Chapter 50

938 20 0
                                    


Magkatabi kami nila Lily at Janine magkatapat kami ni Drake si Janine naman katapat niya si Raphael tahimik lang kami habang kumakain pero biglang nag-ingay si Lily, siguro nararamdaman niya rin yung tensyon.

"Janine, binasted mo naman si Jack diba? May irereto na lang ako sayo! Kaibigan namin siya ni Scarlet! Si Jaycee ! Ano kasing apelyido nun Scarlet?" Tanong sakin ni Lily.

"Ah, Jaycee Rosales." Tinignan ko si Lily para warningan siya pero pinilit niyang h'wag akong tingnan.

"Oo! Yun nga! Mabait yun!" Pagmamayabang ni Lily sa kaibigan namin.

"Lily, tama na yan. Kumain kana lang ang dami mo pang sinasabi ehh."Sabi ni Raphael.

Nagseselos ba siya?

Tinignan ko si Lily, nginisian niya ako kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

Si Janine naman ay tahimik lang. Nakakapanibago, dati-rati lagi siyang nag-iingay.

"Uy! Janine!" Tawag ni Lily, ng mapansin niyang tahimik lang si Janine. Nagulat naman si Janine sa pagtawag sakanya ni Lily.

"A-ah ano?" Tanong niya at umayos ng upo.

"Sabi ko may irereto ako sayo! Si Jaycee yung kaibigan namin ni Scarlet!" Ulit ni Lily.

"Sige lang." Tamad na sabi ni Janine.

"Okay! Scarlet sama ka ah?" Lily.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa club nga!" Sabi ni Lily.

Tinignan ko si Drake, umiling siya sakin na para bang ayaw niyang sumama ako.

"Sige."

"Scarlet buntis ka! Maraming tao doon baka maipit ka!" Sabi ni Drake.

"Drake naman! Payagan mo na ako please?" Pagpupumilit ko.

"Hindi ka pwedeng sumama." Sabi pa niya kaya sinimangutan ko siya.

Padabog akong tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Drake pero hindi ko siya pinansin. Lumabas ako sa cafeteria.

Pumasok ako sa elevator bago pa magsara ay nakapasok na si Drake.

"Scarlet buntis ka! Kaya wag kang sasama bukas!" Sabi ni Drake pero hindi ko siya pinansin.

Bahala siya! Ba't ba lagi niya akong pinagbabawalan?! E sa gusto kong sumama e!

Pinunasan ko yung luha ko. Bumukas na yung elevator kaya lumabas ako at dumiretsyo sa cubicle ko.

Sumunod sakin si Drake.

"Scarlet naman, ginagawa ko to para sa anak natin, baka kung ano pang mangyaring masama sayo bukas kapag sumama ka." Sabi ni Drake pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa trabaho ko.

"Scarlet! Ano ba?!" Iritado na siya ngayon.

Lagi na lang niya akong pinipigilan! Hindi naman ako iinom doon e! Gusto ko lang makasama yung mga kaibigan ko! Ano bang masama doon?!

Bahala siya! Bwisit!

"Scarlet kinakausap kita! Lagi kana lang bang ganyan? Yayain mona lang sila sa bahay." Galit na sabi niya. Siya pa talaga yung may ganang magalit ah?

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon