Chapter 40

1K 21 0
                                    



Nagising ako ng wala si Drake sa tabi ko.

Ang sakit ng katawan ko. Paano ba naman, ginawa namin ni Drake yun. Alam niyo na yun!

Umupo ako at saktong nag vibrate yung cellphone ni Drake kaya tinignan ko kung sinong nagtext. Si........

Si Anna?

Anna:

Kita tayo mamaya.

Para saan? Ba't sila magkikita?

Nilapag ko yung cellphone ni Drake sa ibabaw ng table. Saktong bumukas yung pintuan ng kwarto namin.

"Goodmorning." Bati niya saka siya lumapit sakin at hinalikan ako sa labi.

"Morning" ngumiti ako sakanya kahit na may tanong parin sa isipan ko.

"Ah, nga pala may nagtext sayo."
Sabi ko sakanya at nagiwas ng tingin.

"Who?" Tanong niya.

"Ewan ko, nag vibrate kasi kanina yung cellphone mo, hindi kona tinignan kung sinong nagtext." Pagsisinungaling ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakakunot yung noo niya habang nagrereply kay Anna?

"Sinong nagtext?" Tanong ko kahit na alam kona kung sino. Gusto ko lang malaman kung sasabihin niya sakin yung totoo.

"Ah, secretary ko, nagkaroon lang ng problema sa Office ko. Aalis ako mamayang 1:30" sabi niya at tumingin sakin pero agad din nagiwas ng tingin.

"Ah ganun ba? Sama ako." Sabi ko sakanya.

"Wag na, maiinip ka lang dun" sabi niya kaya pumikit ako ng mariin. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling sakin?!

"Hindi naman siguro." Natatawang sabi ko. Buti na lang magaling akong umarte! Pero nakakainis! Pwede naman niyang sabihin sakin yung totoo e!

"Walang magaasikaso sa mga bisita" sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

"Okay." Nag iwas ako ng tingin.

------

Nandito na yung mga barkada namin. Sila Lily nasa sala, nilalaro nila si Ase. Umakyat muna ako sa kwarto namin nagbabakasakaling naiwan ni Drake yung cellphone niya. At hindi naman ako nabigo, sa pagmamadali niya siguro nakalimutan niya yung cellphone niya. Buti na lang walang password.

Anna:

Kita tayo mamaya.

Drake:

Wag kang basta basta nagtetext! Anong oras? At saan?

Anna:

1:30, ewan wala akong maisip na lugar e, ikaw? Saan moba gusto?

Drake:

"Sige, sa coffee Shop ni ate Nally na lang.

Anna:

Okay, see you.

Binaba ko yung cellphone ni Drake at napatulala na lang.

Bakit pa nila kailangan magkita? Para saan?!

Bumaba na lang ako, kesa magmukmok dito. Pumunta ako sa sala, naabutan ko yung mga kaibigan ko na kumakain.

"Oh? Anong meron? Ba't ang tamlay mo?" Nag aalalang tanong ni Janine. Sasabihin koba sakanila? Magtatanong na lang ako kay Raphael.

"Raphael, nung nasa ibang bansa ba ako madalas bang magkita si Anna at Drake?" Tanong ko. Nakakunot na yung noo ng dalawa kong kaibigan. Yung barkada namin nasa garden. Si ate Nally yung nagaasikaso.

"Uhm araw araw ata? Pumupunta dito si Anna." Nagkibit balikat pa siya.

"Ahh" yun na lang yung nasabi ko.

"Bakit?" Seryosong tanong niya.

Bumuntong hininga ako.

"Scarlet? May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Lily.

"N-nakita ko kasi na n-nagtext si Anna kay Drake, magkikita daw sila ngayon." Sabi ko.

"Saan sila magkikita? Puntahan niyo na ngayon kung gusto mo, kaming dalawa ng bahala kay Ase. Lily samahan niyo si ate scarlet." Sabi ni Jacob.

"Hindi mona kailangan sabihin, sasamahan naman talaga namin siya." Sabi niya sabay tayo at hila sa kamay ko.

Nang makasakay kami sa kotse ni Lily ay agad niyang pinaharurot yung sasakyan niya. Kasama namin ngayon si Chayrez.

"Saan Scarlet?" Tanong ni Lily.

"Sa Coffee Shop ni ate Nally."

"Ate Scarlet, wag ka munang mag isip ng kung ano ano, tanungin mo muna siya." Sabi sakin ni Chayrez.

"Thank you Cha" sabi ko at tumingin sakanya sa likod.

"Wala yun ate." Sabi niya, ngumiti siya sakin kaya nginitian ko siya pabalik.

Nakarating kami agad. Ang bilis kasing magmaneho ni Lily.

"Okay ganito, Scarlet diba sabi mo ayaw mong bumaba? So, kami na lang yung bababa, tatawagan kita sa cellphone para marinig mo yung usapan namin. Papasok kami sa coffee Shop ni ate Nally. Kunwari may bibilhin lang ako. Then tatanungin ko siya kung bakit niya kasama si Anna." Mahabang paliwanag niya at tumingin kung saan nakaupo sila Drake.

"Okay" sabi ko.

Bumaba na sila sa sasakyan. Tumunog yung cellphone ko dahil sa tawag ni Lily. Sinagot ko yung tawag niya.

[Ohmygod! Drake?! Ano yan ha?! Niloloko mo si Scarlet?! Lily? Anong ginagawa niyo dito?! W-wait! H-hindi ko niloloko si Scarlet! May pag uusapan lang kami!" Narinig ko yung boses ni Drake sa kabilang linya.

[Alam ba ni Scarlet na magkikita kayong dalawa? "H-hindi, hindi ko sinabi sakanya" Ano?! Ba't hindi mo sinabi sakanya?! Kung hindi mo sasabihin sakanya pwes! Ako ang magsasabi sakanya!] Rinig kong sabi ni Janine.

[Kuya Drake! Alam mo bang mahal na mahal ka ni ate Scarlet?! Tapos pagsisinungalingan mo lang siya?!] alam kong naiinis na si Chayrez dahil hindi nagpaalam sakin si Drake.

["Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sakanya" Kahit na! Dapat nagpaalam ka parin sakanya! Pano kung sa iba niya pa nalaman ito?! Ano sa tingin mo yung iisipin niya?!] sabi ni Janine.

Napatungo na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Hindi kona namalayan na tumulo na pala yung lintik na luha ko.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon