Chapter 46

937 18 0
                                    


Nagising ako dahil may narinig ako na parang may nagtatalo.

Dumilat ako at......

Anong nangyari kanina? Nahimatay ako? Kamusta na yung anak ko?

Bigla akong napabangon.

Nasa hospital pala ako.

May nurse na nasa tabi ko nakatayo.

"Nurse k-kamusta y-yung baby ko?" Kinakabahan na tanong ko.

"Don't worry ma'am okay lang po yung baby niyo, kaya wag na po kayong mag alala." Ngumiti sakin yung nurse kaya nginitian ko din siya.

Umalis na yung nurse at iginala ko yung mata ko. Natigilan ako ng makita ko si Drake na mugto yung mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?!! Palabasin niyo siya!! Ayaw ko siyang makita!!" Hindi ko nanaman napigilan na umiyak. Naalala ko kung paano niya ako sinigawan kahapon at kanina.

"Scarlet, wag ka naman ganito oh, please? Patawarin mo naman ak--" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Patawarin?! Ha?! Naririnig mo ba yung sinasabi mo?! Sinigawan mo ako Drake! Mas kinampihan mo pa yung Rhian na yun kesa sa sarili mong asawa! Lumabas kana! Hindi ka namin kailangan ng anak ko!" Sigaw ko kaya nataranta sila Mom dad, si mama si papa pati sila ate Nally. Saka sila kuya nandito. Nandito din si ate Danica.

Pinalabas nila si Drake kaya medyo huminahon ako.

"Scarlet, kamusta ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Mom.

"Ayos lang po" tamad na sagot ko at humiga sa kama.

"May g-gusto ka bang kainin anak?" Tanong ni mama.

"U-uh anong oras na po ba?" Tanong ko.

"2:30 na ng hapon anak" sagot ni mama.

"H-hindi pa po kasi a-ako nag lalunch" sabi ko sakanila kaya nataranta ulit sila. Si kuya Gino ay may pinipindot sa cellphone niya si kuya Nikko naman ay may kausap sa cellphone niya si Mom dad, mama, at papa naman ay lumabas. Si ate Nally at ate Danica ay lumapit samin.

Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas yung pintuan at ang niluwa nun ay sila Lily at Janine.

"Ohmygod!!! Scarlet! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong sakin ni Lily.

"Scarlet naman! Nag alala ako ng sobra sayo! Ano?! May masakit ba sayo? Ha?" Sunod sunod din na tanong ni Janine.

"Ayos lang ako." Nginitian ko sila.

"Hay! Buti naman!" Parang nakahinga naman sila ng maluwag dahil sa sinabi ko.

"Scarlet sorry sa ginawa ng kapatid ko sayo ah? Gosh! Hayaan mo pagsasabihan ko yun, ayoko rin sa Rhian na yun! Kung makaasta kahapon sa bahay akala niya sakanya talaga bahay yun e!" Umirap pa si ate Nally.

"Hindi na kailangan ate." Sabi ko sakanya kaya naman lumungkot yung ekspresyon ni ate Nally.

"Makikipaghiwalay kaba talaga kay Drake?" Tanong ni ate Nally at nagulat naman sila Lily sa narinig nila.

"Nahihirapan na kasi ako, hindi kona rin siya kayang pakisamahan pa." Sabi ko.

"P-pero paano si Ase?" Tanong ni ate Nally kaya natahimik ako.

Ayaw kong mahirapan at masaktan ako pero ayoko rin naman lumaki ng walang ama yung mga anak ko. Ayokong maging makasarili.

Tanga naba ako kapag pinagbigyan ko ulit siya? Ayos lang kahit masaktan ako ng paulit ulit. Wala e. Mahal ko siya kahit na lagi niya akong sinasaktan.

"Susubukan kong patawarin si Drake, ayoko rin kasing maging makasarili." Sabi ko.

"Napaka bait mo talaga!" Ngumiti sakin si ate Nally.

"Ah ate Nally si Angel? Saka si Ase?" Tanong ko ng mapansin na wala sila dito.

"Ah, nasa labas sila hindi muna namin pinapasok si Ase baka kasi umiyak." Sabi ni ate Nally at tumalikod para lumabas.

Bumalik siya dito habang buhat niya si Ase. Pinahiga niya sa tabi ko si Ase.

"Kumain naba siya ate Nally?" Tanong ko at hinalikan ko si Ase sa buong mukha. Grabe! Kahit na ilang oras ko pa lang siya hindi nakita parang namiss ko siya!

"Yes, pinakain ko muna siya bago kami pumunta dito." Sabi ni ate Nally kaya ngumiti ako sakanya, ngumiti naman siya pabalik.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon