A year and two months ago.Nakapanganak nako, at magdadalawang buwan na sya nextweek.
He's name is Glenn Fraser Fuentes pinanganak sya nung March 6 2009.
Pumunta yung mga kamag-anak ko dito last month nung pagkapanganak ko kay baby Ase.
Nandito kami ngayon sa bahay.
Uuwi kami sa pilipinas, pero hindi pa ngayon, bawal pa kasi syang bumyahe.
Malalaki yung mga braso at hita nya. In short malusog sya. Hindi naman sya sobrang mataba, sakto lang.
Hindi maipagkakaila na mag ama nga sila ni Drake, magka mukha sila. Para nga syang second version ni Drake e.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko na mahimbing na natutulog.
Kung nandito kaya si Drake ano ng mangyayari?
Kamusta na kaya sya? May asawa't anak na kaya sya?
Papunta na sila Lily, Janine, Dexter, Jacob at si John Raphael , boyfriend ni Janine si Rafael, bukas ang dating nila, papabinyag kona kasi sya.
Nakita Ko lang sya nung nag skype kami.
Si Lily at Dexter naman ay going strong pa rin.
Si mama at papa naman ay nandito para antabayanan ako, pati sila kuya.
"Anak kumain kana! Ako na magbabantay kay baby Ase" Sabi ni mama na kanina lang ay nakatayo sa pintuan pero nandito na sya sa tabi ko ngayon.
"Sige po, saglit lang po ako" Sabi ko, tumango at ngumiti naman si mama kaya bumaba nako para makakain.
"Nandyan kana pala, kumain kana" Sabi ni kuya Nikko.
"Kumain na kayo?" Tanong ko.
"Oo kaya kumain kana rin" Sabi ni kuya Gio-- este Gino daw!
Mas gwapo daw kasing pakinggan pag ganun.
"Oo na" Sabi ko at pumunta nako ng tuluyan sa kusina para makakain.
Natuto na din akong magluto, marunong naman akong magluto noon pero konti lang ang alam ko, pero ngayon marami na.
Kahit nasa Paris kami Filipino food yung niluluto ni mama. Minsan naman ako yung nagluluto. Wala kaming katulong dito. Si yaya Linda bumisita dito pero agad din umuwi dahil walang magbabantay sa bahay ganun din sa manang. Pati si Mang Mario.
Nang matapos akong kumain ay hinugasan kona yung pinagkainan ko.
Bumalik nako sa taas at naabutan ko si mama na buhat buhat si baby Ase.
"Nakakain kaba ng maayos anak?" Tanong sakin ni mama habang nakangiti.
"Opo" Sabi ko at naglagay muna ako ng alcohol sa kamay.
Binigay naman ni mama sakin si Ase.
"Gusto mo ako muna mag alaga sa apo ko? Para makapagpahinga ka" Nakangiting sabi ni mama.
"Kaya ko pa naman po ma, ikaw po dapat ang magpahinga" nakangiting sabi ko.
"Sige basta tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka" sabi ni mama bago n'ya sinarado ang pintuan ng kwarto ko.
Binili ako ni mama at papa ng condo sa Pilipinas regalo nila yun nung grumaduate ako.
Pinakita na nila sakin yon bago ako umalis.
Hindi naman s'ya malaki, sakto lang.
Nagpalit nako ng sim kasi nung tumawag sakin si Drake akala ko titigilan na n'ya ako pero hindi pa pala.

BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?