Chapter 12

1.2K 25 0
                                    


Nasa bahay nako ngayon. At laking pasasalamat ko dahil hindi nako kinulit ni Drake kanina.

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako at nakita ko si kuya Nikko.

"May naghahanap sayo" sabi ni kuya Nik na mukhang badtrip, ewan ko ba kung bakit.

"Sino?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

Magsasalita pa sana si kuya nang biglang sumulpot si Lily. Umalis na si kuya na mukhang badtrip pa rin.

"Hiiiiii sissyyy! I miss youuuu!" Sabi ni Lily saka n'ya ako niyakap, niyakap ko rin sya pabalik.

Tinignan ko yung kabuuan n'ya at nakita kong nakadress s'ya. Saan naman kaya ang lakad ng babaeng to?

"Kakakita lang natin kanina ah?" Sabi ko habang natatawa,bumitaw na sya sa yakap namin.

"Hindi mo man lang ako namiss?" Sabi nya at nagpout pa sya kaya natawa ako.

"Wag ka ng magtampo! Nga pala anong kailangan mo at napadpad ka dito sa amin?" Tanong ko.

"Hello?! Hindi mo pa kaya nameet yung parents ko! My mama and papa wants to meet you! And we have a familly dinner later so, magbihis kana!" Sabi n'ya at hinila n'ya ako pabalik sa kwarto ko.

Naligo muna ako, at s'ya na yung namili ng susuotin ko.

Sinuot ko na yung pinili n'ya. Simpleng dress lang s'ya pero maganda naman.

Bigay sakin to ni kuya Nik nung umuwi sya nung nakaraang linggo. Ang dami nga nilang pinamili na dress sakin e.

Nang matapos akong magbihis ay pumalakpak si Lily.

"Perfect!" Sabi n'ya habang nakangiti.

"Marunong ka naman sigurong mag make up no?" Tanong ni Lily sakin habang nakataas ang kilay.

"Uhm hindi e" nahihiyang sabi ko.

"Aish! Ang ganda ganda mo tapos hindi ka marunong mag ayos? Mygod! Sige ganito na lang! Tuturuan na lang kita para kapag may pupuntahan tayo or kapag may pupuntahan ka hindi kana mamroblema 'kay?" Sabi n'ya sakin.

"Okay"

Pinaupo n'ya ako at sinumulan na n'ya akong ayusin.

---

At sa wakas natapos na rin.

Bumaba na kami para makapag paalam ako kila mama para umalis na.

Pagbaba namin ay naabutan ko sila mama sa sala.

"Ma alis na po kami ni Lily" pagpaalam ko sakanila.

"Osige, kumain ka ng marami ah? Lily thank you for inviting my daughter, welcome na welcome ka sa family namin at kapag may okasyon dito sa amin pumunta ka lang wag kang mahiya okay?" Nakangiting sabi ni mama.

"Walang anuman po! Welcome na welcome din po si scarlet sa family namin. Thank you po tita!" Masayang sabi ni Lily, napangiti ako.

"Tsk" sabi ni kuya Nik kaya napatingin ako sakanya.

"Osya sige na! Umalis na kayo" Sabi samin ni mama.

"Ingat kayo" bilin ni papa.

"Pa kapitbahay lang naman po natin sila Lily!" Natatawang sabi ko, natawa rin si Lily.

"Sige na po alis na kami" dagdag ko pa.

Hinila ko na si Lily palabas ng bahay.

Maganda din ang bahay nila.

Naguusap kami habang papasok sa bahay nila. At sinabi ko rin sakanya na pagka graduate ko ay sasama ako kay kuya Nik sa Paris at doon ako manganganak.

"Osige basta ninang ako ah?! Saan ba yung binyag? Dito sa pinas o sa Paris?" Tanong ni Lily.

"Sa Paris" maiksing sagot ko.

"Sige pupunta na lang ako don magpapaalam ako kay papa" Sabi nya.

Nang makapasok kami ay agad sumalubong sa amin yung mama at papa nya at ang tatlong kapatid nya. So apat pala silang magkakapatid, dalawa silang babae ni Lily at dalawa ding lalaki.

"Hi! Ikaw si Scarlet right?" Tanong ni Mrs Dela Cruz.

"Yes po madame" sabi ko.

"Naku! Alam mo ba lagi kang kinukuwento sakin ni Lily! At wag mo kong tatawaging madame! Tawagin mona lang kaming Tito at Tita" nakangiting sabi ni ma-- errr tita.

"Sige p-po tita" nahihiyang sabi ko.

"Nga pala eto yung panganay namin si Christian Dela Cruz you can call him kuya Cris " sabi ni tita. Ngumiti naman sakin si kuya Cris.

"At eto naman yung pangalawa si Nicole Ann tawagin mona lang syang ate Ann" dugtong ni tita. Ngumiti din sakin si ate Ann.

"Pangatlo si Lily at eto naman yung bunso namin si John Clark you can call him CJ or JC" sabi ulit ni tita. Tumango naman ako at ngumiti sakanila.

"If you don't mind Scarlet uhm I heard that your pregnant?" Nahihiyang tanong ni tita.

"Ma--" pinutol ko yung sasabihin ni Lily.

"Okay lang Lily, Yes po tita" sabi ko saka ko sila nginitian.

"Okay so, kain na tayo?" Yaya ni tita.

Pumunta na kami sa kusina.

Katabi ko sa kaliwa si Lily at sa kanan naman ay si ate Ann.

"Basta Scarlet kapag may okasyon dito sa amin pumunta ka ha?" Excited na sabi ni tita.

"Sige po tita" sabi ko.

---

Kasalukuyan nakong nagpapaalam kila tita dahil bawal akong magpuyat.

"Tita, Tito thank you po sa dinner, nag enjoy po ako." Nakangiting sabi ko.

"Your always welcome scarlet" nakangiting sabi ni tita.

"Sige po una nako salamat po ulit! Lily una nako, thank you talaga!" Sabi ko sakanya at naglakad na kami palabas ng gate.

"So pano? Kitakits na lang! Byeee! Goodnight and sweetdreams sissy!" Sabi n'ya sabay halik sa pisngi ko.

"Sige bye Good night din!" Sabi ko at kinawayan s'ya bago ko sinarado yung gate.











++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon