Chapter 18

1.2K 22 0
                                    


Papalabas pa lang kaming hospital ngayon.

Tinignan ko yung wristwatch ko at nakita kong 1:20 na, hindi pa pala ako nakakapagluch. Sigurado akong naghihintay na sakin si ate Nally.

Nagring yung cellphone ko kaya sinagot ko yung tawag.

"Hello?" Patanong na sagot ko sa tawag.

"Camille! Nasan kana?!" Tanong nya, si ate Nally pala.

"Ha? Nasa hospital ako, nagpacheck up ako, papunta nako ngayon dyan, Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Mygod! Akala ko may nangyaring masama sayo! Ate si ate Camille poba yan?" Rinig kong tanong ni Angel sa kabilang linya kaya napangiti ako.

"Sorry kung hindi ko nasabi agad sayo, may kasama kasi ako, okay lang ba kung isama ko sila?" Tanong ko kaya napatingin sakin yung dalawa. Pasakay na kami sa kotse.

"Of course!" Sabi ni ate Nally.

"Osige ate papunta na kami mamaya na lang" sabi ko.

"Sige Ingat kayo ah?" Sabi nya.

Pinatay kona yung tawag.

"Saan yung daan papunta kila Drake?" Tanong ni Lily, si Janine naman busy sa cellphone nya.

Tinuro ko sakanya yung daan.

Nang makarating na kami ay nagunahan sa pagpuri sila Janine at Lily sa bahay nila ate Nally, kaya natawa ako.

Nagdorbell ako ng dalawang beses, bumukas ang gate nila at bumungad sakin si Anna na nakangiti pero nung nakita nya ako ay nawala yung ngiti sa labi nya.

"What are you doing here?" May diin ang bawat salitang binibitawan nya.

"Inimbitahan kasi kami ni ate Nally at Angel dito, ikaw anong ginagawa mo dito? Inimbitahan ka lang siguro ni Drake?" Diniinan ko yung salitang lang.

"Pano kung sabihin kong oo? Ang kapal din naman ng mukha m--" naputol ang sasabihin nya nung may magsalita sa likuran nya.

"Kung meron mang makapal ang mukha sa inyong dalawa, ikaw yun, alam mo? Kung ako sayo wag mo ng ipilit yung sarili mo na matatanggap ka namin! Naiintindihan mo? Pinaglalaruan ka lang ni Drake kaya wag ka ng umasa! Sa lahat ng babaeng nakilala ng kapatid ko? Si Scarlet lang ang sineryoso nya, at alam ko na hanggang ngayon na mahal pa rin ng kapatid ko si Scarlet kaya wag ka ng umasa!" Galit na sabi ni ate Nally.

"A-ate Nally si D-drake na mismo y-yung nagsabi na s-seryoso sya sak--" pinutol ni ate Nally yung sasabihin ni Anna.

"Tanga kaba? Four years! Four years silang magkarelasyon! Sa tingin mo ganun lang kadaling makamove on?! Hindi biro ang four years na pagsasama nial! KAYA LAYUAN MONA SI DRAKE! Naiintindihan mo?" Gigil na Sabi ni ate Nally.

Nakayuko na lang si Anna at hindi nakapagsalita pagkatapos sabihin ni ate Nally ang lahat ng yon.

Humarap samin si ate Nally ng nakangiti.

"Hi! Sorry dun sa kanina ah? By the way I'm Nathally Nunez nga pala! You can call me ate Nally "Nakangiting pakilala ni ate Nally.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon