Chapter 30

1.2K 22 0
                                    


Nakauwi na kami sa condo. Hindi nako nagpaalam kay kuya.

Bakit ba kasi hindi nya ako naiintindihan?! Natutulog na si Ase samantalang ako nandito ako sa kwarto ko at nakatulala.

Tinignan ko yung wall clock at nakita kong 11:46 na. May trabaho pa pala ako bukas.

Pinilit kong matulog dahil ayokong malate bukas.

Zzzzzzzzzz

--KINABUKASAN--

Nang magising ako ay naligo agad ako, pag tapos kong maligo ay pumunta nako sa kwarto ni Ase.

Natutulog pa si Ase kaya bumaba muna ako para makapagluto.

At nang matapos ako magluto ay nilagay kona sa mesa.

Bumalik ako sa kwarto ni Ase at naabutan ko syang humihikab habang kinukusot nya yung mga mata nya.

"Goodmorning baby" napatingin naman sya sakin.

Lumapit ako sakanya at hinalikan ko sya sa noo.

Binuhat ko sya dinala sa kusina.

---

Nandito nako sa trabaho ko sila Lily naman ayun nagtatrabaho din.

Nasa mansion si Ase hindi ko kinakausap si kuya Nikko kahit na nandun sya.

Tinignan ko yung wristwatch ko. 12:00 na pala? Diko namalayan yung oras. Tumayo nako para pumunta sa baba. Meron kasing cafeteria  sa baba nitong building na to.

Sumakay nako sa elevator ng tahimik pero bago pa magsara yung elevator ay nakapasok na sila Lily at Janine.

Naguusap silang dalawa habang ako tahimik lang.

"Scarlet are you okay?/ scarlet ayos ka lang?" Sabay na tanong nila kaya nginitian ko sila.

"Oo naman" tumunog na yung elevator kaya lumabas na kami.

Habang kumakain kami ay biglang dumating si Raphael kasama nya si Drake na may nakakapit na babae sakanyang braso napaiwas na lang ako ako ng tingin.

Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa pagkain ko.

Umupo si Raphael sa tabi ni Janine.

"Drake upo muna kayo" at saktong tapos nakong kumain kaya tumayo nako.

"Una nako sa taas ah? Tapos na rin kasi akong kumain" tumalikod nako sa kanila at naglakad palabas ng restaurant na to.

Pagpasok ko sa elevator ay nakahinga ako ng maluwag.

Nagsimula nakong magtrabaho sila Lily naman ay kakatapos lang nilang maglunch si Drake naman ay nandun sa office ni Raphael kasama yung babae nya. Ano bang pakialam ko dun?!

Napailing na lang ako sa naisip ko.

"Hoy bruha!"

"Ay palaka!" Napatalon ako sa kinauupuan ko at napahawak sa dibdib ko. Nagulat ako dun!

"Lalim ng iniisip mo ah? Nagulat ba kita?" Natatawang sabi ni Lily.

"Ay hindi, hindi ako nagulat" sarcastic na sabi ko at inirapan ko sya.

"Sorry naman! Kanina kapa kasi Tulala dyan! Pinapatawag ka ni Raphael" nakangisi pa si Janine habang sinasabi nya yon. Kaibigan koba talaga sila?! Damn!

"Okay" inirapan ko silang dalawa bago pumunta sa office ni Raphael.

At nang makapasok ako ay naabutan ko si Drake na nasa sofa habang nakaupo yung babae sa hita nya at nag hahalikan sila. Seriously? Dito pa talaga ah?

Nag iwas na lang ako ng tingin.

"Sir? Pinapatawag nyo daw po ako?" Sabi ko. Boss ko sya kaya sir yung tawag ko sakanya nakakahiya kasi.

"Wag mo na akong isir at wag ka ng mag po scarlet, kaibigan mo naman yung girlfriend ko" nakangising sabi nya at tumingin sya kay Drake at tumingin ulit sakin.

"Okay, bat moko pinatawag?" Si Drake naman ay nagulat nung makita nya ako. Bat sya nagulat? Takot ba syang makita ko sya na nakikipaghalikan? Gago talaga sya! Teka bat ba ako nagagalit?!

"Hindi ako yung nagpapatawag sayo, si Drake yun" napataas yung kilay ko sa sinabi nya at tinignan ko naman si Drake na nakataas ang kilay sakin. Ano bang problema nya?!

"Oh? Okay, anong kailangan mo sakin?" Inirapan ko sya. Yung babae naman ay umalis sa pagkakakandong kay Drake.

"Galing ako sainyo kahapon, bat wala ka kahapon?"

"Ano bang pakialam mo? Wag mo nakong guluhin pwede?!" Galit na sabi ko.

"Excuse me lang miss, hindi kaba marunong gumalang sa kaibigan ng boss mo? Nagtatanong lang nam--" sabat nung babaeng higad.

"E ikaw? Ano bang pakialam mo? Wala kang alam so shut the fuck up! E ikaw hindi ba kayo marunong lumugar? Maghahalikan na nga lang kayo dito pa sa office ni Raphael? ewww, office to hindi hotel" Sabi ko sabay irap sa babaeng yun.

"Bisita ako dito! Kasama ako ni Drake kaya respetuhin mok--"

"Respetuhin? Tanga kaba? Paano kita rerespetuhin kung ikaw mismo ay hindi marunong remespeto, saka tingin mo may rerespeto sayo kung ganyan yung suot mo?Tinuruan kaba ng magulang mo ng manners? O Baka naman sadyang wala ka non?" Akmang susugod sya sakin pero pinigilan sya ni Drake.

"Babe let me go! Hindi moba narinig yung mga sinabi nya?!"

"Oh? Bakit? Nasaktan ka no? Masakit bang malaman ang totoo? Bat ko nga ba kinakausap yung pangit na katulad mo?"Nginisian ko sya ng parang nangaasar.

"Raphael una nako ah? Baka kasi mahawa ako ng kapangitan nung BISITA mo" diniinan ko yung salitang bisita.

Lumabas nako sa office ni Raphael. Nakaka stress!

"Oh anong nangyari?" Tanong nila sakin pagkaupo ko.

"Wala naman, Sige na magtrabaho na kayo" Hindi ko alam kung bakit ako badtrip.

---

Tinignan ko yung wristwatch ko at nakita kong 3:50 na. Nagligpit nako ng gamit ko. Tutal konti lang naman yung ginawa ko kanina kasi marami yung tinapos ko kahapon remember?

"Ang aga pa ah?" Nagtatakang tanong sakin ni Janine.

"Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko" dumiretsyo nako sa elevator.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon