ah?" Ngumiti naman siya sakin.

"Of course!" Sabi ni ate Nally. Tumayo siya habang may bitbit na paper bag, karga niya parin si Ase.

"Eto nga pala yung binili kong damit para kay baby Ase." Binigay niya sakin yung paper bag.

"Thankyou ate."

"Sus! Wala yun!" Ngumiti siya atsaka niya hinalikan sa pisngi si Ase.

"Akyat muna ako sa taas." Paalam ko sakanila at tumayo.

"Sama ako." Sabi ni Drake na nakatayo narin.

"Huh? Wag na." Pagtanggi ko pero hindi niya ako pinansin imbis ay hinawakan niya lang ako sa kamay at hinila papuntang hagdan.

"Drake ayos lang naman ako!" Sabi ko sakanya pagkadating namin sa kwarto.

"Tss." Ikli ng sagot niya sakin ah?

"Alam mo? Pwede mo naman akong hintayin sa baba e diba? Lumabas kana kasi!" Pangungulit ko.

"Tss." Bwisit!

"Nice talking!" Sarkastikong sabi ko.

Pumunta na lang ako sa banyo at naghubad ng damit ko. Saktong pagkahubad ko ay ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Anong ginagawa nito dito? Ba't siya sumasabay sakin?

Nakahubad na din siya.

"Anong ginagawa mo dito? Mamaya kana lang maligo! Hintayin mona lang akong matapos saglit lang naman ako, hindi naman ako magtatagal." Dirediretsyong sabi ko.

"Tss daldal mo." Sabi niya.

Imbis na sumagot ay inirapan kona lang siya. Lumapit siya sakin kaya umatras ako. Hinigit niya ako at hinalikan. Nilagay niya yung dalawa kong kamay sa batok niya. Hinila ko yung batok niya para mas mahalikan ko pa siya.





Bitin nanaman! Sorry HAHA!

Sorry sa late update. :)

Don't forget to vote and comment! Thankyou ^_^

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon