Chapter 17

1.1K 21 0
                                    



Nagising ako sa tunog ng cellphone ko kaya inis ko itong pinatay.

At wala pang sampung segundo ay tumunog ulit ito kaya inis kong sinagot ang tawag, hindi kona tinignan kung sino ang tumawag.

"Hello?!" Inis na sabi ko.

"Sorry nagising ba kita?" Sabi ni Lily.

"Pano kung sabihin kong Oo?!" Sabi ko habang nakapikit ang dalawang mata ko.

"Sorry na, gusto ko lang naman kasing sumama sayo kapag nag pacheck up ka" Sabi nya at kahit na hindi ko sya nakikita ngayon alam kong naka pout sya.

"Okay" Sabi ko.

"Sige basta tawagan moko kapag aalis na tayo ah? Gamitin na lang natin yung kotse ko" Wala naman akong magagawa kaya pumayag na lang ako.

"Oo na, sige matutulog na ulit ako bye" paalam ko at pinatay ko na ang tawag.

Matutulog na sana ulit ako pero tumunog ulit ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko sa tumawag.

"Good morning Camille! Naistorbo ba kita? Gusto lang sana kitang yayain dito sa bahay, dito kana maglunch please?" Sabi ni ate Nally.

"Sige" tamad na sagot ko.

"Okay, thankyou! Bye" Sabi nya at pinatay ang tawag.

Nawala na yung antok ko kaya bumangon nako sa kama ko at pumunta sa banyo para gawin yung daily routine ko.

Nang matapos ako ay nagsuot ako ng white v-neck tshirt at leggings, pupunta lang akong hospital kaya nag sandals na lang ako.

Mamaya pa naman kami aalis pero mas pinili kong maagang mag ayos.

Kumakain ako ngayon habang kausap ko si manang.

Konti lang ang nakain ko ngayon dahil wala akong gana, Ewan ko ba kung bakit.

Pumunta na lang akong sala at nanood.

Nasa iisang bahay lang naman kami nila kuya at mama pero bakit parang madalas lang kaming magkita? Ni hindi kona nga sila makasabay kumain e.

Siguro busy sila mama.

"Goodmorning" bati ni kuya Gio kaya halos mapatalon ako sa kinauupuan ko, kumunot naman ang noo nya.

"Wag ka ngang manggulat!" Inis na sabi ko sakanya.

"Di naman kita ginugulat ah?" Sabi nya kaya inirapan ko na lang sya.

"Goodmorning!" Sigaw ni kuya Nikko.

"Wag ka ngang sumigaw! Kung makasigaw ka daig mo pa kaming mga babae!" Sermon ko sakanya, Ewan ko ba kung bakit ang init init ng ulo ko ngayon.

"W-what? Sinasabi mo bang bakla ako?!" Inis na sabi ni kuya Nik na kanina lang ay parang wala ng bukas kung makangiti. Natawa naman si kuya Gio sakanya.

"Wala akong sinasabing bakla ka! Ikaw ang nagsasabi nyan, ang akin lang kasi hinaan mo yung boses mo!" Sabi ko sakanya kaya sumimangot naman sya.

"Sila mama?" Tanong ko.

"Natutulog pa, late na kasi silang umuwi kagabi" Sabi ni kuya Nikko na mukhang badtrip pa rin sakin.

"Saan ba sila galing?" Nagtatakang tanong ko.

"May dinaluhan kasi silang party kagabi umuwi na ata sila nung 12:00 ata? Ewan" Sabi ni kuya Nikko.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon