Chapter 1

2.5K 43 0
                                    





Natigil ako sa pagmumuni muni nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"SCARLET DIKA PABA BABABA DIYAN?!"sigaw ni mama.

Hayy lagi namang ganyan e. Pakiramdam ko tuloy nagsisisi sila na pinanganak ako, pero syempre joke lang yung sinabi ko kanina love na love kaya ako ni mama talagang malakas Lang yung boses niya, ang dami ngang nagmamahal sakin e hehe,si Anna na Bestfriend ko sila kuya Gio at kuya Nikko at syempre si Drake na boyfriend ko,four years na kami ni Drake.

"Eto napo bababa na"sabi ko,sabay tayo at punta sa CR ng kwarto ko para maligo.

Oo nga pala ako si Scarlet Camille Fuentes at ang panganay namin ay si Nikko Fuentes at yung pangalawa kong kapatid ay si Giovanni Fuentes si mama naman ang buong pangalan n'ya ay Nicallyn Fuentes at si papa naman ay Lorenzo Fuentes.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis narin ako ng uniform ko pagkatapos ay lumabas nako at pumunta sa kusina para kumain

"Kain kana anak! Baka dumating na yung sundo mo"Sabi ni mama habang humahagikhik.

"Mama naman! "sabi ko.

Inirapan lang ako ni mama. Kaya natawa ako.

Kumain na lang ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam nako kay mama at papa para pumasok sa eskwelahan, lumabas nako ng bahay kasabay ng pagbusina ng pamilyar na sasakyan.

Beep Beep

Nandyan na pala yung sundo ko mamaya na Lang ako magkwekwento hehe.

Bumaba si Drake sa kotse niya para salubungin ako.

"Goodmorning love"sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Goodmorning din love!"sabi ko.

Ngumiti siya sakin at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Pagkapasok ko ay sinarado na niya ang pintuan tsaka siya umikot para makasakay na sa driver seat.

"Nag break fast kana love?" tanong niya saakin.

"Oo love kumain nako,ikaw?" tanong ko sakanya.

"Good,yeah kumain nako " sabi niya.

"Love?" Patanong na sabi niya.

"Hmm?" Sabi ko tsaka ko siya hinarap.

Sinulyapan niya ako.

"Are you okay?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Yeah, why?" Sagot ko.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

"Oo naman!bat ako hindi magiging okay?" Sabi ko. Ngumiti narin ako para mapanatag ang loob niya, pero hindi parin ata siya nakampante.

"Hahayaan muna kita sa ngayon pero wag mong aasahan na hindi ulit kita tatanungin" sabi niya. Napatungo na lang ako.

"Ayos lang talaga ako love" Sabi ko tsaka ako ngumiti.

"Tss" Sabi niya saka siya ngumiti.

Inirapan kona lang siya.

Tinignan ko ulit s'ya at naabutan ko ulit syang nakangiti.

Sira ulo ba to?

"Bat ka ngumingiting magisa diyan?" Tanong ko sakanya, bahagya siyang natigilan pero sinagot niya parin yung tanong ko.

"Masama na bang ngumiti ngayon?tsaka dapat ba kapag ngumingiti kailangan may kasama?" Sabi niya habang natatawa.

"Oh?joke ba yan?oh my god!si Drake Nunez magjojoke na nga lang ang corny pa!" Sabi ko saka ko siya inirapan.

"I'm serious" Sabi niya habang nakatingin parin sa daan.

"Seryoso pero nakangiti?" Sabi ko saka ko siya inirapan.

Sinulyapan ko siya at mukhang badtrip na sya kaya tumahimik na lang ako.

Wala naman akong ginawang masama pero badtrip na s'ya.








++Don't forget to vote, comment and share! Thank you!❤️ ++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon