Nakauwi na yung bisita namin. Si Drake naman ay dumating na, nasa kwarto ako ngayon si Drake naman nagshoshower.Nakahiga ako ngayon sa kama.
Pinikit ko yung mata ko nung narinig ko yung pagbukas ng pintuan nung CR.
Naramdaman ko na may humiga sa tabi ko. Sino paba? Edi si Drake.
"Love." Tawag sakin ni Drake pero hindi ako kumibo.
"Love? Alam kong gising ka, kaya wag ka ng magtulog-tulugan" sabi niya. Inis naman akong umupo.
"Ano ba?! Wag ka ngang maingay! Kita mo ng natutulog yung tao e!"
"Hindi kana man kaya tulog" umismid siya.
Inirapan ko lang siya.
"May sinabi ba sila Lily sayo?" Tanong niya.
"Wala nama bakit? May dapat ba silang sabihin sakin?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"W-wala naman"
"Drake, ano nga yun?" Pagpupumilit ko.
"Wala!"
"Drake! Ano nga yun?! Hindi ka naman magtatanong kung wala naman e!" Pangungulit ko sakanya.
"Scarlet! Wala nga! Wag ka ngang makulit!" Sigaw niya sakin kaya nagulat ako.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw na pabalik ko sakanya. Nakatayo na kaming dalawa ngayon at nagsisigawan. Ano ba kasing problema nito?!
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ba't ba kasi ang kulit mo?! Hindi moba narinig yung sinabi ko?!" Sigaw niya sakin.
"Nagtatanong lang naman kasi ako! Ano bang problema dun?! Wala naman diba?! Ang akin lang kasi! Sana naman magsabi ka ng totoo!" Sigaw ko sakanya at naglakad papunta sa pintuan para makalabas nakabukas na yung pintuan, pero hindi pa man ako nakakalabas ay hinablot na niya yung braso ko.
"Sinasabi mo bang sinungaling ako?!"
"Wala akong sinabing nagsisinungaling ka! Nagtatanong lang ako pero sinisigawan mo ako! Nakakapagod na! Ano ba kasing problema mo?!" Sigaw ko sakanya.
Nagsisigawan kami ngayon. Hindi ko lang alam kung nagising ba sila ate Nally.
"Ikaw ang problema ko! Ngayon kung ayaw mong masigawan kita! Edi wag kang tanong ng tanong!" Natahimik ako sa sinabi niya.
"Ako yung p-problema mo? Then fine! Hinding hindi na kita papakielaman simula ngayon!" Sigaw ko sakanya at hinablot yung braso ko na hawak niya. Lumabas ako sa kwarto namin at bumaba para makainom ng tubig na malamig.
Hindi ko alam kung lasing lang ba talaga si Drake kaya niya nasabi yun o ano. Pero hindi ko parin maiwasan na masaktan.
Ang ayoko sa lahat ay yung naglilihim sakin. Pwede naman niyang sabihin sakin yung totoo e. Hindi naman ako magagalit.
Napahikbi na lang ako habang nakaupo sa sala. Ayoko muna siyang makatabi ngayon.
"Scarlet? Nag away ba kayo ni Drake? Nagising ako dahil sa sigawan niyo. May problema ba?" Nag aalalang tanong ni ate Nally at umupo sa tabi ko kaya mas lalo akong naiyak.
"Nagtatanong lang kasi ako p-pero bigla niya akong s-sinigawan, h-hindi ko a-alam kung a-anong p-problema niya" humagulhol ako kaya niyakap ako ni ate Nally.
"Scarlet iha! Anong nangyari?" Tanong ni Mom na kakarating lang, kasama niya si dad.
"Mom, nag away po sila ni Drake." Sabi ni ate Nally. Bumitaw ako sa yakap namin at hinarap sila Mom.
"Sinigawan daw siya ni Drake." Dugtong pa niya.
"Sinigawan? Bakit?" Umupo si dad sa pang isang upuan ganun din si Mom.
"Nagtatanong lang po kasi ako, p-pero sinigawan n-niya ako. A-alam ko n-naman p-po na lasing siya p-pero hindi ko po maiwasan na m-masaktan" umiiyak na sabi ko. Pinunasan ko yung luha ko.
"Naku iha! Lasing lang yan si Drake. Hindi niya sinasadyang sigawan ka. Naiintindihan kita, nung minsan na malasing yang dad mo sinigawan niya ako, nasaktan ako pero pinatawad ko pa rin siya." Kwento ni Mom kaya medyo gumaan yung pakiramdam ko.
"If you Don't mind iha, ano bang pinag awayan niyo?" Curious na tanong ni Mom.
"K-kasi po nagtext po si Anna, then sinabi ko po kay Drake na may nagtext sakanya pero hindi ko po sinabi na si Anna yung nagtext nagpanggap po ako na hindi ko alam kung sino. Tapos nagkita po sila ni Anna. Kanina po tinanong niya sakin kung may sinabi ba sakin si Lily ang sabi ko po wala tapos tinanong ko po siya kung bakit niya tinatanong then ayun po sinigawan niya ako. Hindi niya po kasi alam na sinundan namin siya. I mean nagpakita sila Lily pero ako hindi." Mahabang sabi ko.
"Si Anna nanaman?!!" Galit na sabi ni Mom.
"Iha mas mabuti pang magpahinga kana, hayaan mo bukas kakausapin ko si Drake." Seryosong sabi ni dad.
"Sige po, Thank you, ate Nally pasensya na sa abala ah? Nagising kapa tuloy" sabi ko.
"Ano kaba? Wala yun!" Nakangiting sabi niya kaya umakyat nako sa taas.
Naabutan ko si Drake na palabas ng banyo. Hindi kona lang siya pinansin. Humiga na lang ako sa kama sakto naman tumunog yung cellphone ko.
Tinignan ko kung sino pero unregistered number yung tumatawag. Sinagot ko parin.
"Hello? Who's this?"
[Scarlet si Blake to.] nanlaki yung mata ko. Ohmygoddd! Si Blake! Kababata ko siya.
"Blake?! Ohmygosh! Nasaan kana?! Ba't ngayon ka lang tumawag?! Ang daya mo!" Sabi ko sakanya kaya natawa siya, napangiti tuloy ako.
Magsasalita pa sana siya pero hinablot na ni Drake yung cellphone ko at pinatay ang tawag. Bastos! Kitang may kinakausap ako!
"Ano ba?! Problema mo?!" Galit na tanong ko sakanya.
"Sinong Blake?"
"Pakielam mo?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at tinarayan. Humiga na lang ako at humarap sa gilid, in short nakatalikod ako sakanya.
"Scarlet, who's Blake?" Seryosong tanong ni Drake.
Umupo muna ako sa kama bago ko siya sinagot.
"Kababata ko" sagot ko sakanya tumingin naman ako sakanya.
"S-sorry sa n-nasabi ko kanina. Nagsinungaling ako sayo kasi, ayoko lang na isipin mo na niloloko kita" tumango lang ako.
"Ang totoo niyan....si Anna talaga yung nagtext sakin, nakikipagkita siya sakin kaya pumayag ako." Hindi kona lang siya kinibo humiga lang ulit ako.
"Sorry, sorry kasi nasigawan pa kita kanina, natatakot kasi ako na baka iwan mo ulit ak---" hindi kona siya pinatapos, hinalikan kona lang siya, tumugon naman siya.
Habang tumatagal ay lalong nagiging malalim ang halikan namin.
Good evening! Parang ayaw ko ng tapusin yung story ko! Goshhh!
Thankyou sa mga patuloy na sumusuporta sa story ko! Thankyou so much! Marami din salamat sa mga magvovote, well wala pang nagcocomment e hehe✌️😢 comment po kayo pleaseeee! Yun lang po thankyouuu!❤️❣😘
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?