Chapter 28

1.2K 25 0
                                    



"Ano yung sayo scarlet?" Tanong ni Janine.

"Chocolate cake na lang and milk tea" Sabi ko ng hindi nakatingin sakanila, nakatungo lang ako. Damn! Muntik nako dun! Buti na lang talaga at nakarating na kami dito.

Tahimik lang si Drake sa tabi ko pero ramdam ko na nakatingin sya sakin. Pinilit kong hindi sya tignan.

"Punta lang akong CR, mag aayos lang ako" Hindi kona sila hinintay na magsalita, tumayo nako at naglakad papuntang CR.

Tumingin ako sa malaking salamin ng CR. Sinuklayan ko yung buhok ko na na straight, well nakarebond kasi yung buhok ko.

Naglagay ako ng blush on sa mukha, at naglagay ulit ako ng lipstick na red.

Naglakad nako papunta sa pintuan at pagkabukas ko ay nakita ko si Drake na nakapamulsa at nakatingin sakin ng diretsyo.

"A-anong ginagawa mo d-dito?"

"Sinundan kita"

"Why? What do you need?" Dire-diretsyo na tanong ko.

"Wala, hindi ba pwedeng gusto lang kitang sundan?" Nakataas ang kilay ni Drake ngayon sakin, inirapan kona lang siya at dirediretso ang lakad ko papunta sa table namin.

Umupo si Drake sa tabi ko. Dumating yung waiter at nilagay sa table lahat ng inorder namin.

Nakita kong dinukot ni Lily at Janine yung cellphone nila sa bag nila. Binaba nila yung cellphone nila at tumunog naman yung akin kaya kinuha ko sa bag ko.

Nakita ko yung text nila sakin, bat pa sila nagtetext sakin? E kaharap ko lang naman sila? Pero kahit na nagtataka ako ay binasa ko yung mensahe nila.

Janine:

Sorry dun sa kanina! Hindi naman namin sinasadya, Galit kaba?

Yan yung mensahe sakin ni Lily kaya nireplyan ko sya.

Me:

It's okay, no need to sorry I'm not mad.

Sunod na binasa ko naman ay yung kay Janine.

Janine:

Scarlet are you mad? Sorry na! Hindi naman namin alam na mababadtrip ka e!

Nireplyan ko sya.

Me:

Alam mo bang muntik na nyang malaman yung tungkol kay Ase? Mygod! Kinabahan ako dun!

Nilagay kona sa bag yung cellphone ko si Janine naman ay pinakita nya yung text ko kay Lily. Napatingin silang dalawa sakin at napakagat labi sila.

"Sinong katext mo?" Tanong ni Drake.

Pero hindi kona sya pinansin at pinagpatuloy kona lang yung pagkain ko sa cake na inorder ko.

"I'm asking you scarlet" Ano bang problema nitong lalaki na to?!

"Mind your own business"

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon