Nagising ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Iminulat ko ang mata ko at agad bumungad sakin si mama na nakangiti."Ma?" Patanong na sabi ko. Kinusot ko yung mata ko at umupo , inalalayan naman ako ni mama.
"Nagising ba kita? Sorry"
"No it's okay my."
"Kamusta ang pagbubuntis mo anak?" Tanong pa niya.
"Hmm ayos naman po." Nginitian ko siya.
"Mabuti naman, kain na tayo?"
"Sige po, mauna na po kayo susunod na lang po ako." Sabi ko at tumayo sa pagkakahiga.
"Ayos lang naman na hintayin kita dito."
"Hindi na po my, mauna na po kayo." Nakangiting sabi ko pa. Napabuntong hininga na lang siya sa pagiging makulit ko.
"Okay, if that's what you want." Sabi niya at humalik muna sa pisngi ko bago ako talikuran.
Pumunta naman ako sa banyo para makapag toothbrush at para tignan na rin ang sarili ko.
Nang matapos ako ay lumabas agad ako ng banyo at sakto naman ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto.
"Oh? Ano pang ginagawa mo dito?" Taas kilay kong tanong kay Drake.
"Susunduin ka." Sabi niya at humakbang papalapit sakin kaya naman umismid ako.
"Hindi mo naman ako kailangan sunduin tsk." Sabi ko pero ngumisi lang siya.
"Hobby mo ba talagang ngumisi ha Drake?" Nagkibit balikat lang siya tsaka niya ako inakbayan.
Nang makababa na kami ay nandon na silang lahat.
Inalalayan akong umupo ni Drake pagkatapos non ay umupo naman siya sa tabi ko.
"Hmm si Ase love?" Tanong ko nang hindi ko siya makita.
"Ah! Nakay manang pinapakain siya." Sabi ni Drake tsaka niya nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko.
"Tama na." Pigil ko sakaniya, sobrang dami naman kasi ng nilagay niya. Hindi ko naman mauubos tsk.
"Kailangan mong kumain ng marami love." Sabi niya.
"Oo nga, pero hindi ko naman mauubos to no! Hindi naman kasi ako matakaw!" Sabi ko pa.
"Hindi daw." Bulong pa niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Umiling lang ako sa kabaliwan niya.
Habang kumakain kami syempre hindi nawawala yung pagkwekwentuhan namin. Si Janine at Raphael ay magpapakasal na next next month, at masaya ako dahil don.
Nang matapos kami ay nagkayayaan silang uminom syempre hindi ako kasali kaya wala akong ibang ginawa kundi ang panoorin sila. Sila mama ay nakahiwalay samin.
----------
"Janine kamusta ang pagbubuntis mo?" Tanong ko sakanya, magkatabi kami katabi ko din si Drake.
"Maayos naman." Sagot ni Janine tumango at ngumiti naman ako.
Liningon ko si Drake.
"Drake wag ka masyadong uminom." Paalala ko sakaniya, liningon niya lang ako at hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng table.
Tumingin ako kilala Lily at Dexter. Magkaaway ba sila? Ang tahimik nila ah? Hindi naman sila ganyan kanina.
Naramdaman ni Lily yung titig ko sakanya kaya nilingon niya ako ng may ngiti sa labi na alam kong peke lang iyon.
Pinagtaasan ko siya ng kilay at nginuso ko si Dexter na katabi niya, lumingon naman siya kay Dexter at binalik ulit ang tingin sakin.
Pinakita ko sakanya yung cellphone ko at tumango naman siya ng makuha niya kung ano ang ibig kong sabihin. Patuloy parin sila sa pagkuwentuhan.
Magkaaway ba kayo ni Dexter? Kanina pa kayo tahimik ah?
*Message sent*Lily:
Ahh, wala to Scarlet!Tinignan ko naman siya, ngumiti lang siya sakin, kaya nginitian kona lang din siya.
Me:
Are you sure? Hindi naman kayo ganyan kanina.
*Message sent*Lily:
Yeah, I'm sure, you don't have to worry.Napabuntong hininga na lang ako.
"Love ang tahimik mo?" Napatingin ako kay Drake ng tanungin niya ako.
"Wala." Sabi ko, nginitian ko naman siya pero hindi siya ngumiti pabalik inakbayan niya lang ako, isinandal ko naman yung ulo ko sa balikat niya.
"Gusto mo bang magpahinga?" Tanong sakin ni Drake.
"Hindi na." Sabi ko at uminom ng orange juice na pinatimpla ni Drake sa kasambahay.
"Hindi kaba nagugutom?"
"Hindi." Sabi ko at umayos ng upo.
"Okay."
"Janine kamusta si tita Veah at Tito Arvhie?" Tanong ko (mama at papa nila Janine at Dexter)
"Okay naman sila." Nakangiting sagot niya.
"Scarlet pwede namang ako yung tanongin mo bakit si Janine pa?" Humalakhak si Dexter.
"Well, it's because she's my Bestfriend." Mataray na sagot ko.
"Grabe! Ganyan ba talaga kapag buntis?" Natatawang sabat naman ni Jacob.
"Alam mo? Kung gusto mo pang makakain ng tatlong beses sa isang araw tumahimik ka!" Sabi ko sakanya.
"At ano namang gagawin mo? Tsaka hindi lang naman tatlong beses ako nakakakain sa isang araw ehh mga lima, I think?" Umasta pa siyang nagiisip kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Jacob stop." Suway ni Drake habang masama rin ang tingin kay Jacob. Nagpipigil lang ng tawa si Jacob kaya kinurot siya ni Chayrez sa tagiliran.
"Okay! Okay! I'll stop!" Sabi niya pa at tinaas niya yung dalawang kamay niya na para bang sumusuko. Napailing na lang kami sa kabaliwan niya.
Hiiiiiii!❤️So ayun nga late update nanaman ako hindi lang lateeee super duper late I know HAHA! But don't worry babawi ako😊Basta hintay hintay lang sa update ko hehe!
Don't forget to vote and comment! Thankyouuuu!❤️
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomansSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?