Friday na ngayon. Ang bilis ng oras.Kakatapos ko lang maligo, kasalukuyan akong naghahanap ng damit ngayon Friday ngayon kaya pwede namang mag civilian.
Nagsuot ako ng white v-shaped spaghetti top at black jeans, sinuot ko na din yung sapatos kong sneakers na bigay sakin ni kuya.
Bumaba nako para mag almusal at naabutan ko doon sila kuya kasama sila mama.
"Himala ang aga nyong nagising ah?" Biro ko kila kuya.
Inirapan lang ako ni kuya Gio.
"Well masanay kana" Sabi ni kuya Nik.
"Nga pala kuya, diba sabi mo pupunta ku ulit sa Paris? Pwedeng pagka graduate ko dun kana umalis? Gusto ko sanang sumama" Sabi ko kaya natigilan silang lahat.
"W-what? I thought you stay here?" Gulat na tanong sakin ni kuya Nik.
"No, I've decided that i bear in Paris" Sabi ko habang kumakain.
"Alis na po ako baka malate pa po ako" paalam ko.
"Ako na maghahatid sayo" Sabi ni kuya Gio at tumayo na kaya tumayo na rin ako. Lumabas na sya ng bahay kaya sumunod ako sakanya.
Tahimik lang kami, nasa front seat ako ngayon at si kuya Gio naman yung nagdadrive.
At nang makarating kami ay nagulat ako nung lumabas sya at pinagbuksan nya ako ng pintuan inalalayan nya pa ako para makalabas kahit hindi naman kailangan pero hindi kona pinansin yon.
"I'll take you to your room" Sabi ni kuya Gio.
"Okay" Sabi ko.
Tahimik lang kami habang naglalakad. At nang nakarating kami sa room ko ay don pa lang ako nagsalita.
"Ingat sa pagdadrive kuya" Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi bago pumasok.
Pagkaupo ko ay doon pa lang sya umalis.
"Si Gio yun diba?" Tanong sakin Drake. Nung kami pa hindi man lang nya tinatawag na kuya, si kuya Gio at kuya Nikko.
Walang galang tsk!
Mahal mo naman!
Noon yun hindi na ngayon!
"Alam mo naman pala, bakit kapa nagtatanong?!" Inis na sabi ko sakanya.
"Ba't ba ang sungit mo?" Tanong n'ya kaya napatingin ako sakanya at nakita kong nakakunot yung noo n'ya inirapan kona lang s'ya.
Pumasok na yung Professor namin.
"Good morning Class!" Bati n'ya samin.
Tumayo naman kami.
"Good morning sir!" Bati din namin.
"Do you ready to take the exam?" Tanong samin ni sir.
"Yes sir!" Sabi namin.
Pinamigay na ni sir yung mga test paper.
Buti na lang nagreview ako kaya natapos ako agad.
Tumayo nako at ipinasa ang papel ko kay sir.
"Tapos kana?" Tanong ni sir kaya tumango ako.
"Okay pwede ka ng lumabas" sabi sakin ni sir.
Bago ako lumabas sinulyapan ko muna si Drake na nakatingin sakin sinulyapan ko din si Anna at nakita kong nakatingin s'ya ng masama sakin kaya inirapan ko s'ya bago ako lumabas.
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomansaSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?