Nang natapos ang klase ay hindi pa man kami nakakaalis ni Lily ay biglang nagparinig si Anna."Talagang naghanap ka pa ng tagapagtanggol mo e no?" Habang nakataas ang kilay at nagulat ako kasi nakita kong naka make up sya.
"Hindi na nya kailangan ng taga pagtanggol kasi alam kona man nakaya nyang ipagtanggol ang sarili nya, scarlet ipagpapalit kana nga lang ng ex mo sa mukhang bakla pa! Ewww!" Sabi ni Lily ng may mapangasar na ngiti.
At nang tignan ko si Anna ay mukhang sasabog na sya sa inis. Sa isang taon naming pagkakaibigan ngayon ko lang sya nakitang naglagay ng ganyan sa mukha nya.
"How dare you?!!" Sigaw ni Anna. Habang ako ay pinipigilan ko si Lily na magsalita ng kung ano ano.
"Hoyy!wag mo kong na how dare you how dare you dyan!! Tsaka duh! Hindi moba talaga matanggap na mukha kang bakla?! O Sige kung ayaw mo ng bakla edi clown na lang! Makita ko pa lang yang itsura mo natatawa nako!" Sigaw na pabalik ni Lily kay Anna.
Si Anna naman ayun nag walk out.
"Alam mo? Hindi ko alam kung paano kayo naging magkaibigan ng babaeng yun e! Ang layo ng ugali nyo sa isa't isa! Tara na nga scarlet" Sabi ni Lily.
"Dapat kasi hindi mo na sya pinatulan e" Sabi ko.
"Ayoko kasi yung tabas ng dila nya" inis na Sabi nya. Kaya natawa ako.
"Samahan mo muna ako sa faculty kukuha ako ng handouts" sabi ko sabay hila sa kamay n'ya, hindi naman s'ya nagreklamo.
Pagkatapos namin kunin sa faculty yung dapat kong kunin ay pumunta na kami sa tapat ng gate para hintayin yung sundo ko.
"Ayun na pala ang sundo ko, gusto mo sumabay kana sakin?" Tanong ko sakanya.
"Naku wag na! Padating na rin naman siguro yung driver ko" Sabi nya.
Bumaba si mama at papa sa sasakyan, kumaway sakin si mama nung makita nya ako kaya kumaway din ako pabalik.
"Ha? Tara na Lily sumabay kana samin! Papakilala kita sa parents ko" nakangiting Sabi ko.
"Sige na nga, itetext ko lang si papa" Sabi nya saka nya kinuha yung cellphone nya.
Lumapit samin sila mama.
"Uh ma, pa si Lily po kaibigan ko" Sabi ko.
"Oh? Nice to meet you Lily" nakangiting Sabi ni mama Kay Lily.
"Hello po sir! Ma'am!" Masayang bati ni Lily.
"Naku!wag mo na kaming tawaging sir at ma'am! Tita at Tito na lang" sabi ni papa.
"Pa Tara na po sasabay po sa satin si Lily" Sabi ko at hinila ko si Lily papuntang kotse.
"Saan ka nakatira iha?" Tanong ni mama.
"Ah katabi lang po ng bahay nyo ang bahay namin tita" Sabi ni Lily.
"Ah ganun ba?" Si mama.
"Opo" si Lily.
"Malapit lang pala ang bahay mo bat dika na lang sa amin kumain ngayong gabi?" Tanong ni mama Kay Lily.
"Sige po!" Si Lily.
At nang makarating kami ay sinama ko si Lily sa kwarto ko.
"Lily" tawag ko habang tinitignan nya ang kabuuan ng kwarto ko.
"Bakit????" Tanong nya.
"Buntis ak--" pinutol nya ang sasabihin ko.
"Anooo?!!!! Sinong tatay?! Si Drake ba?!" Sunod sunod na tanong n'ya.
"Sabi ko buntis ako, oo si Drake pero hindi n'ya alam at wala akong balak na ipaalam sakanya" paliwanag ko sakanya.
"Ha? E pero may karapatan pa rin s'ya" sabi n'ya.
"Oo meron syang karapatan pero natatakot ako na baka kuhanin n'ya yung anak namin tapos baka ilayo n'ya sakin" sabi ko at hindi ko na napigilan ang umiyak.
Nataranta si Lily at pinunasan n'ya yung luha ko.
"Tahan na okay? Nandito lang ako sa tabi mo at kapag may problema ka sabihin mo agad sakin 'kay?" Sabi n'ya saka ako niyakap ng mahigpit kaya niyakap ko rin s'ya.
"Thank you Lily" sabi ko.
"Sus! Wala yun! Magkaibigan tayo kaya dapat magtulungan tayo!"sabi n'ya sakin.
++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?