Chapter 38

1K 24 0
                                    


Tapos na kaming maligo ni Drake.  Well hindi lang naman ligo yung ginawa namin.

Nahawa nako sa kamanyakan ng asawa ko gosh!

Naka simpleng dress lang ako ngayon, pupunta lang kasi kaming mall ngayon.

Nasa sala kami ngayon hinihintay namin na dumating sila Raphael.

Nang may narinig akong nagdorbell ay tumayo nako habang buhat ko si Ase. Si Drake naman ay tumayo na rin.

"Tara na" yaya ni Drake ng makapasok sila.

"Ba't pa kami pumasok kung aalis din naman agad tayo?" Ismid ni Jacob kasama niya yung girlfriend niya na si Chayrez.

"Kung nagrereklamo ka edi wag ka ng sumama" masungit na sabi ni Drake kaya natawa kami, si Jacob naman ay nagkamot siya ng ulo.

"Ah hehe, sabi ko nga tara na, bagal niyo kasi e" sabi niya, si Drake ay napailing na lang sa kalokohan ni Jacob.

Si Dexter ay kasama niya si Lily sa kotse niya si Raphael naman ay si Janine ganun din sila Jacob.

Si Ase ay nakakandong sakin si Drake yung nagdadrive.

Nasan na kaya si Anna ngayon? Wala nakong balita ngayon kay Anna. Ano na kayang nangyari sakanya?

"Love? Are you okay?" Tanong ni Drake kaya nilingon ko siya.

"Yes" sagot ko sakanya.

"Love nagkikita paba kayo ni Anna?" Tanong ko.

"No, why?" Pabalik na tanong niya.

"Wala na kasi akong balita sakanya"

"I Don't know"

"Pansin ko lang kanina kapa nag eenglish diyan" sabi ko.

"Ganyan talaga kapag gwapo" nagkibit balikat pa siya. Inirapan kona lang siya. Tss. Yabang!

At nang nakarating kami ay bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Drake.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan ako. Nginitian ko siya, ngumiti naman siya ng pabalik.

Kinuha niya sakin si Ase at hinawakan yung kamay ko.

Lumabas na din ng sasakyan sila Lily.

"Saan tayo?" Tanong ni Chayrez.

"Kain muna tayo gutom nako" sabi ni Jacob sabay hawak sa tiyan niya.

"Kailan kaba hindi nagutom?" Umirap si Chayrez.

"Lagi ka naman gutom e" pang aasar ni Drake kaya natawa kami. Umismid lang si Jacob at hinila si Chayrez papasok sa mall.

Pumasok na lang din kami.

"Gutom kana ba?" Hinarap ako ni Drake pero hindi parin kami tumitigil sa paglalakad.

"Ikaw? Gutom kana ba?" Balik na tanong ko.

Pero sa halip na sagutin niya yung tanong ko ay tinawag niya sila Dexter at sinabing kakain muna kami bago kami maglibot.

"Sa mcdo na lang" sabi ni Lily kaya tumango ako.

Kaming apat na babae yung nag order ng pagkain namin samantalang sila Drake ay nag hanap ng uupuan namin.

Magbabayad na sana sila pero pinigilan ko sila.

"Ako na, kami naman yung nagyaya." Nakangiting sabi ko.

"Huh? Pero ate Scarlet--" pinutol ko yung sasabihin ni Chayrez.

"Sige na please? Ako na okay?" Sabi ko kaya hindi na sila nakaangal pa.

Nilapag na namin yung inorder namin. Umupo ako sa tabi ni Drake. Si Ase naman ay nakakandong kay Drake, sinabi ko naman sakanya na sa high chair na pambata na lang siya umupo pero wag na daw.

Sinubuan ko ng fries si Ase, ngumiti siya sakin kaya nginitian ko din yung anak ko.

"Ah, nga pala punta kayo bukas ah?" Sabi ko sakanila.

"Nine months na si Ase bukas diba? Ang laki na niya!" Nakangiting sabi ni Janine.

"Oo, punta kayo ah?"

"Sige ba!" Sabay sabay na sabi nila.

Nang matapos kaming kumain ay nagkayayaan kaming mga babae na bumili sa boutique. Bumili lang ako ng simpleng white dress.

At nang matapos kami sa pamimili ng damit ay napagdesisyonan na namin na mag inuman sa mansyon nila Drake. Bumili kami ng kakailanganin namin dito sa mall. Dinagdagan na namin, may dadalhin daw kasing bisita si ate Nally. Bumili na rin kami ni Drake ng baby foods para kay Ase, binili din siya ni Drake ng laruan, saka snacks para  may kinakain kami sa bahay kapag gabi. Binili kona din ng dress si Angel.

Napahinto ako nung nakita ko si Anna na may kasamang dalawang babae pero nasa akin yung atensyon niya. Tinignan ko si Drake pero mukhang hindi niya napapansin si Anna. Tinignan ko ulit kung nasaan si Anna, nandun pa rin siya. Iniwas kona lang yung tingin ko.

Nang matapos kami sa pamimili ay sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse.

Kandong ko ulit si Ase. Tahimik lang kaming dalawa ni Drake. Kinuha ko yung dede ni Ase na tinimpla ko saka ko siya pinadede.

"Love? Ang tahimik mo." Sabi ni Drake ng mapansin niya na tahimik ako.

Nginitian ko lang siya.

"May problema ba?" Nag aalalang tanong niya.

"I saw Anna." Sabi ko kaya kumunot naman yung noo niya.

"Where?" He asked.

"Sa mall, nung namimili tayo." I said.

Tumango lang siya kaya tumahimik na lang ako. Nakatingin lang ako sa bintana ng bigla niyang hawakan yung kamay ko na nakahawak kay Ase.

"Don't worry, walang mangyayaring masama sa inyong dalawa ng anak natin hangga't nandito ako." Sabi niya kaya napatingin ako sakanya.

"I Love you" sabi ko sakanya habang nakangiti.

"I Love you more" sabi niya at sinulyapan ako ng isang beses habang nakangiti rin sakin kaya medyo nawala yung kaba ko.

Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko e, natatakot ako para kay Ase.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon