Chapter 49

1K 19 0
                                    


Sira ulo talaga yung Drake na yun! Paano ba naman! Ginawa namin 'yun' alam niyo na kung ano yung ibig kong sabihin! Hehe.

Sabi niya daw baka sakaling magkaroon kaming kambal.

Well, may lahi kasi kaming kambal, sa side ng papa ko. Si Francine at Maxine.

Nagising ako dahil sa sobrang pagod.

Katabi ko parin si Drake, tumayo ako para pumuntang banyo.

Nang matapos ako sa dapat kong gawin ay ginising kona si Drake.

"Drake, gising na!" Sabi ko.

"Hmmm" Hindi parin siya bumabangon.

"Anong hmmm?! Sira ulo kaba? Gutom nako Drake!" Inis na sabi ko sakanya.

Bigla siyang napabangon ng narinig niya yung sinabi ko.

"Goodmorning." Nakangiti niyang sabi pero nakasimangot lang ako.

"Magbreakfast na tayo, may trabaho pa ako." Sabi ko sakanya kaya sumeryoso naman siya.

"Diba sabi ko sayo magresign kana? Buntis ka Scarlet makakasama sayo kapag naistress ka, ako na lang ang magtatrabaho magpahinga kana lang dito sa bahay." Mahabang sabi niya.

"Ano naman gagawin ko dito?! Magpapahinga lang?! Ayoko! Tsaka hindi naman ako nagpapastress e." Sabi ko sakanya huminga naman siya ng malalim na para bang hindi niya alam kung paano niya ako mapapasunod sa sinabi niya.

"Alagaan mona lang si Ase, kung naiinip ka tawagan mona lang yung mga kaibigan mo."

"Sa tingin mo makakapunta sila dito kung nagtatrabaho sila?!" Sarkastikong sabi ko.

Pumikit siya ng mariin.

"Scarlet wag ka ng makulit, gawin mona lang kung ano yung sinabi ko. Ayoko lang na napapagod ka." Pinaupo niya ako sa kama, sa tabi niya.

"Wala naman nga kasi akong gagawin dito! Atsaka hindi naman ako nagpapakapagod sa trabaho e! Nakaupo lang kaya ako! Maglileave din ako para makapagpahinga kaya payagan mona ako pleaseee??" Mahabang sabi ko kay Drake.

"Okay, payag nako pero kapag may hindi ako nagustuhan na ginawa mo magreresign ka." Sabi niya saka ako hinalikan sa labi ng mabilis.

"Oo na po, tara na gutom nako." Sabi ko kaya pumunta muna siya sa banyo para maligo, hinintay ko siya hanggang sa matapos siya. Tinignan muna namin si Ase sa kwarto niya, wala siya doon siguro nasa baba na.

Pumunta kami sa kusina, wala doon sila Mom and dad. Umalis sila may trabaho kasi sila, kasama nila sila mama.

Lumapit ako sa anak ko at hinalikan ko siya. Ganun din ang ginawa ni Drake.

Umupo ako, umupo din si Drake sa tabi ko. Kami lang nila ate Nally at Angel ang nandito.

"Ate Camille, girl po ba yung baby na nasa tiyan mo?" Nakangiting sabi ni Angel.

"Angel, hindi pa namin alam ni ate Camille mo kung girl ba or Boy yung baby namin." Tumingin sakin si Drake ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya.

"Sana po girl, pero okay lang po kung boy para kapag may nang-aaway sakin may magtatanggol na po sakin."

"Bakit? May nang-aaway ba sayo? Sabihin mo kay kuya kung sino." Sumeryoso si Drake.

"Angel may umaaway sayo?" Tanong ni ate Nally.

"Wala po." Nakakunot na ngayon yung noo ni Angel na para bang nagtataka kung bakit gano'n yung tanong nang dalawang kapatid niya.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon