Chapter 19

1.1K 22 0
                                    



Tumayo si Anna at magmamano sana sya kay Tita, pero iniwas n'ya yung kamay n'ya.

"Scarlet iha!" Gulat na sabi ni Tita at lumapit s'ya sakin para yakapin ako.

"Tita Jane!" Bati ko.

"Kamusta kana iha?" Nag aalalang tanong ni Tita Jane, alam na n'ya siguro yung nangyari samin ni Drake.

"Ayos lang po, kayo po ba?" Tanong ko.

"Ayos lang rin naman kami ng Tito mo" sabi n'ya at tumingin sa likuran ko.

"Ah Tita eto nga po pala yung dalawang kaibigan ko" nakangiting sabi ko.

"Good afternoon po! I'm Lily Mae Dela Cruz, tawagin nyo na lang po akong Lily or Mae " pakilala ni Lily at naglahad sya ng kamay, hindi tinanggap ni Tita yung kamay nya sa halip ay bineso nya si Lily.

"Nice to meet you Lily!" Nakangiting sabi ni Tita.

"Ako nga po pala si Janine Acel William, tawagin nyo na lang po akong, Janine or Acel" Nakangiting sabi ni Janine.

Bineso din sya ni Tita.

"Nice to meet you Janine!" Nakangiting sabi ni Tita.

"I'm Alexa Jane Nunez and this is my husband Gillbert Nunez" pakilala ni Tita kay Tito.

Tumango lang si Tito, ngayon ko palang sya nakitang ganito kaseryoso.

"Drake ano nanaman ba to?" Tanong ni Tito.

"Dad gusto lang naman bumisita ni Anna, anong masama don?" Iritadong tanong ni Drake.

"Oh really?" Sarkastikong sabi ni Tita.

"D-drake aalis na lang ako" nakayukong sabi ni Anna.

"No" Sabi ni Drake.

Tinignan ko yung kaibigan ko at nakita kong nakatingin sila sakin, sunod na tinignan ko naman ay sila ate Nally, Angel at Tita, nakatingin din sila sakin, kaya ngumiti ako.

"Camille, let's go doon na lang tayo sa kabilang living room" Sabi ni Tita at naglakad paalis dito. Dalawa kasi yung living room nila.

"Tara" yaya ko sa dalawang kaibigan ko.

Pagkaupo namin ay bumaling naman samin si Tita.

"Sorry dun sa kanina" Sabi ni Tita. Si ate Nally naman ay kinuha lang yung binake nya.

"I heard the news about you and to my son, and I'm sorry about that" Sabi ni Tita.

"Tita ayos lang po" Sabi ko.

"No, honestly i don't like Anna for my son" Sabi ni Tita at nakita ko pa yung pag irap nya.

Dumating na si ate Nally dala dala yung binake nya.

Kumuha naman ako ng cupcake.

"Ate Nally! Ang sarap parin talaga ng cupcake na gawa mo!" Nakangiting sabi ko.

Nang maubos ko yung kinakain ko ay kumuha naman ako ng cookies. Natawa naman si Tita sa katakawan ko.

"Iha parang isang linggo kang hindi kumain ah?" Natatawang sabi ni Tita.

"Ang sarap po kasi" Nakangiting sabi ko.

"Dito na kayo mag dinner ah?" Sabi ni Tita.

"But--" pinutol ni Tita ang sasabihin ko.

"Walang pero pero Scarlet! Magtatampo na nyan ako sige ka!" Sabi ni tita kaya natawa ako.

"Sige po, pero Janine? Lily? Okay lang ba sa inyo?" Tanong ko.

"Sige ba!" Sabay na sabi ni Janine at Lily.

---

Nagdidinner na kami ngayon.

Anna      Drake   Tito     Tita
_____  _____  _____  _____  _____

_____  _____  _____  _____  _____
Janine     Ako      Lily      Angel   Nally  

Ganyan yung puwesto namin.

"Scarlet eto pa oh!" Sabi ni tita, sabay bigay sakin nung niluto n'yang adobo. Oo sya yung nagluto may katulong sila pero nagprisinta sya na sya na lang daw yung magluluto kaya tinulungan kona din si Tita, nung una ayaw ni ate Nally at muntik na nyang masabi na buntis ako kung hindi lang sumabat si Lily.

Ako naman yung niluto ko ay yung paborito ko na sinigang. Pinagluluto din ako ni Drake dati ng sinigang nung kami pa-- Aishhh! Bat kopa ba inaalala yun?!

"Ah opo " Sabi ko at kinuha yung inaabot nya sakin at dahil nga malayo sya sakin ay kinuha na ni Drake at sya ng yung nag abot sakin nun.

Hindi ko namalayan na ako na lang pala yung kumakain samin kaya pinunasan kona lang yung bibig ko. Nakatingin silang lahat sakin.

"Matakaw kana noon iha, pero bakit parang dumoble yung pagiging matakaw mo ngayon? Daig mopa yung buntis" natatawang sabi ni tita sakin, at sakto pang umiinom ako ng tubig kaya nasamid ako.

Tinignan ko yung reaksyon nila. Sila Lily at Janine ay nakangisi, si ate Nally naman ay nakakagat labi lang. Si Angel ay nakatingin lang sakin, well hindi naman n'ya alam. Si Drake ay nakita kong nakatingin sakin na para bang naghihintay syang sabihin ko na hindi pero walang lumabas galing sa bibig ko, si Anna naman ay nakakunot ang noo na para bang nagtataka kung bakit ganito yung reaksyon namin.

Patuloy parin sa pagtawa si Tita, si Tito naman ay nakangiti lang. Don't tell me sinabi sakanila ni mommy at daddy na buntis ako? What the heck?

Wag naman sana.

Mabuti naman at nagsalita si Janine kaya napahinga ako ng maluwag.

"Tita alis na po kami ah? 9:22 na rin po kasi, kailangan ng magpahinga ni Scarlet, i-i m-mean kami" sabi ni Janine kaya siniko ko s'ya ng palihim tinignan ko si Drake at nakita kong nakakunot s'ya na para bang nagtataka s'ya sa pagsiko ko ng palihim sa kaibigan ko.

"Sige, balik kayo ha? Welcome na welcome kayo dito sa bahay! Scarlet balik ka ha?" Nakangiting sabi ni tita at bineso n'ya ako, pati na rin si Janine at Lily, niyakap naman ako ni ate Nally ganun din yung ginawa n'ya kila Janine.

Nag squat naman ako para mapantayan ko si Angel.

"Uwi nako ha? Good night baby angel" nakangiting sabi ko at hinalikan s'ya sa noo n'ya.

"Sige, basta balik ka dito ah? Sama mo rin po si ate Janine at ate Lily" naka pout na sabi ni Angel kaya kinurot ko yung dalawang pisngi n'ya.

"Oo ba!" Nakangiting sabi ko, at tumayo na.

Lumapit ako kay Tito na nakatayo sa tabi ni Tita. Nagmano ako sakanya.

"Tito alis na po kami" paalam ko.

"Sige ingat kayo sa pagdadrive!" Sabi n'ya kaya tumango na lang ako at ngumiti.









++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon