Chapter 44

900 18 0
                                    


Pagkauwi namin ni Drake ay pinagpahinga niya na ako.

Nakahiga lang ako sa kama namin ngayon si Drake naman nasa baba. Ewan koba kung bakit hindi pa umaakyat yung lalaki na yun.

Nang nainip ako sa kakahintay sakanya ay napagdesisyonan kong bumaba. Ba't ba kasi ang tagal ni Drake?! Ano bang ginagawa niya dun?!

Tinignan ko yung wristwatch ko at nakita kong 7:00 na ng gabi.

Nasa baba pa lang ako ay nakarinig nako ng tawanan. At hindi nga ako nagkamali naabutan ko kasing nagtatawanan si Rhian at Drake. Kaya ba hindi parin umaakyat si Drake hanggang ngayon?!!

Nakita ako ni Drake kaya natigilan siya. Bago pa siya makalapit sakin ay umakyat nako. Nakakainis! Akala ko may importante siyang gagawin pero nakikipaglandian lang pala siya sa Rhian na yun! Bwisit!

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay agad akong humiga sa kama. Si Drake naman ay sinundan ako.

"Scarlet diba sabi ko sayo magpahinga kana?" Sabi ni Drake.

"Bakit? Natatakot ka bang makita ko kayong dalawa ng Rhian na yun na maglandian?!" Inis na sabi ko sakanya. Nakakainis na talaga siya!

"Mag aaway na naman ba tayo? Scarlet naman! Mag asawa na tayo ngayon! Wag mo naman akong pagdudahan!" Mahinahon na sabi niya alam kong pinipigilan niyang wag maging iritado sakin.

"Bahala ka! Wag mo akong kakausapin! Basta! Ayoko sa Rhian na yun! Kung makadikit siya sayo parang wala kang asawa e no? Ikaw naman pinapatulan mo pa yung kalandian niya!" Galit na sabi ko sakanya.

"Scarlet nagseselos kaba?" Natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Ako? Nagseselos? Sira ulo kaba?"

"Nagseselos ka e!" Nakangising sabi niya.

"No way! Manahimik ka!" Sabi ko sakanya.

"Scarlet sorry na." Malambing na sabi niya kaya tinakpan ko yung dalawang tainga ko.

Magsasalita pa sana siya ng biglang mag ring yung phone ko kaya kinuha ko sa side table yung phone ko.

"Hello?" Patanong na sabi ko

[Scarlet! Ano? Kailan ka free? Meet naman tayo, Miss na kita!] napangiti tuloy ako tinignan ko si Drake. Nakakunot yung noo niya habang nakatingin sakin.

"Hmm, bukas! Kita na lang tayo bukas Blake! Miss na rin kita!" Sabi ko kaya nagsalubong yung kilay ni Drake dahil sa sinabi ko? Ewan. Wala naman masama sa sinabi ko ah?

"[Sige! See you! Ingat ka lagi ah? Bye!] hindi na niya ako hinintay magsalita pinatay na niya yung tawag. Tss.

Nilapag ko yung cellphone ko sa side table.

Nilingon ko si Drake na salubong parin yung kilay. Problema nito?

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Anong bakit?! Magkikita kayo nung Blake na yun bukas?! Bawal kang lumabas ng bahay!" Sabi niya sakin kaya napataas yung isa kong kilay.

"Kapag sinabi kong aalis ako! Aalis ako!!! Wag mo akong pigilan!!" Galit na sabi ko sakanya.

Ano naman gagawin ko dito sa bahay?! Nakakainip kaya!

"Basta! Dito ka lang! Walang aalis bukas!" Pagpupumilit niya.

"Drakeee!!!!" Sigaw ko sakanya kaya tinakpan niya yung dalawang tainga niya.

"Wag k-ka ngang sumigaw!" Iritadong sabi niya sakin kaya natawa ako.

"Basta aalis ako bukas" sabi ko.

"Hindi ka aalis bukas! Magpapahinga ka lang dito sa bahay!" Sabi niya. Ba't ba ang kulit ng lalaking to?

"Ano naman gagawin ko dito sa bahay?! Magdamag na nakahiga?! Kung hindi mo ako papayagan na umalis bukas pwes! Matutulog ako bukas kila mama!" Banta ko sakanya kaya huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin.

"Okay! Sige payag nako! Pero sasama ako!" Sabi niya kaya tumango na lang ako at tumalikod na sakanya at pinikit kona yung mata ko.

Napaupo ako ng may maalala ako.

"Drake! Saan matutulog yung Rhian na yun?!" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay.

"Dito m--" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Ano?!! Dito?! Drake naman!!" Inis na sabi ko sakanya.

"Scarlet hindi ko naman siya pwedeng pabayaan, saka gabi na baka may mangyaring masama sakanya." Napailing na lang ako at humiga ulit. Nagtalukbong ako hanggang sa makatulog ako......

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz

Sorry sa late update! Babawi ako promiseeee! ^_^



Don't forget to vote and comment! Thankyouuuu!❣❣

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon