Chapter 42

978 23 0
                                    


DRAKE POINT OF VIEW

Hindi talaga ako nagsisi na pinakasalan ko si Scarlet. Napakabait niya, kahit na may nagawa akong kasalanan sakanya pinatawad niya parin ako. Nag usap kami ni Anna kanina ang sabi niya sakin ay gusto niya daw akong bumalik sakanya.

Flashback:

Pagkababa ko sa kotse ko ay pumasok nako sa coffee Shop ni ate Nally, makikipagkita ako ngayon kay Anna, hindi alam ni Scarlet hindi ko sinabi sakanya dahil baka ano yung isipin niya. Natatakot din ako na baka iwan niya ako.

"Drake, dumating ka" nakangiti niyang sabi pagkaupo ko.

"Anong pa bang kailangan mo?" Tamad na tanong ko.

"Drake, I want you back, please? Drake mahal na mahal kita hindi kita kayang makita ng may kasamang iba Drake please!" Sabi niya at hindi na niya napigilan na umiyak sa harapan ko.

"Anna tigilan mona ako! Ano ba?! Kasal nako! Kasal nako kay Scarlet! Kaya wag mona kaming guluhin pa!" Galit na sabi ko sakanya.

"Wala akong pakielam! Kahit na tulad na lang ng dati Drake! Ayos lang sakin! Please! Drake!" Nagmamakaawang sabi niya.

"No, I love Scarlet. Hindi kona siya kayang lokohin, hindi naman kita papatulan noon kung hindi mo lang ako binantaan!" Mas lalo akong nagalit dahil naalala ko yung sinabi niya sakin noon.

"Mahal na mahal mo talaga siya ano? Ano bang meron sakanya? Bakit ba ang ang daming nagkakagusto sakanya?" Nakangiti siya habang lumuluha.

End Of Flashback:

Umaga na, maaga akong nagising kesa kay Scarlet. Napagod siguro siya. Natawa na lang ako sa naisip ko. Tinignan ko yung maamong mukha ng asawa ko. Napakaganda talaga niya. Mamahalin ko siya sa abot ng makakaya ko.

SCARLET POINT OF VIEW

Nagising ako dahil nararamdaman ko na may tumititig sakin kaya iminulat ko yung mata ko.

"Morning" nakangiting bati niya.

"Goodmorning." Ngumiti ako sakanya. Hinalikan naman niya ako sa labi. Ang sakit ng katawan ko gosh! Ginawa nanaman kasi namin 'yun' ulit.

Tinignan ko yung katawan ko at nakita kong may damit nako. Binihisan niya siguro ako.

"Breakfast?" Tumango ako sakanya at umupo. Pumunta muna ako sa CR para mag toothbrush.

Nang matapos ako ay lumabas na kaming kwarto at pumunta sa kwarto ni Ase.

Kinarga ko si Ase at naglakad na kami pababa para makapag almusal.

Kumpleto sila.

"Oh ayan na pala kayo." Ngumiti samin si Mom.

Magkatabi kami ni Drake.

Kakain sana ako ng biglang bumaligtad ang sikmura ako, hindi nila napansin yun, busy kasi sila sa pagkuwentuhan. Pinipilit ko na wag masuka.

Laking pasasalamat ko ng matapos na kaming kumain. Umakyat agad ako sa taas dahil hindi kona mapigilan. Pumunta ako sa kwarto namin ni Drake at pumuntang CR doon ako nagsuka ng nagsuka. Pagtapos kong sumuka ay nagtooth brush ako. Lumabas nako ng CR at naabutan ko si Drake na kakapasok pa lang.

"What happened?"  Nag aalalang tanong niya.

"Uh, nothing." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang siyang mag alala sakin.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

"Yes." Sagot ko sakanya.

Hindi na lang siya nagsalita, tinignan niya akong mabuti bago tumango na marahan.

Ba't ba ako nagsusuka?

Humiga muna ako sa kama dahil masama ang pakiramdam ko.

Si Drake naman ay pumuntang CR para maligo.








Hiiii! Don't forget to vote, comment and share thankyouuu!❤️

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon