Papalabas nako ng hospital ngayon. Nagpacheck up ako dahil sobrang sama ng pakiramdam ko kaninang umaga. At nalaman kong buntis ako. 3 weeks.Pano ko kaya sasabihin kay Drake to? Matutuwa kaya siya? Ano kayang reaction niya? Nang makarating ako sa bahay ay bumaba agad ako at dumiretsyo sa loob.
"Saan ka galing?" Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"U-uh w-wala naman, kumain k-kana ba?" Ngumiti ako sakanya para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.
"Saan ka galing?" Hindi niya pinansin yung tanong ko.
"Lumibot lang ako, nag lunch kana?"tanong ko sakanya.
"Hindi pa, sabay na tayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
-----
Tapos na kaming kumain ngayon. Tinignan ko yung wall clock at nakita kong 1:30 na ng hapon.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto ngayon. Paano ko sasabihin sakanya?
'Drake buntis ako'
'Love I'm pregnant'
'Love? I have to tell you something'
'I'm pregnant'
Ughhhh! Bwisit!
"Love? Are you okay?" Nag aalalang tanong niya.
"M-may sasabihin sana a-ako sayo" kinakabahan na sabi ko.
"What? What is it?" Umupo siya sa tabi ko. Nakahiga ako sa kama samantalang siya ay nakaupo.
Humiga rin siya at niyakap ako.
"L-love--" pinutol niya yung sasabihin ko.
"Iiwan mona ba ako?" Tanong niya kaya napakunot yung noo ko.
"Hin--"
"May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Ano? Sabihin mo sakin! Love! An--" pinutol ko yung sasabihin niya.
"Buntis ako!" Sabi ko sakanya kaya napaupo siya.
"W-what? Magiging daddy na ulit ako?! Hindi ka naman nagbibiro right?!" Naluluhang sabi niya at hinila ako patayo at niyakap ako.
Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Nagpacheck up kaba? Kailan? Kahapon ba? O nung isang araw? A--" pinutol ko yung sasabihin niya.
"Oo nagpacheck up nako! Kanina! Kaya pwede ba?! Wag ka ng maingay!" Inis na sabi ko sakanya at humiga ulit.
Humiga din siya at niyakap ako.
"I love you." Sabi niya kaya nilingon ko siya. Hinalikan naman niya ako sa labi.
Magsasalita sana ako pero may kumatok sa pintuan kaya napabangon kami.
"Diyan kana lang ako na magbubukas ng pintuan." Sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan.
"Oh Drake may bisita ka." Sabi ni manang.
"Who?" Nakakunot noo na tanong niya.
"Babae siya." Nagkibit balikat pa si manang.
"Tinanong niyo po ba kung anong pangalan?" Sabat ko.
"Ah oo iha, Rhian daw ang pangalan e." Sabi ni manang kaya tinignan ko si Drake at nakita ko yung gulat sa mukha niya at nagmamadaling lumabas ng pintuan.

BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomansaSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?