Chapter 54

954 24 1
                                    

Natapos na kami ni Drake na maligo. Nasa sala kami ngayon habang hinihintay namin sila mama na dumating.

Dito na sila maglalunch at magdidinner. Mag-iinuman din sila, hindi ako pwedeng uminom, pupunta din sila Janine dito. Hindi ko alam kung okay na ba sila ni Raphael.

"Happy ten months baby Ase!" Sabi ni Janine pagkarating nila. Kasama niya si Lily Dexter at Raphael pati si Jacob at Chayrez.

Binuhat ni Janine si Ase. May binigay sila sakin na paper bag.

"Ano to?" Tanong ko.

"Paper bag tawag diyan Scarlet." Sabi ni Jacob kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Alam ko, ang ibig kong sabihin ay anong laman nito at para saan ito?" Nagtatakang tanong ko at sinilip yung paper bag na dala nila para malaman ko kung anong laman.

Hinawakan ni Drake yung baywang ko kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gutom kana? Lunch na tayo." Sabi niya sakin.

"Sila Janine na lang yung yayain mo. Mamaya na ako, hihintayin ko sila mama." Sabi ko at nilapag yung paper bag sa upuan.

"Tamang tama! Gutom na din kami." Tinignan lang ni Drake si Jacob ng masama.

"Tumigil ka nga!" Saway ni Chayrez sa boyfriend niya.

"Wala naman masama sa sinabi ko ah? Gutom naman kasi talaga tayo." Sabi ni Jacob.

"Anong tayo? Ikaw lang kaya!" Sabi ni Janine.

Tumayo ako at lumapit kay Janine.

"Baka may gusto kang ikuwento?" Nakangising tanong ko sakanya. Lumapit din si Lily samin.

"Oo nga!" Humalakhak si Lily.

"Tseh! Manahimik nga kayo!" Namumula na si Janine ngayon kaya natawa kami ni Lily.

Tinignan ko si Ase naabutan ko siya na para bang gusto niyang magpabuhat sakin kaya binigay sakin ni Janine si Ase.

"So, ano? Tara?" Yaya ko sakanila.

"Huh? Saan?" Tanong ni Janine.

"Sa garden, magkuwento ka ha?" Nginisian ko siya, inirapan naman niya ako.

Lumapit ako kay Drake.

"Drake, punta lang kaming garden." Sabi ko sakanya.

"Sama ako."

"Wag na! Diyan kana lang." Sabi ko at binigay ko sakanya si Ase.

"Tara?" Yaya ko sakanila kaya tumango naman sila sakin at sinundan ako palabas. Syempre lalabas ako, e nasa labas yung garden e. Hinawakan ko yung kamay ni Chayrez.

May maliit na table dito sa tapat ng garden at may apat na upuan.

May nakita akong kasambahay na nagdidilig ng halaman kaya tinawag ko ito.

"Yaya, pwedeng paghanda mo kami ng makakain?" Sabi ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong pangalan niya.

"Sige po ma'am." Ngumiti siya sakin bago siya naglakad paalis.

Tumingin ako sa dalawang kaibigan ko.

"So ano na? Magkwento kana girl!" Sabay hampas sa braso niya. Mahina lang naman.

"Ano naman ikwekwento ko?" Tanong niya. Tinignan ko si Lily.

"Janine naman e! Syempre kung anong pinag-usapan niyo ni Raphael! Duh!" Sabi ni Lily.

"Pinag-usapan?" Patanong na sabi ni Janine.

"Oo nga ate Janine! Ulit ulit ka naman e." Nakasimangot na sabi ni Chayrez.

"Wala naman kaming pinag-usapan." Pagdedeny ni Janine.

"Wala kayong pinag-usapan? E anong ginawa niyo? Nagrosaryo?" Sabi ni Chayrez.

"E! Wag na kasi kayong tsismosa!" Ngumuso si Janine.

"Gusto mong putulin ko yung nguso mo?" Pagbabanta ko sakanya.

"Tsk! Eto na nga oh magsasalita na." Sabi niya.

"Okay, anong pinag-usapan niyo?" Lily.

"Hinila niya ako papuntang Office niya then, ayun tinanong niya ako."Is that true?" Tanong niya sakin. "What?" I said. "I said is that true?" "True what?" Sabi ko "that you're pregnant?" "What if I am?" Naiinis na talaga ako sakanya nung time na yun e! Pinigilan ko lang!" Sabi niya.

"Then? Anong nangyari?" Tanong ni Chayrez.

"Sabi niya..." Binitin niya talaga e no?

"Sabi niya? Ano?" Tanong ko.

"Sabi niya.." Nang iinis ba siya?

"Ano nga?!" Naiinis na din si Lily.

"Mag aano daw kami." Ano daw?

"Mag aano?" Sabay sabay na tanong naming tatlo.

"Magpapakasal." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ohmygod!

"Ahhhh!!!! Ohmygod! Ohmygod! Ahhh!!" Tumili kaming tatlo dahilan para lumabas sila Drake galing sa loob ng bahay. Natataranta sila habang lumalapit saamin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Drake sakin habang buhat niya parin si Ase.

"Scarlet? Okay ka lang ba? May nangyari bang hindi maganda? Ba't kayo tumili?" Sunod sunod na tanong ni Drake. Sila Dexter ay nilapitan na din nila sila Lily.

"Wala! May kinwento lang si Janine samin kaya ayun." Paliwanag ko kay Drake hinalikan naman niya ako sa labi ng mabilis.

"Nag alala ako! Sa susunod nga wag kayong tumili ng gano'n!" Naiinis na sabi niya kaya napangiti ako.

Sorry sa late update!:)



Don't forget to vote and comment! Thankyou!

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon