Chapter 3

1.3K 33 1
                                    





Sobrang sakit, kahit na wala pa akong alam kung Niloloko Nila akong dalawa.

Si Anna...tinuring ko siya ng parang kapatid kaya hindi naman niya siguro ako lolokohin.

Pinunasan ko yung luha ko at nagayos narin.

Lumabas na akong CR at dumiretso sa canteen kaya lang wala na sila doon.

Suminghap na lang ako.

Haist makapunta na nga lang sa garden. Habang papalapit ako sa garden ay may naririnig akong umuungol.

Sino kaya yon?sa pagkaka alam ko wala namang pumupunta dito ah?

Pero parang may sariling isip ang paa ko at naabutan kona lang na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa dalawang tao na napakapamilyar sakin......

"Ano t-to?"tanong ko habang humihikbi at nagulat sila ng makita nila akong dalawa.

"L-love let m-me e-explain please?" Sabi niya habang lumalapit sakin pero patuloy naman akong umaatras.

"W-wag k-kang lalapit s-sakin!m-manloloko k-kayo!" Sigaw ko habang umiiyak.

"A-at ikaw!tinuring kitang k-kapatid!pero eto y-yung isusukli mo sakin?!ha?!" Sigaw ko kay Anna.

"Hahaha!mygod!ang tanga mo!sa tingin mo tinuring kitang kapatid?sa tingin mo gusto kitang maging kaibigan?!HINDI!kinaibigan kita kasi alam kong mapapalapit ako kay Drake! At ngayong alam mona na may namamagitan samin ni Drake umalis kana!hindi ka niya kailangan!AKO!ako ang kailangan niya" sabi niya sakin habang nakangiti at nakataas ang kilay saakin.

"K-kailan p-pa to?"tanong ko kay Drake habang umiiling dahil lumalapit siya sakin.

"M-matagal na" sagot sakin ni Drake kaya napahikbi ako napatungo na lang siya.

Napatingin ako kay Anna.

Suminghap ako at pumikit ng mariin.

"Yan ba yung makakapagpasaya sayo Drake?Anna?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Love please mageexplain ako" Sabi ni Drake.

"Drake!wag ka ngang mag inarte dyan!ikaw naman Scarlet!pano kung sabihin kong magiging masaya ako kapag naghiwalay kayo?gagawin mo ba yun?!" Pa sigaw na tanong ni Anna sakin.

"Okay then! Drake mahal na mahal kita kaya kung eto yung makakapagpasaya sayo,sainyong dalawa edi sige...Malaya kana.." Sabi ko kay Drake.

Tumalikod nako sakanila at nagsimulang tumakbo palayo sakanila...

Palayo sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko pero niloko ako......

Ang sakit kasi tinuring ko siyang kaibigan pero pinagtaksilan nila ako?

Mahal na mahal ko si Drake at kaya kong magsakripisyo kahit na masaktan ako ng sobra sobra....

Patuloy parin ako sa pagtakbo tumigil lang ako ng may nakita akong taxi kaya pumara ako.

"Ma'am saan po?"tanong niya.

"Sa mansyon po ng mga Fuentes" Sabi ko Kay manong driver.

Hindi na siya sumagot.

Oo tama mansyon. May mansyon kami at marami ding nakakakilala kay papa dahil isa siyang sikat na abogado.

Haist hindi ko alam kung paano ko haharapin sila mama ng ganito ang itsura ko kaya pinunasan ko na lang yung luha ko at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Hindi ko inakala na naloko lang ako ng ganon ganon.

Oo aaminin ko maganda si Anna at marunong siyang magdala ng damit, hindi siya kagaya ko na hindi sana'y sa mga short at puro pantalon lang ang sinusuot ko pero minsan nagshoshort din naman ako pero hindi naman maikli tulad ng sakanya.

Pero teka nga?kinukumpara koba yung sarili ko sakanya? No hindi dapat ganon.

Pero kasi diba?hindi naman kasi tama yung gamitin nila yung kahinaan ko at hindi rin tama na lokohin ako dapat sinabi na lang nila nung una pa lang edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

Hayy ayan na naman tong mga traydor na luha nato.

Scarlet ano ba? Wag ka na ngang umiyak! Wag mona rin isipin yung ginawa nilang kalokohan sayo kung ayaw mong masaktan!

Normal paba to?yung kinakausap ko yung sarili ko? Hay--

"Ma'am nandito napo kayo" sabi nung driver.

Inabot kona yung bayad ko at lumabas na.

Nagdorbell ako at pagkabukas ni manang ay pumasok nako Hindi kona siya kinausap kahit na May tinatanong pa siya.

Sorry manang kung nadamay kapa..

Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko at nilock ko para walang makaistorbo sakin.

Pumunta ako sa kama  ko at doon ako nagsimulang umiyak hanggang sa makatulog ako.....












++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon