Chapter 47

972 22 0
                                    


Nakauwi na kami sa bahay. Kila Drake ako matutulog ngayon, pero hindi pa kami nag uusap ni Drake. Nandito ako ngayon sa kwarto namin. Katabi ko si Drake pero nakatalikod ako sakanya.

Hindi parin ako inaantok kaya naisipan kong bumaba muna para uminom ng gatas.

Bumangon ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Drake pero hindi ko siya pinansin. Lumabas ako ng kwarto namin. Sumunod naman siya sakin.

"Scarlet saan ka pupunta? Bawal kang magpuyat." Sabi pa niya pero patuloy parin ako sa pagbaba.

Nang nakarating ako sa kusina ay nagtimpla ako ng gatas ng matapos ako ay umupo muna ako.

Oh god! Bakit ba ang kulit niya?!

"Scarlet talk to me please?"

"Shut up!" Inis na sabi ko sakanya.

"Scarlet please? I'm sorry for what I did"

Hindi ko parin siya pinapansin. Patuloy pa rin ako sa pag inom ng gatas.

Nang matapos ako ay umalis nako sa kusina.

Pumunta ako sa kwarto namin at humiga.

"Scarlet, kausapin mo naman ako."

Humiga siya sa tabi ko.

"Love." Malambing na tawag niya sakin.

"Scarlet." Wag mo siyang papansinin Scarlet!

"Loveeee." Naiinis nako sakanya! Bakit ba ang ingay niya?!

"Will you please shut up?! Ang ingay mo! Gusto ko ng matulog okay?! Ngayon kung hindi ka inaantok then leave! Hindi yung nang-iistorbo ka!" Galit na sabi ko sakanya.

"O-okay, sleep well." Sabi niya at akmang hahalikan niya ako pero umiwas ako. Tumalikod nako sakanya at natulog.

-----KINABUKASAN-----

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom.

Pagmulat ko ng mata ko ay naabutan kong nakayakap sakin si Drake.

Inalis ko yung pagkakayakap niya sakin at ginawa kona yung morning routine ko.

Nang matapos ako ay lumabas nako ng banyo at naabutan ko si Drake na nakaupo sa kama habang tulala. Napairap na lang ako.

Lumabas ako sa kwarto namin ni Drake para puntahan si Ase.

Pumasok ako sa kwarto niya, naabutan ko siyang nagkukusot ng mata kaya napangiti ako. Tinignan ko yung wall clock at nakita kong 8:06 na.

"Goodmorning baby." Sabi ko sakanya atsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

Binuhat ko siya at lumabas sa kwarto niya at saktong pagbukas ko ay nakita ko si Drake na kakatok na sana.

"Breakfast na tayo." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin, nagtuloy tuloy lang ako. May pasok trabaho pa pala ako ngayon.

Sinubuan ko muna si Ase ng baby food ng nabusog na siya ay kumain naman ako. Pagtapos ko ay pumunta ako sa kwarto namin ni Drake. Si Ase naman ay nakay Drake.

Pagtapos kong maligo ay nagbihis nako. Naglagay muna ako ng konting make up. Nang matapos ako ay bumaba nako.

"Where are you going?" Tanong ni Drake ng makita niyang nakabihis ako.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon