Chapter 24

1.1K 25 0
                                    


Pagkatapos namin magusap sa kwarto ay bumalik na kami sa sala na parang walang nangyari.

Naabutan namin yung limang lalaki na nagtatawanan. Oo lima, kasama yung dalawang kuya ko.

"Anong meron?" Tanong ni Janine.

"Wala" sagot ni Jacob na nakasimangot.

"Anong nangyari sayo? Bat ka nakasimangot?" Sabi ko habang nakakunot ang noo, nagtatawanan lang sila kanina ah? O baka naman iniinis tong si Jacob?

"Pangit ka daw" Sabi ni Jacob sakin kaya napataas ang isa kong kilay.

"Are you describing yourself?" Nakataas na kilay na sabi ko.

"W-what? Ang gwapo ko kaya!" Sabay irap ni Jacob.

"Nananaginip kana naman ba?" Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Raphael.

"Tang*ina manahimik kana nga lang!" Iritadong sabi ni Jacob kaya mas lalo kaming natawa.

Umupo na kami sa sofa, nagkwekwentuhan sila habang ako naman ay nagfefacebook.

Nag chat sakin si ate Nally kaya binasa ko.

Nathally Nunez:
Scarlet iniiwasan moba ako?

Scarlet Camille Fuentes:
Hindi naman ate Nally, Bakit?

Agad naman syang nagreply.

Nathally Nunez:
E bakit hindi mona ako tinatawagan? Kahit text wala! Nakakatampo kana!

Nathally Nunez:
How are you now? Saan ang bahay nyo dyan sa Paris? Punta ako! Pleaseeee!

Hindi naman siguro masama na sabihin ko sakanya diba? Hindi naman siguro nya sasabihin kay Drake.

Scarlet Camille Fuentes:
Kailan ka pupunta? Dito kana muna samin matulog if you want.

Nathally Nunez:
Sige, pero ayos lang ba talaga? Nakakahiya kasi.

Scarlet Camille Fuentes:
Oo naman! Nandito naman sila Lily e!

Nathally Nunez:
Okay! Sige! Don't worry hindi ko naman sasabihin kay Drake!

Sabi nya kaya nag log out nako.

"Pupunta daw dito si ate Nally" I said.

"Ohmygod! Namiss ko si ate Nally!"

"Me too! Tagal kona rin kasi syang hindi nakikita!"

Sabi ng dalawa kong kaibigan.

Naka save naman dito yung number ni ate Nally kaya tinext kona sakanya yung address namin. Sim lang naman kasi yung pinalitan ko hindi naman cellphone.

"Sigurado kaba na safe na nandito yung ate ni Drake? Paano kung sabihin nya kay Drake?" Nakakunot na tanong ni kuya Nikko.

"May tiwala ako kay ate Nally kaya you don't have to worry"

"Okay"

Ngayong linggo na yung binyag ni baby Ase.

At napag desisyonan ko na dito na lang gaganapin, magpapa catering na lang kami.

Ang napili kong theme ay blue, saka black and white. Pumunta nung lastweek dito yung kakilala ni mama na organizer.

May inimbita din sila mama at papa.

Si ate Nally naman ang sabi nya sakin ay nakasakay na daw sya ng eroplano. Baka bukas sya makarating? Or mamayang hatinggabi?

"Kuya Nikko sunduin mona kaya si ate Nally? Baka kasi maligaw sya"

"Binigay mo naman sakanya yung address ng bahay kaya hindi naman s'ya maliligaw" ani kuya Nikko.

"Kahit na! Sun--" pinutol n'ya ang sasabihin ko.

"Oo na! Oo na! Wag ka ng maingay" inis na sabi n'ya pa.

Natawa ako, ba't ba ang init ng ulo n'ya? Busted siguro s'ya sa nililigawan n'ya.

"Lily okay lang ba kung katabi n'yo si ate Nally matulog? Dalawa lang kasi yung guest room dito samin"

"Oo naman! Namiss rin naman namin si ate Nally kaya okay lang samin ni Janine"

"Okay" yun na lang yung nasabi ko.

Pumunta muna akong kusina para kumuha na snacks, Baka kasi gutom sila, lalo na si Jacob. Haha.

Binuksan ko yung ref para kumuha ng snacks, dinagdagan kona baka mabitin si Jacob e.

Bumalik nakong sala dala dala yung mga kinuha ko.

Nilapag ko yun sa table na nasa gitna ng mga upuan. Hindi naman sya sobrang laki, sakto lang naman.

Pagkalapag ko ay agad kumuha si Jacob na kanina lang ay nakasimangot pero sobrang lapad na ng ngiti nya ngayon. Ang takaw! Tss.

"Ayaw nyo?! Bahala kayo! Akin na lang tong lahat, sayang naman kung may matitira pa diba?" Sabi nya pa at nagkibit balikat.

"Sus! Ang sabihin mo sadyang patay gutom ka lang hindi yung kung ano-ano pa yung sinasabi mo!" Sabi ni Janine., kaya natawa kami. Si Lily naman ay nagpapagulong gulong na sa mahabang upuan namin habang tumatawa, naka hawak pa sya sa tiyan nya.

"Gwapo naman!" Nakangising sabi nya habang nilalantakan yung mga kinuha ko sa ref.

"Patay gutom na nga makapal pa ang mukha!" Sabay hagalpak ng tawa ni Raphael kaya mas lalo kaming natawa.

"Ate scarlet oh!" Parang batang sumbong sakin ni Jacob.

"Wag mo nga akong tawaging ate! Ilang buwan lang naman yung tanda ko sayo no! Duh!" Sabay irap ko sakanya.






++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon