Chapter 35

1.2K 23 0
                                    


Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko pati yung buong katawan ko.

Nang imunulat ko yung dalawang mata ko ay hindi pamilyar sakin itong kwarto kaya napabangon ako. Napatingin ako sa katabi kong mahimbing ang tulog. Damn! Kahit na lasing ako alam ko kung ano yung ginawa namin! Hubad pa rin ako. Tumayo ako kahit na masakit yung buong katawan ko.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas nako.

Kasalukuyan akong nagdadrive ngayon papunta sa condo ko. Pumikit ako ng mariin.

Ang gaga mo Scarlet! Ano nanaman ba ito ha?!

Nang makarating ako ay bumaba agad ako sa kotse ko nakayuko lang ako habang pumapasok sa condo ko. Wala naman akong trabaho ngayon.

Nang makarating ako sa condo ko ay dali dali akong naligo at nagbihis.

Dinial ko yung number ni mama, sinagot niya agad yung tawag.

"Ma? Pupunta po ako diyan"

[Bat ngayon ka lang tumawag?] tanong ni mama.

"Uhm nakalimutan ko po, umalis po kasi kami kila Lily, remember?"pag dadahilan ko.

[Okay, ingat ka sa pagdadrive] pinatay kona yung tawag at halos tumakbo ako patungo sa elevator.

Sumakay agad ako sa kotse ko at pinaandar ng mabilis.

Bang makarating ako sa mansyon ay pinark ko ng mayos yung sasakyan ko bago lumabas.

"Scarlet!" Sabi ni Mang Mario nginitian ko lang siya.

Pumasok ako sa bahay at naabutan ko sila mama at papa na nilalaro si Ase.

"Ma,pa" hinalikan ko sila sa pisngi bago kinuha si Ase. Umupo ako sa tabi ni mama.

"Anak? Kumain kana ba?" Tanong ni papa.

"Oo nga, mukhang pagod ka ah?" Sabi ni mama kaya napatingin ako sakanya at napalunok.

"A-ah a-ano po, late na po kasi kami umuwi" pagdadahilan ko. Damn! Ayokong magsinungaling pero kailangan.

"Ganun ba? Gusto mong magpahinga muna? Ako ng bahala kay Ase"

"Mamaya na lang po ako magpapahinga" Sabi ko.

"Punta muna po ako sa kitchen" tumayo ako at naglakad papunta sa kusina.

Nakaupo ako sa high chair kandong ko si Ase, pinapakain ko siya ng baby food. At nang mabusog siya ay nila pag ko muna siya sa stroller niya at ako ang kumain.

Hinding hindi na talaga ako pupunta sa bar na yon! Ugh! Ano ba kasing naisip ko at hinayaan kong gawin namin yun?! Ang tanga ko! Shit! Napaka tanga ko!

"Oy! Scarlet!"

"Ay tanga!" Napatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang may nagsalita.

"Ano ba?! Wag ka ngang manggulat! Kita mo ng kumakain ako dito e!" Inis na sabi ko kay kuya Nikko.

"Sorry, napansin ko lang kasi na tulala ka diyan. Saka pinaglalaruan mo lang yung kinakain mo" hindi kona lang siya pinansin.

"Scarlet sorry na" wag mo siyang pansinin Scarlet!

"Pansinin mo naman ako oh!" Wag na wag mo siyang papansinin!

"Uy! Sorry na please!" Wag mo siyang titignan!

"Sorr--" pinutol ko yung sasabihin niya dahil naririndi na talaga ako sakanya.

"Oo na! Oo na! Wag ka ng maingay!" Iritadong sabi ko sakanya.

"Thankyou!" Niyakap niya ako pero umiwas ako sakanya.

"Oo na! Kakain nako!" Pinagpatuloy kona lang yung kinakain ko at nang matapos ako ay hinugasan ko yung pinagkainan namin.

Binuhat ko si Ase pagkatapos kong maghugas.

"Ase" malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa buong mukha.

"Mmm" tumawa naman siya.

Lalabas na sana akong kitchen pero dumating si kuya Nikko na parang hindi mapakali kaya kumunot yung noo ko.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong ko.

"Scarlet wag ka munang lumabas!" Napalunok siya na para bang kinakabahan.

"Ha? Bakit naman?" Ano bang nangyayari sakanya?

"N-nandito si Drake! Hindi naman niya sinabi na pupunta siya dito kaya nagulat ako nung nakita ko siya sa sala" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

Tinignan ko si Ase na nakatingin lang kay kuya Nikko.

Magsasalita pa sana siya pero may nakauna na sakanya.

"Scarlet" para akong napako sa kinatatayuan ko.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon