Chapter 8

1.2K 22 0
                                    



Nagising ako ng dahil sa pagduduwal ko kaya bumangon ako at pumunta sa CR.

Pagkatapos kong nagsuka ay naligo na rin ako para tuloy tuloy na yung pahinga ko mamaya.

Pagkatapos kong magshower ay lumabas nako ng banyo at nagbihis.

Pababa nako sa hagdan para kausapin sila mama.

"Good morning!" Bati ko sakanila.

"Good morning" bati din ni kuya Nik.

"Morning" si Gio.

"Nasan sila mama?"tanong ko sakanila.

"Ah umalis sila, may aayusin lang daw silang kaso." Sabi sakin ni kuya Nik.

Tumango na lang ako.

"Kuya Nik, kuya Gio" tawag ko sakanila.

Tumingin sakin si kuya Gio habang nakakunot ang noo.

"May sasabihin ka?" Tanong ni kuya Nik.

"Nakapag desisyon nako, hindi nako aalis, dito kona lang ipagpapatuloy yung pag aaral ko" sabi ko sakanila.

"Sigurado kaba dyan?"

"Are you sure?"

Sabay na sagot nila kuya Nik at kuya Gio.

"Yes" mabilis na sagot ko sakanila.

"Per--" pinutol ko yung sasabihin ni kuya Nik.

"Don't worry okay lang ako, hindi ako magpapaka stress" sabi ko sakanya kasi alam kona man na yung kadugtong nung sasabihin n'ya.

"Aish! Kailan ba kami tumanggi sa desisyon mo? Sige na nga!" Sabi ni kuya Nik kaya napangiti ako.

Tiningnan ko si kuya Gio.

"May magagawa pa ba ako?" Tanong n'ya habang nakangiti.

"Wala" sagot ko kaya nagtawanan kami.

"Nagugutom kana ba?" Tanong sakin ni kuya Gio.

"Oo e" sabi ko.

"Gutom kana pala e bakit daldal ka parin ng daldal dyan?" Inis na sabi sakin ni kuya Gio.

Aish ang sungit!

"Ang sungit mo kuya Gio, pasalamat ka gwapo ka!" Sabi ko sakanya.

"Tss" sabi niya.

Pinagtaasan kona lang s'ya ng kilay at nagtungo nako sa kusina.

"Yaya Linda nasaan po si manang?" Tanong ko sakanya ng napansin kong wala s'ya dito.

"Ah naku scarlet ayun at pinagpahinga ko muna, alam ko naman na pagod s'ya" sabi ni yaya Linda.

"Pagod? Ano po bang nangyari?" Tanong ko.

"Diba nga iha nagday off ako? Wala syang kasama dito sa bahay para gawin yung mga gawaing bahay kaya ayun nung dumating ako pinagpahinga ko muna" mahabang paliwanag ni yaya Linda.

"Oo nga po e, tinutulungan ko naman po s'ya pero lagi syang tumatanggi" sabi ko.

"Iha kung hindi mo mamasamain pwedeng magtanong? Buntis ka daw?" Dire diretsong tanong ni yaya.

"Ah opo, uhm magpapahinga muna po ako yaya Linda ah?" Sabi ko saka ko sya nginitian ngumiti naman sya pabalik.

Tumayo nako galing sa pagkakaupo .

Konti lang yung nakain ko, wala kasi akong gana.

Buti na lang at hindi maselan yung pagbubuntis ko.

Bumalik nako sa sala.

"Oh? Tapos ka ng kumain?" Tanong ni kuya Nikko.

"Sa tingin mo babalik ako dito kung hindi pa ako tapos?" Inis na sabi ko.

Alam naman pala n'ya tapos magtatanong pa s'ya?!

"Inis ka na nyan?" Tanong ni kuya Nikko habang tumatawa.

Inirapan kona lang s'ya at umupo sa couch.

"Init ng ulo natin ah?" Tanong ni kuya Gio habang nakangisi.

Sinamaan ko lang sila ng tingin.

Tumayo na lang ako at umakyat papunta sa kwarto ko,

Narinig kopa sila kuya na nag tawanan.

Napairap na lang ako sa kabaliwan nila.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga nako sa kama ko.

----

Nagising ako nang may humahaplos sa buhok ko, pagkamulat ko pa lang ng dalawa kong mata ay si mama agad ang bumungad sakin.

Umupo ako at niyakap sya niyakap nya din ako pabalik.

"Anak your kuya Gio told me about your decision, are you sure about that?" Tanong ni mama.

"Yes my" sagot ko sakanya saka ko sya nginitian.

Bumitaw sya sa yakap namin kaya nakaharap nako sakanya.

"Okay then" Sabi ni mama.

"Gutom kana ba? Tara baba na tayo para makakain kana, basta wag kang magpapa stress okay?" Tanong ni mama kaya tumango ako at ngumiti.

Naabutan namin sila kuya at papa na nagtatawanan.

"Anong meron?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

Natahimik naman si papa. Si kuya Nik ay halatang pinipigilan yung tawa habang umiiling. Si kuya Gio naman ay nakakagat labi habang nakangiti.

"Nothing" sagot ni papa.

"Eh?" Sabi ko.

"Wag mo na lang silang pansinin Scarlet! Baliw na ata tong dalawa mong kuya" madramang sabi ni mama kaya natawa ako.

Habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan rin kami.

Tapos nakong kumain pero sila hindi pa, hindi ko alam kung sadyang matakaw lang talaga sila o mahina akong kumain e.

Alam na rin siguro ni papa yung desisyon ko pero hindi lang s'ya nagtatanong.

Hindi lang araw ang absent ko, three weeks siguro? O higit pa doon. Kaya kailangan kong gumawa ng dahilan kung bakit ako umabsent, hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na buntis ako diba?.










++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon