Nang nakarating kami ay tulog si Ase kaya dinala ko siya sa kwarto niya.Pupunta din dito yung mga barkada ni Drake na barkada kona din nung collage hindi naman sila puro lalaki, may babae din naman.
Nag iihaw kaming mga babae ngayon,kasama namin si ate Nally, nandito na rin yung kasama niya. I mean yung boyfriend niya na si Max Cason Villanueva.
Yung mga lalake naman ay nagsisimula ng mag inuman.
"Ate Nally, matagal naba kayo nung boyfriend mo?" Tanong ni Lily.
"Uh, crush ko kasi siya noon, then nung nanligaw siya sinagot ko siya agad, sabi ko pa nga sakanya, relasyon na ang pinapatagal hindi panliligaw, tawa siya ng tawa nun." Mahabang sabi ni ate Nally.
"Ate, yung tanong ni Lily ay kung matagal na daw ba kayo" singit ni Janine. Nagkamot ulo naman si ate Nally.
"Ah hehe, one month pa lang kami" tumango na lang ako.
Nang matapos kaming mag ihaw ay pumunta na kami sa mesa kung saan sila nagiinuman. Wala pa yung mga barkada ni Drake.
At saktong pagkasabi ko nun ay saka sila nagdatingan. Umupo ako sa tabi ni Drake, hinawakan naman niya yung baywang ko.
"Wag kang uminom ng marami." Bulong ko sakanya.
"Okay love" nakangiting sabi niya saakin.
"Scarlet! Ikaw yan?! Ohmygod! Lalo kang gumanda!" Sabi ni Rachelle na barkada namin ni Drake noong collage.
"Thanks" sabi ko at ngumiti.
*Time check* 6:55 pm.
"Love baka gising na si Ase, puntahan ko muna siya sa kwarto niya" sabi ko sakanya.
"Sama ako" tumango na lang ako.
Hinawakan niya agad yung baywang ko pagkatayo namin.
"Lily kukuhanin lang namin si Ase, baka kasi gising na siya." Sabi ko sakanya tumango naman siya at ngumiti.
Naabutan namin si Ase na umiiyak kaya kinarga agad siya ni Drake.
"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa anak ko.
"Tara baba na tayo" sabi ni Drake at hinawakan yung isa kong kamay, karga niya parin si Ase.
Nang nakarating kami sa baba ay lumapit samin ang ilang barkada namin.
"Ang gwapo!"
"Kamukhang kamukha niya si Drake!"
"Wala pabang kasunod yan?"
Sunod sunod na sabi nila. Si Drake naman ay nginisian ako inirapan kona lang siya.
"Pano ba yan? Lahat sila nagtatanong kung wala pa bang kasunod si Ase? Gawa na tayo?" Nakangising sabi ni Drake kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Manahimik ka nga!" Inis na sabi ko.
"What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Hindi kona lang siya pinansin.
Tinignan ko yung wristwatch ko at nakita kong 8:01 ang bilis ng oras.
Tinignan ko si Ase na tumatawa habang nakakandong kay Drake. Napangiti tuloy ako.
Nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sinong nagtext. Si mama pala.
Mama:
Anak? Pupunta ba kayo dito bukas?
Me:
May lakad po ba kayo bukas?
Mabilis naman nagreply si mama.
Mama:
Wala naman anak, bakit?
Me:
Punta na lang po kayo bukas dito my.
Hindi na nagreply si mama kaya binaba kona yung cellphone ko.
"Sinong katext mo?" Seryosong tanong ni Drake sakin.
"Si mama, tinatanong niya kung pupunta daw ba tayo bukas sa bahay."
"Ah. Anong sinabi mo kay Mom?"Tanong niya
"Sabi ko punta na lang sila dito." Sabi ko sakanya. Inakbayan naman niya ako habang nakaupo kami.
"Baka langgamin kami sa kasweetan niyo ah?" Natatawang sabi ni Rina. Barkada namin ni Drake.
"Punta kayo bukas dito." Sabi ni Drake sakanila.
"Bukas? Sige"
"Try ko"
"Anong meron bukas?"
"Sige"
"Okay"
Sabi ng mga iilang barkada namin ni Drake.
At hindi nagtagal ay nagpaalam na sila samin.
"Una na kami." Paalam nila Rachelle.
"Gusto niyo dito na kayo matulog?" Tanong ko.
"Hindi na, saka pupunta naman kami bukas diyan, bye!" Paalam nila.
"Scarlet una na rin kami ah?" Sabi ni Janine saka ako niyakap nakisali na rin si Lily at Chayrez.
"Ate una na kami ah?" Si Chayrez.
"Sige, ingat kayo" sabi ko sakanila.
Nagulat na lang ako nung may humawak sa baywang ko.
"Drake! Wag ka ngang manggulat!" Inis na sabi ko sakanya.
"Sorry."
"Nasaan si Ase?" Tanong ko.
"Na kay ate Nally, siya na lang daw yung magpapatulog" sabi niya saka niya ako hinalik halikan sa leeg.
"Drake!" Yung suway ko ay naging ungol. Shit!
"Hmm" patuloy niya parin hinahalikan yung leeg ko.
"Drake, lasing kana" sabi ko saka ko siya tinulak ng bahagya.
"No, I'm not" sabi niya pa saka siya lumapit ulit sakin at hinalikan ako ng mapupusok.
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?