Chapter 36

1.2K 30 0
                                    



"D-drake? A-anong ginagawa m-mo dito?" Pinilit kong maging matapang sa harap niya pero nabigo ako.

Nakatingin lang siya sa hawak kong si Ase. Damn!

Hindi pa rin siya nagsasalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ilalayo niya ba sakin yung anak ko?

Hindi kona napigilan na umiyak sa harapan niya si kuya naman ay nandito pa rin sa harapan ko.

Tumingin sakin si Drake at iba't ibang emosyon ang nakita ko sa mga mata niya. Galit, pagsisisi, at poot.

"K-kuya d-dalhin mo muna si Ase sa kwarto ko" hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko. Binigay ko kay kuya si Ase.

"Drake anong ginagawa mo dito?!" Ulit ko.

"Scalet ano to?! Ha?! Tang*na! Bakit hindi mo sinabi sakin?!" Sigaw niya sakin at sinuntok niya yung pader kaya napatalon ako sa gulat.

"Drake! Wag na wag mo akong sisigawan n-ng ganya--" pinutol niya yung sasabihin ko.

"Anong gusto mong gawin ko kung ganoon?! Ha?!"

"Hindi moko naiintindihan! Kasi hindi naman ikaw ang nasa pasisyon ko!"Sigaw ko sakanya.

"Sa tingin mo may nakakaintindi sa ginawa mong paglihim sakin?! Napaka selfish mo! Hindi lang ito tungkol sayo! Tungkol ito sa anak natin! Bakit?!! Naisip moba yung anak natin bago ka magdesisyon?! Ha?! Hindi! Kasi nga sarili mo lang ang iniisip mo!" Hindi ko na napigilan na sampalin siya. Alam kong galit siya sakin pero sumosobra na siya!

Humikbi ako ng humikbi.

"Alam kong galit ka sakin! Pero wag na wag mo akong pag sasabihan ng ganyan! Niloko moko! Kayong dalawa ni Anna! Kayong dalawa na pinagkakatiwalaan ko! Sa tingin mo masasabi ko pa sayo yun?!" Sigaw ko sakanya aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Nag uusap pa tayo!"

"Drake ano ba?! Nasasaktan ako!" Hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit.

"Aalis kana lang ng basta basta?! Yan ang hirap sayo e! Hindi mo hinahayaan yung mga taong nakagawa sayo ng mali na magexplain! Kapag nasaktan ka yung sariling nararamdaman mo lang yung naiisip mo! Paano naman kami?! Sa tingin mo hindi kami nasasaktan?!" Hindi kona kaya.

"Tama na! Nasasaktan nako!" Binawi ko yung braso ko na hawak niya at naglakad paalis sa kusina para umakyat sa kwarto.

Nasa sala sila mama, papa, kuya Nikko, ate Danica at kuya Gino pero dirediretsyo lang ako paakyat sa kwarto ko naramdaman ko naman na sinusundan ako ni Drake.

"Scarlet! Mag usap tayo!" Hindi ko siya pinakinggan at pumasok sa loob ng kwarto ko. Ilalock kona sana pero pinigilan ako ni Drake.

Kinarga kona lang yung anak ko na tahimik lang na nakahiga habang dumedede.

"Scarlet, mag usap tayo please" nakatingin si Drake kay Ase.

"Umalis kana" pagtataboy ko sakanya.

Umigting yung panga niya sa sinabi ko.

"Ikaw pa talaga yung may ganang magalit sakin?!" Galit na sabi niya.

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Nilapag ko muna si Ase sa kama ko at umupo sa gilid niya.

Hindi na lang ako nagsalita tinignan ko lang siya.

"Okay, sorry" pumikit siya ng mariin.

"Sorry sa sinabi ko" dugtong niya pero nanahimik pa rin ako. Ano bang dapat kong sabihin?

"Nung nakita mo kaming dalawa ni Anna na naghahalikan sa garden dati, sorry doon. Binantaan niya kasi ako, sabi niya sisirain niya daw yung buhay mo kapag hindi ako pumayag sa gusto niya, wala naman akong choice kaya pumayag ako. Hindi ako natatakot kay Anna, natatakot lang ako sa pwede niyang gawin sayo. K-kaya sana napatawad moko" natigilan ako sa sinabi niya. Ganun na ba talaga siya kadesperada?! Ano ba talagang gusto ni Anna?!

May pumatak na luha sa dalawang mata niya kaya tumayo ako at lumapit sakanya. Pinunasan ko yung luha niya saka ko siya niyakap.

"S-sorry, hindi ko lang napigilan" sabi niya at niyakap ako pabalik.

"Ako yung dapat mag sorry, sorry kasi nilihim ko sayo na may anak tayo, sorry kasi sarili ko lang yung iniisi--" pinutol niya yung sasabihin ko.

"Shhh, Don't say that. Galit lang ako kaya ko nasabi yon" sabi niya at bumitaw sa yakap.

Hinawakan niya yung pisngi ko.

"I Miss you love" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"I Miss you too" natigil lang kami dahil narinig namin yung iyak ni Ase.

Kinarga ko siya. Ubos na pala yung gatas niya.

"Love" tumingin ako kay Drake.

"What's his real name?"

"Glenn Fraser Fuentes"

"Seven months right?" Tumango lang ako sakanya.

"Saan mo siya pinanganak? At kailan?"

"Sa P-paris, March 6, 2009"

"Mag e-eight months na pala siya" tumatango na sabi niya.

"Sa bahay na kayo titira, paguusapan na rin natin yung kasal natin" Nakangiting sabi niya.

"Ha? H--" pinutol niya yung sasabihin ko.

"Papakasalan kita kasi mahal kita at mahal ko rin yung anak natin, hindi dahil sa responsibilidad ko" sabi niya kaya tumango na lang ako.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon