Chapter 15

1.1K 22 0
                                    



Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner ngayon nila ate Nally, Angel, Drake at ni Anna.

_____ _____ _____ _____ _____
ako Ate Nally Angel Anna Drake

Ganyan yung arrangement namin.

Tahimik lang kaming kumakain. Wala sila Tito at Tita.

Binigay sakin ni ate Nally yung cookies.

"Ginawa ni Angel yan para sayo" Sabi ni ate Nally kaya napatingin ako kay Angel hindi sya makatingin sakin. Kaya napangiti ako.

"Ohmygod! Baby Angel thank you!" Sabi ko. Tinikman ko masarap sya!

"Ang sarap! Promise!" Sabi ko tumayo ako at niyakap si Angel.

"Gusto nya ako yung magbigay nahihiya daw kasi sya sayo, baka daw kasi hindi mo magustuhan" paliwanag ni ate Nally kaya bumitaw ako sa pagkakayakap kay Angel.

"Thank you Angel!" Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.

Bumalik nako sa upuan ko.

Tapos na rin kasi akong kumain pero sila hindi pa.

"Nagustuhan mo ate Camille?" Natutuwang tanong sakin ni Angel.

"Oo naman!" Nakangiting sabi ko. Padarag na binitawan ni Anna yung kutsara at tinidor nya kaya napunta sakanya ang atensyon namin.

"Bitch" bulong ni ate Nally na ako lang ang nakarinig.

"What about me?" Nakangiting tanong ni Anna.

"What do you mean?" Mataray na sagot sakanya ni Angel. Si ate Nally naman ay natuwa sa pagtataray ni Angel.

""Pinag bake mo si ate scarlet right? E ako wala ba?" Nakangiting tanong ni Anna.

Napasimangot na lang si ate Nally sa narinig nya galing kaya Anna.

"Wala, magaganda lang po kasi yung pinagbabake ko e" sagot sakanya ni Angel. Tawa ng tawa si ate Nally sa sinabi ng kapatid nya, napakagat labi ako para pigilan ang pag tawa ko, tinignan ko si Anna at nakita kong nakatingin sya ng masama sakin, kaya nginisian ko sya para mainis pa sya lalo.

Tinignan ko si Drake at nakita kong nakatingin sya sakin habang nakangiti, kaya nag iwas ako ng tingin.

Tinignan ko yung wristwatch ko at nakita kong 9:00 na.

"Ate Nally, Angel uwi nako ah? Late na kasi" Sabi ko sakanila. Tumayo naman si ate Nally at si Angel, niyakap ako ni ate Nally at niyakap ko sya pabalik, bumitaw nako sa yakap namin at binuhat ko si Angel.

"Punta ka ulit dito sa bahay ate" nakangiting sambit ni Angel.

"Sige" Sabi ko.

"Promise?" Sabi pa nya kaya natawa ako.

"Promise" Sabi ko kaya mas lalong lumaki ang ngiti nya.

Binitawan ko na si Angel.

"Bye!" Nakangiting paalam ko.

"Hatid na kita" alok sakin ni Drake tinignan ko naman si Anna at nakita kong nakatingin sya sakin ng masama. Tignan lang natin kung may masabi ka pa.

"Bat ako yung ihahatid mo? Bat hindi si Anna? Ang sama kasi ng tingin nya sakin" tinignan ko si Anna at mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Napataas naman yung kilay ni ate Nally.

"W-what a-are you talking a-about?" Pagmamaang maangan nya pa.

"Kung sila napapaniwala mo sa kaartehan mong yan, pwes ako hindi, mabait ako alam mo yan! Pero eto ang tatandaan mo, masamang galitin yung mga taong mababait, Baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko sayo" may diin ang bawat salita ko bago ko sila talikuran.

Sumunod naman sakin si ate Nally.

"Hatid na kita" Sabi nya kaya tumango na lang ako.

----

Nasa bahay nako ngayon nagpapahinga, grabe hindi ko inakalang masasabi ko lahat ng yon kay Anna.

Ubos na ubos na yung pasensya ko sakanya.

Makatulog na nga lang.

Zzzzzzzzzzz






++Don't forget to vote, comment and share thank you!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon