Chapter 14

1.2K 20 0
                                    



Naging malapit kami ni Jacob, alam na rin nya na buntis ako. Alam din nya na hindi alam ni Drake na buntis ako.

Isang linggo na simula nung nakilala ko si Jacob, mabait naman sya.

Nasa mall ako ngayon, ako lang magisa busy kasi sila mama.

Nagbayad nako sa cashier, may nagustuhan kasi akong dress kaya binili ko.

Lalabas na sana ako ng may biglang tumawag sakin.

"Camilleeeee!" Patiling tawag sakin ni ate Nally kaya napatingin samin yung ibang customer.

"Ate Nally!" Masayang sabi ko, alam na kaya nya na hiwalay na kami  ni Drake?

Lumapit sya sakin at niyakap nya ako kaya niyakap ko rin sya pabalik.

"Bakit hindi kana pumupunta sa bahay?! Diba kaibigan mo yung Anna? Alam mo ba na laging pumupunta samin yung babaeng yon?! Akala naman nya ang ganda nya!" Bumitaw na sya sa yakap namin at hinarap ako.

Naglakad na kami palabas.

"Hiwalay na pala kayo ni Drake? Alam moba na pagkatapos kong nabalitaan yung ginawa nya sayo inaway ko sya? Si Angel nagalit din kay Drake" mahabang sabi  sakin ni ate Nally habang nakapout kaya natawa ako.

"Ayos lang naman ako ate Nally" nakangiting sabi  ko.

"Kahit na! Hindi pa rin tama yung ginawa ni Drake! Si Angel nga lagi kang hinahanap e! Miss kana daw nya, kaya..... Iimbitahan kita sa bahay, pleaseeee??" Sabi ni ate tapos nag puppy eyes pa sya.

"Okay" Sabi ko kaya napatili naman sya.

"Ohmygodddd! Thank youuu!" Sabi ni ate at niyakap nya ulit ako, natawa na lang ako sa kabaliwan nya.

"So tara na? Ipagluluto na lang kita dun sa bahay" nakangiting sabi nya sabay hila sakin.

Nakasakay ako ngayon sa front seat at si ate Nally naman ay sa driver seat.

Hindi naman siguro masamang sabihin sakanya na buntis ako diba?

"Ate m-may sasabihin ako pero w-wag mong sasabihin kay D-drake ah?" Nauutal na sabi ko kaya sinulyapan nya ako ng isang beses habang nakakunot ang noo.

"Okay, ano yun?" Tanong nya.

"K-kasi a-ano b-buntis ak--" muntik nakong tumilapon kung hindi lang ako naka seatbelt. Napapreno kasi si ate Nally.

"Ohmygod!! Ohmygod!!!"napatakip ako sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw n'ya.

"Ate Nally!" Saway ko.

"Your pregnant and Drake is didn't know?! Ohmygod!" Gulat na tanong n'ya.

"Natatakot kasi ako na baka ilayo n'ya sakin yung anak ko kapag nakapanganak nako, saka niloko n'ya ako" sabi ko.

"Tama ka dyan! Sige hindi ko sasabihin kay Drake yan kahit na kapatid ko pa s'ya " sabi ni ate Nally.

Nagsimula na syang magmaneho.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon