Pagkagising ko ay bumungad sakin ay ang pagduduwal ko. Wala na sa tabi ko si Drake.Nang matapos akong magsuka ay nagtooth brush ako.
Lumabas nakong banyo nang matapos ako sa mga dapat kong gawin. Naligo na rin ako.
Lumabas nakong kwarto namin ni Drake at pumunta ako sa kwarto ni Ase.
Pero wala na siya doon kaya bumaba nako.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Rhian na buhat si Ase magkasama sila ni Drake sa sala. Gosh! Ano nanaman ba ito?!! Nakakainis!!!!!!
Dumiretsyo na lang ako sa kusina para mag breakfast. Hindi kona sila niyaya obvious naman kasing tapos na silang mag breakfast!
Sumunod sakin si Drake.
"Goodmorning love, hindi na kita ginising, mahimbing kasi tulog mo kanina e haha" tumawa siya pero seryoso lang ako habang nakaupo at kumakain.
"Umalis ka dito." Seryosong sabi ko.
"Scarlet may problema ba?" Nakakunot yung noo ni Drake. Inirapan kona lang siya.
"Scarlet sabihin mo sakin kung ano yu--" hindi kona siya pinatapos pa.
"Umalis ka sa harapan ko! Ayaw kitang makita! Bwisit ka! Umalis ka dito!!" Sigaw ko sakanya. Nakakainis!!! Talagang hinayaan niya yung Rhian na yun na buhatin niya yung anak namin e no?!
"Scarlet naman! Wag ka naman ganyan! Hanggang isang linggo lang naman siya dito." Sabi niya sakin. Uminom ako ng tubig bago tumayo.
"Isang linggo? Drake naman! Lagi ka na lang ganyan! Tapos hinayaan mo pa yang Rhian na yan na buhatin si Ase?!" Galit na sabi ko sakanya bago ko siya tinalikuran.
Nakita ko si Rhian na hawak si Ase habang umiiyak at mukhang pinapagalitan siya ni Rhian.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Sabi ko sakanya at mukhang nagulat naman siya.
"U-umiiyak kasi siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Samantalang yung ina niya e walang pakielam sa anak niya" sabi niya kaya hindi kona napigilan na sampalin siya at sakto naman na padating si Drake kaya naabutan niya yung pagsampal ko kay Rhian.
"Scarlet!! Ano ba?!! Sumosobra kana!!" Galit na sabi ni Drake.
"Siya ang sumosobra na!! Pinapagalitan niya si Ase!! At ikaw naman Rhian? Sino kaba sa akala mo?! Wala kang karapatan na pagalitan yung anak ko!! Atsaka anong sabi mo? Wala akong pakielam sa anak ko? Sira ulo kaba? E ikaw nga kung umasta ka akala mo kung sino ka e!" Galit na sabi ko sakanila.
"Scarlet!! Ano ba?!! Tumigil kana nga!!" Sigaw ni Drake sakin.
"Alam mo Drake? Sawang sawa nako!! Hindi na kita maintindihan! Mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo! Lagi kana lang ganyan sakin! Hindi mona naiisip kung anong mararamdaman ko sa ginagawa mo! Hindi mo naiisip na nasasaktan ako sa lahat ng ginagawa mo!" Hindi kona napigilan na mapaluha. Kinuha ko si Ase kay Rhian at umakyat sa kwarto namin ni Drake para kuhanin lahat ng gamit ko doon.
Nilapag ko muna si Ase sa kama namin. Hindi kopa nalalagay yung mga gamit namin ni Ase na kinuha ko kahapon kaya hindi ako nahirapan. Nang matapos ako ay lumabas na kami ng kwarto at bumaba ng hagdan.
"Scarlet!! Saan ka pupunta?! Walang aalis!" Sigaw ni Drake. Bumaba sila Mom at dad sa hagdan ng marinig nila na nagsisigawan kami.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni dad.
"Scarlet iha, ano yan? Aalis ka? Nasabi sakin ni Drake na buntis ka, makakasama sayo yan" nag aalalang sabi ni Mom. Si ate Nally naman ay lumapit sakin.
"Scarlet anong nangyari? Inaway kaba ni Drake?" Tanong ni ate Nally.
"Scarlet! Mali naman kasi yung ginawa mo!" Iritadong sabi sakin ni Drake. Tang*ina lang!!!
"Ako?! Mali?! Oo na!! Ako na mali!! Lagi naman e diba?! Ikaw naman kasi yung laging tama!! Ayaw kitang makita!! Nakakainis kana!! Mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo!! Kesa sa ganito tayo lagi!! Lagi mo na lang akong inaaway! Hindi na kita kayang pakisamahan pa!" Umiiyak na sabi ko sakanya kitang kita ko naman sakanya na parang natakot sa sinabi ko at namutla rin siya.
"Scarlet! Hindi naman---"
"Ano?! Ha?! Ano?! Nasasaktan nako Drake!! Nahihirapan nako! NANG DAHIL SAYO!! At ayokong maapektuhan yung pagbubuntis ko! Ayaw na kitang makita pa!!" Hindi kona napigilan na mapahikbi.
Kinuha sakin ni ate Nally si Ase.
"Scarlet makakasama yan sa baby niyo, tahan na" pagpapatahan sakin ni ate Nally.
"Kung gusto mo ako na maghahatid sa inyong dalawa ni Ase, saan ba kayo pupunta?" Tanong ni ate Nally kaya tumalikod nako kila Drake.
Nakakaisang hakbang pa lang ako ng bigla akong nakaramdam ng hilo. Humakbang ulit ako pero biglang nagdilim yung paningin ko.
Don't forget to vote and comment! Thankyouuu ^_^
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomansaSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?