Chapter 51

919 19 1
                                    


Nakarating na kami ngayon sa Alonzo Company.

Saktong pag upo ko ay ang pagdating ni Drake.

Nakatingin siya sakin habang nakangiti, nginitian ko din siya.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Kumuha siya ng upuan at umupo sa tabi ko.

"Sorry kung umalis ako ng hindi nagpapaalam." Sabi niya kaya natawa ako. Hindi nga pala niya alam na sinundan ko siya.

"Ayos lang." Nginitian ko siya samantalang siya ay mukhang nagulat dahil hindi ako galit.

"Hindi ka galit?" Paninigurado niya.

"Hindi nga kasi." Hinalikan ko siya sa labi.

"N-nakipagkita ako k-kay..... R-rhian." Nauutal niyang sabi.

"Okay." Nagkibit balikat lang ako samantalang siya ay hindi makapaniwala sa sinasabi ko sakanya.

"Scarlet.." Nahihirapan na sabi niya.

"Ayos lang hindi naman ako galit." Sabi ko sakanya.

"She said--" hindi ko siya pinatapos.

"Sorry and she's pregnant." Tinuloy ko yung dapat niyang sabihin. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Sinundan kita, nung una nagalit ako nung nalaman ko na umalis ka kasama si Rhian pero nawala yung galit ko dahil sa sinabi niya." Nakangiting sabi ko sakanya.

"Pinarecord ko kila Janine yung pinag uusapan niyo." Dugtong ko pa.

"Okay."

"Sige na, punta kana dun sa Office ni Raphael."

Napahinto ako ng may maalala ako.

"Wait! Diba sabi ko sayo magtrabaho kana?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nginisian niya lang ako bago tinalikuran. Napailing na lang ako.

Pinagpatuloy kona lang yung trabaho ko.

-----------

Tumayo nako kaya tumayo na rin sila Lily.

"So ano? Hindi ka sasama bukas?" Tanong ni Lily.

"Hindi ako sure, pipilitin ko si Drake." Nginitian ko sila.

"Janine, don't be sad okay? Everything will be okay." Nginitian niya ako.

"Yeah, thankyou Lily and Scarlet, kung wala siguro kayo hindi kona alam yung gagawin ko." Sabi ni Janine. Nag group hug kaming tatlo.

"May sasabihin din sana ako sainyo." Sumeryoso siya kaya tinignan ko si Lily pero nagkibit balikat lang siya sakin.

"What is it?" I said.

"I-I'm two weeks pregnant." She said.

Ohmygod!

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon