Chapter 32

1.1K 20 0
                                    


Nawala na yung antok ko pagkatapos nung tawag na yun.

Hindi na muna ako pupunta sa bahay, tatanungin ko muna si ate Nally kung busy siya ngayon.

Dinial ko yung number niya, naka dalawang ring bago niya sinagot.

"Goodmorning ate Nally! Uh nagising ba kita?"

"No, hindi naman bakit? May problema ba?" Tanong niya.

"May gagawin ka ba ngayon? O mamaya?"

"Hmm, wala naman bakit? May kailangan kaba?"

"Ate uh pwede bang pakibantayan muna si Ase? Ka--" hindi na natuloy yung sasabihin ko.

"Sige ba! Namiss kona din yung pamangkin ko, maliligo lang ako ah? Bye!" Pinatay na niya yung tawag.

Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Drake. I want you back. Akala ko ba alam niyang kasal kami ni Jacob? O baka naman nalaman na niya na hindi talaga kami kasal? Kanino naman siya nagtanong? Kay Janine? Lily? Raphael? Or kuya Nikko? Hayys ewan ko.

Naligo na lang ako kesa mag isip ng kung ano ano. At nang matapos akong naligo ay nagbihis nako at pinuntahan ang anak ko sa kwarto niya.

"Good morning anak" naalala ko tuloy si mama, binabati niya ako ng goodmorning pagkagising ko.

Kinarga ko siya at hinilamusan, maaga pa kaya hindi ko muna siya pinaliguan.

Nilapag ko muna siya sa mat para makapagluto ako.

Pumunta ako sa kusina para makapagluto ako, pupunta dito si ate Nally, kaya dinagdagan ko yung niluto ko. Baka kasi hindi pa siya kumain.

At nang matapos ako ay nilagay ko sa mesa at tinakpan.

Saktong pabalik nako sa sala ay may biglang nagdorbell.

Pinagbuksan ko si ate Nally ng pinto.

"Goodmorning! Where's Ase?" Pinapasok ko siya.

"Diba malapit na siyang mag eight months? Punta tayong mall ni Ase! Sama na natin sila Lily!" Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Okay"

Tinignan ko yung wristwatch ko. Oh my god! 8:30 na pala! Late nako!

"Ate Nally, alis nako ah? Kung gutom ka may pagkain dun sa kitchen nagluto ako. Hindi pa naliligo si Ase ah? Thankyou talaga ate Nally!" Sabi ko.

"Ano ka ba?! Okay lang! Pamangkin ko naman si Ase e! Sige na! Late kana oh! Ingat ka sa pagdadrive ah?" Bineso ko muna siya at lumapit ako kay Ase hinalikan ko siya sa noo.

"Bye Baby, magtatrabaho lang si mama ah? I Love you" hinalikan ko ulit siya sa noo bago lumakad palabas.

Sinarado na ni ate Nally yung pintuan, ako naman ay dumiretsyo na sa elevator.

Tinignan ko yung cellphone ko at nakita kong maraming mensahe doon yung mga kaibigan ko. Pati si mama at kuya.

Janine:

Sis? Where are you?

Late kana.

Hindi kaba papasok?

Mag reply ka naman!

Me:

I'm fine, malelate lang ako ng konti.

Sunod na tingnan ko naman ay yung kay Lily.

Lily:

Nasaan kana?

Hoy bruha!

Natraffic kaba?

Nasaan kana? Hindi kaba papasok?

Mag reply ka Scarlet nagaalala nako!

Me:

I'm fine,no need to worry.

Mama:

Scarlet are you okay? Lily texted me, wala ka pa daw sa trabaho. Where are you? I'm worried.

Me:

I'm sorry for making you worry. I'm fine my. Papunta pa lang po sa trabaho.

Nilagay kona sa bag ko yung cellphone ko at sakto naman tumunog na yung elevator kaya lumabas nako.

--

Nang makarating ako sa Alonzo company ay binati agad ako ng guard.

"Goodmorning ma'am" nginitian ko lang siya.

Pumasok nako sa elevator at pinindot ang 30th floor.

At nang tumunog yung elevator ay lumabas agad ako. Nakita ko sila Lily na napatingin sa gawi ko. Tumakbo sila sakin at niyakap ako.

"Saan kaba galing ha?! Bat ngayon ka lang?! Nag alala kami ng sobra sayo!" Sumbat ni Janine.

"Oo nga! Tinext na nga namin si Tita Nica e! Akala namin kung ano ng nangyari sayo!" Maluha luha na silang dalawa kaya natawa ako ng mahina.

"Okay lang ako! Wag nga kayong umiyak! Nalate lang ako ng pasok okay?!"

--LUNCH--

Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain. Hindi kasama si Raphael ngayon, marami daw kasi siyang ginagawa. Si Drake naman hindi pumunta. Ano bang pakielam ko dun?

"Scarlet, bukas ah?" Anong pinagsasabi nitong Lily na to?

"What? Anong bukas?"

"Don't tell me nakalimutan mo?!" Inis na sabi ni Janine.

"Sorry na! Ano ba kasi yun? Ano bang meron bukas?" Napakagat labi na lang ako.

"Friday bukas! Pupunta tayong bar remember? Don't worry hindi ka naman malalasing" sabi ni Lily.

"Okay"  may magagawa paba ako? Tss.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon